Ana's POV
PAGOD akong napaupo sa hallway chair ng matapos ang panggagamot namin.Thank God at walang namatay sa aksidente,purong sugat lang pero merong din nag 50-50 ang buhay,isa na roon ang may-ari ng store at ang 3 pang employee nito.Buti na lang at naagapan namin at naoperahan agad kung hindi,cguradong mahihirapan kaming iligtas ang mga buhay nila.
"Anais."napatingin ako kay Crozer na kasalukuyang papunta sa direksiyon ko.
"Oh,bakit Crozer?."Pagod na tanong ko sa kaniya habang nakasandal sa upuan.
"Kumain ka na ba?."Tanong niya ng makalapit at makaupo sa tabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang oras.
1:15 pm
Lumagpas na pala ang tanghalian.Haist hindi na naman ako nakakain.Lagi ko kasing nakakalimutan ang pagkain sa tuwing may mga ganitong nangyayari,lagi kasi akong focus sa panggagamot ng mga pasyente.
"Psh..nakalimutan mo na namang kumain.Tama?."tanong niya sakin ng hindi ako sumagot sa tanong niya kanina.
"Mhmm."Tanging sambit ko.
"Psh...Ikaw talagang babae ka.Todo alaga ka sa mga pasyente without thinking na mas kailangan mong alagaan ang sarili mo."
"Nawawala kasi talaga sa isip ko ang kumain sa tuwing may mga ganitong nangyayari."Nakapout na sambit ko.
"Pshh.. I know.Ganiyan ka palagi eh.Buti na lang at andito ako lagi para ipaalala sayong kumain ka at para na rin magdala ng mga foods mo.----Oh."Abot niya sakin ng isang lunch box.Ngayon ko lang rin napansin na may dala-dala pala siya.
"Pagkain ba toh?."Tanong ko sa kaniya.
"Alangan namang bahay yan."Pamimilosopo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.Ngumiti lang naman ang loko.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagtuunan ng pansin ang lunch box na binigay niya.Agad na binuksan ko ang lunch box at umalingasaw agad sa aking ilong ang masarap at mabangong aroma ng fried chicken with fried rice.My Favorite!
"Thank you sa pagkain!."Excited na sambit ko at tuluyan ng kumain.
Busog na busog na sumandal at napapikit ako sa sandalan ng upuan.
"Pft."
Kunot noong tumingin ako kay Crozer ng marinig ko ang pagpipigil niya ng tawa.
"Wag mo yang pigilan at baka bumaho pa ang buong hallway."Poker face na sambit ko.
Pagkasabing-pagsabi ko ng katagang yun agad na nilabas niya ang kanina niya pa pinipigilan na tawa.
"Hahahahahhahha..."Tawa nito na nakahawak pa sa tiyan niya.
Tinitigan ko lang naman siya ng nakataas ang kilay at nawiwierduhan kong bakit tumatawa siya ngayon na parang baliw.
"Ehem....S-sorry."Paghingi niya ng tawad pero halata pa rin namang tumatawa siya.
Baliw na ata ang isang toh.Dalhin ko na ba sa mental hospital?
Makalipas ang ilang minutong pagtawa niya at ilang minutong pagtingin ko sa kaniya na nakapokerface sa wakas at tumigil na rin ang Gag*.
"Buti naman at tapos ka ng tumawa noh?."Walang ganang sambit ko.
"Yah."Sagot naman niya at huminga ng malalim para makakuha ng oxygen.
"Ano bang nakakatawa na ginawa ko kanina?."Takang tanong ko sa kaniya.
"I just found you Cute while eating.You look like a child na sobrang excited sa pagkain."Nakangiting sambit nito.
YOU ARE READING
Tres Marias Series 1:All I Want
Romance~Tres Marias Series 1 Maria Chinnezsa Anais Ignacio a.k.a Ana. A girl who has 2 bestfriends and everybody call them TRES MARIAS. IN THERE GROUP: She is the cute girl with a bad mouth. Talking shit but always lovable. Never give up specially to her...