Chapter 15

2 0 0
                                    

Ana's POV

Nakauwi na kami ngayon sa kaniya- kaniya naming tahanan at kasalukuyan akong nagrereview sa kwarto ko.Alam niyo naman na hindi natuloy ang pag eexam namin sa iba pang subject namin dahil sa fieldtrip kaya't napag isipan nilang ipagpatuloy pagkatapos ng field trip at dahil tapos na ang fieldtrip it means balik review sa exam na naman ang peg ko ngayon.

Friday ngayon at kahapon lang natapos ang fieldtrip namin.Masaya naman ang naging fieldtrip namin at may part din na nakakabwesit.Tulad na lang ng: Pang aasar sa aming dalawa ni Noah at ang pagngiti nito sa tuwing inaasar kami.Hindi ko alam kong trip niyang ngumiti o kinikilig siya sa tuwing inaasar nila kami.Ahh-basta,Magfofocus muna ako ngayon sa pagrereview ko.

Habang nagrereview ako bigla na lang may tumawag.Kunot noong tinignan ko ang caller ID.Unknown number ang nakalagay.

Sino naman kaya toh?

"Hello?."pagsagot ko sa tawag.

("Hey Beautiful.")Napailing na lang ako ng mabosesan ko ang boses niya.

"What is it this time Noah?."

("Im not Noah.")Iniba pa niya boses niya.Parang tanga.Kahit naman anong gawin niyang pagpapabago sa boses niya,kilala ko pa rin ito.

Isa lang naman kasi ang palatandaan.Mahinhin pero husky.

"Pshh...Ulol.Sinong niloko mo."

("Bat ang dali mong mahulaan boses ko?samantalang pag ikaw ang nagpapalit ng boses,di ko man lang makitaan ng boses mo sa personal.") Natawa na lang ako sa pagtatantrums niya.

Kahapon kasi nong nasa fieldtrip pa kami.Napagtripan namin siya nila Mia na nawawala yung cellphone ko at hindi ko alam kong nasaan.(Kahit na nasa akin lang naman talaga) Ayon,Tudo hanap siya at nagtatanong pa sa akin kong saan saan daw ba ako pumupunta.Isyempre pinaprank ko siya kaya tudo isip ako ng mga lugar na hindi gaanung malapit saamin.Alis naman siya agad at pinuntahan yung nga lugar na pinuntahan ko, kuno.

Pag alis niya,sinabihan ako ni Mia na tawagan ko yung number ni Noah gamit yung phone ko,ako naman tong si go with the flow.Edi tinawagan ko nga tapos iniba ko yung boses ko.Sabi ko pa.

"Hello.Hawak ko ang buhay ng cellphone ng may ari nito."Grabe naman ang pagpipigil ng tawa namin nila Mia dahil sa sinabi ko.

"What?! Kung sino ka mang tao ko.Wag na wag mong gagalawin si Ana kung ayaw mong ilibing kita ng buhay."Sumasakit na ang tiyan namin kakatawa sa sagot ni Noah diyan.

Tngna! mali ang pagkakaintindi.Akala ata.Buhay ko ang nasa kamay ng kidnapper na gawa gawa lang namin.

"Tngna! Buhay ng cellphone kasi ang hawak Noah! Hindi buhay ng may ari ng cellphone!."Di na napigilang komento ni Cole habang tumatawa.At yun na nga ang sign na tumawa kaming lahat.

("Wait? you sound so familiar.Who are you?.")Pumapasok sa utak ko ang image ni Noah na nakakunot ang noo habang nagtatakang nakatingin sa cellphone niya at dahil don mas tumawa ako ng malakas.And this time mukhang alam na niya ata na pinaprank namin siya.

("Ana?.")

"Oo ako nga..hahahahah...tangna.Laptrip ng prank natoh."Tumatawang sambit ko sa cellphone ko at ganun din naman ang ginawa ng iba hanggang sa pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa sobrang pagtawa namin.Akala ata nila na Baliw na kami.

Habang tumatawa kami na parang baliw sa puwesto namin.Hindi naman nagsasalita si Noah sa kabilang linya and nxt thing we knew.Inend na nito ang tawag.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now