Chapter 14

2 0 0
                                    

Ana's POV

K💙I💙N💙A💙B💙U💙K💙A💙S💙A💙N

Nakangiting bumangon ako sa higaan ko ultimo sa pagligo,pagbihis at pagluto ko hindi nawawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko.

Nang matapos akong magluto,ginising ko na ang mga kasama ko para kumain.Nagising naman agad sila pero parang mga zombie na umupo sa higaan habang nakatingin sakin.

"GOODMORNING!."Nakangiting pagbati ko sa kanilang lahat.

Nagkatinginan mo na silang lahat bago sabay sabay na bumati sakin pabalik."Morning!."Pati ang boses nila ay pang zombie din.

"Magsikilos na kayo at kailangan na nating pumunta sa lobby ng 8 am."

"Ok."

Hindi ko na lang ang pinansin ang zombieng kilos nilang lahat.Habang naghihintay sa kanila napag isip ko na mag impake tutal one day lang naman ang binook namin sa room na ito.Sinama ko na ring ayusin yung sa kanila dahil ang babagal talaga ng mga kilos nila.Hindi ko alam kong dahil ba yun sa pagnood namin ng Horror kagabi o sadyang pagod na pagod lang sila.

7:45 am

"Bilisan niyo na diyan! Malapit ng mag 8!."Sigaw ko sa mga zombieng kasama ko rito.Nagsikilos naman silang lahat at nang handa na kaming lahat,bumaba na kami sa lobby.

Nakangiting nauuna ako sa kanilang lahat habang parang mga zombie naman silang nakasunod sakin.

Nakita ko agad si Sir Francisco na nakaupo kasama ang iba pang teacher sa lobby.Naghahanda pa ata ang ibang mga studyante sa kanikanilang mga kwarto,kunti pa lang kasi yung nakikita kong studyante na naglilibot at nagseselfie sa lobby.

Dumeretso na ako sa mga teacher namin at ng makalapit agad ko silang binati ng may ngiti sa labi.

"Good morning maam,Sir."

"Oh! Andito na pala kayo."nakangiting pag salubong naman sa akin ni Sir at tumingin pa sa likod ko.

"Oh anyare diyan sa mga ksama mo?."Salubong ang kilay na tanong sakin ni Sir.

"Ay nako Sir! Hindi ata nakatulog."

"Huh? Bakit?."

"Nanood kami ng horror kagabi tas tudo yung sigaw nila Sir.Gusto mo pong makita? May video ako."Natatawang sambit ko sabay labas ng cellphone ko.Tumingin pa ako sa likod ko na may nang aasar na ngiti.Nanlaki agad ang mga mata nila at akmang kukunin ang cellphone ko ng bigla ko itong itago sa likod ko at tumakbo sa likod ni Sir.

"Siiirrr!!!."panghihingi ng tulong na tinignan nilang lahat si Sir Francisco ngunit imbes na tulungan sila ni Sir tinignan pa ako ni Sir."Pakita nong Video."natatawang bulong ni Sir sakin na agad kong ikinangisi at pinakita sa kaniya ang video.Nakitingin rin naman ang ibang mga teacher sa video at ng matapos tatawa tawa nilang lahat na binalingan sila Mia na kasalukuyan ng nakabusangot at pulang pula ang mukha dahil sa kahihiyan.

Hahahahahhah...Ang epek!Syet!

"Hindi ko alam na mas malakas ang sigaw ng mga boys kaysa sa mga girls."Tatawa tawang komento ni Ms Gomez.

Napakamot ng batok naman ang mga Boys."Ms. Iba po yung sinisigawan namin atsaka hindi po kami naniniwala sa mga multo multo na yan noh."Kunyareng natatawang sambit ni Crost.Sumang ayun naman ang ibang boys.

"Ahhh..talaga? So ano yung nasa likod niyo!."Ako sabay turo sa likod nila.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat kasama ang mga girls at wala sa sariling nagtago sa mga likod ng teacher habang nakatingin sa harap.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now