Grezza's POV
Everything happened in a blur. Umiyak ako sa harap ni Gian ng halos isang oras at hindi niya binirawan ang kamay ko sa sandaling iyon. We were not talking, he just watched me cry.
He didn't bother to ask anything at sobra sobra ang pasasalamat ko doon. Alam kong naiinis siya na umiiyak ako at alam ko ring akala nita ay si Sandy ang iniiyak ko. Partly, si Sandy naman talaga pero si Gian ang mas initakan ko.
O mas magandang sabihin na ang tadhana ang iniyakan ko?
Ilang beses kong tinanong ang Diyos kung bakit ko kailangan mahalin ang isang taong hindi aki kayang mahalin. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na katangahan ang pagmamahal sa kanya pero hindi ko man lang nagawang rendahan ang puso ko.
Nakakainis.
Nakakapikon.
Pero wala akong magawa.
Nagbuntung-hininga ako. Ngayon ay magkasama na kami at sinabi niyang aalagaan niya ako at ang anak namin. Masaya naman ako.
Sino bang hindi sasaya? He's finally here with me. He finally decided to be with me and that's enough to thank for. But I should not expect for more.
Kung ano ang kayang niyang ibigay magpapasalamat ako. Kung hanggang kailan siya sa akin, magpapasalamat ako.
I won't demand. I won't expect.
Wala ako sa posisyon para gawin iyon. I am just the mother of his child. I am just a lucky bitch who got pregnant from his seeds. Kaya alam ko kung saan ako lulugar.
In this way hindi ako masasaktan. No failed expectations. No broken promises out of demands from me.
I smiled bitterly. Habang paulit ulit kong sinasabi ito at tila may punyal na nakatarak sa puso ko.
I shook my head. Tama na. Wala ng Sandy na sasalo sa akin ngayon. His hands are full and he doesn't have enough space for me.
I looked at my face and then stood up to check my body. Napansin kong tumataba na ako pero hindi parin halata ang umbok ng tiyan ko. Mag-aapat na buwan na pero hindi pa halata.
Kunsabagay, pabor ito sa akin. Mahihirapan akong kumilos kung malaki na ang tiyan ko. Alam ko rin naman na pag nahirapan ako ay mahihirapan din ang anak ko. Hindi bale, pagkatapos ng buwan na ito ay magpapahinga na ako. Pang tatlong buwan lang naman ang show na ito kaya madali lang matatapos ang lahat ng shooting.
Napapitlag ako ng may maramdaman aking pumulupot sa bewang ko. Napatingin ako sa salamin at hindi ko napigilan ang pagngiti ng salubungin niya ako ng matamis na ngiti.
"Tinitignan mo na naman katawan mo, sexy ka pa rin, wag kang mag-alala." I pouted and turned around to face him. Niluwagan niya naman bahagya ang pagkakayakap sa akin para malaya akong makaharap sa kanya.
"Mataba na ako, darating yung time papangit na ako."
He made face. "Silly! Maganda ka parin. For me, kahit na tumaba ka, mangitim ang kilili mo..."
"G-gian!" I shrieked. He chuckled because of my reaction. Kiniliti niya kasi ako sa kili-kili ko.
"No, seriously..." Sumeryoso ng bahagya ang mukha niya at nag-umpisa na naman akong malunod sa kanyang mga mata. "Kahit magbago ang lahat ng parte ng katawan mo, my adoration to you won't change. At saka bakit ako magrereklamo kung magbabago ito kung ako ang dahilan ng pagbabago mo? Remember, I made you pregnant. And that alone makes me the happiest man alive."
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (Under Major Editing)
General FictionGian is known as the hero who protected and took care of Elsa while she was away from her husband, Nicky. He thought at first that he just really cares for Elsa but later on realized that he is madly and deeply inlove with this woman. However, thoug...