Chapter 12

2 0 0
                                    

Ana's POV

"Mia! Picturan mo ko.Daliii!!!."

"Panget akong kumuha ng picture Cole!."

"Cge na!!!."

"Tshh..Fine."

Nagpose si Cole sa isang puno at pinicturan naman siya ni Mia.Nang matapos excited na kinuha ni Cole ang cellphone niya kay Mia at tinignan ito.Habang tumatagal ang pagtingin ni Cole at pagswipe ng cellphone niya,sumasama ng sumasama ang mukha niya.

"Ano ba naman yan Mia! Ang panget ng kuha mo."Reklamo nito.

"Kung di ka ba naman kasi gaga! sabi ko sayong panget akong kumuha ng picture tas pinilit pilit mo ko tapos ngayon magrereklamo ka? Pshh...Kutungan kita diyan eh."Inis namang sabi Ni Mia.

Umiiling na natawa na lang ako sa kaabnormalan ng dalawa.By The Way kasalukuyan nga pala kaming nagpapahinga dito sa mga puno kasama ang lahat ng estudyante at mga guro namin.Hindi nga sana kami titigil sa paglalakad kong di lang nagreklamo ang ibang mga estudyante at dahil ayaw ng guro namin na maghiwa hiwalay kaming lahat.Tumigil na lang muna kaming lahat at nagpahinga kahit na ang totoo ay nagpipicturial lang ang iba.Katulad ni Cole.

"Ana!."Napatingin ako kay Cole ng isigaw niya ang pangalan ko.Nakasimangot siyang nakatingin sakin at parang nagmamakaawa.

"No."Hindi pa man niya sinasabi sinagot ko na siya.Alam ko kasing makikiusap siya sakin na picturan siya at dahil nakakatamad kumuha ng pic niya,tumanggi na ako.

"Psshhh...Hindi pa nga ako nagtatanong eh."Napangisi na lang ako.

Umalis na si Cole sa harap ko at sakto namang nahagip ng mata ko si Jonathan na dumaan sa likod ni Cole and then a sudden idea light up my mind.

"Jonathan!."tawag pansin ko rito.Napahinto naman siya at takang tumingin sakin,tinuro niya pa ang sarili niya.

"Oo ikaw nga.Come here!."suminyas ako sa kaniya na lumapit.

"Bakit?."Kunot noong tanong niya ng makalapit sakin.

"Favor lang."

"Mhmm..Ano yun?."

"Picturan mo nga yung babaeng yun."Turo kay Cole na mag isang nagseselfie.

"No way! Ibang favor na lang.Baka masapak pa ko niyan paglumapit ako."

"Hindi yan,wag kang mag alala akong bahala sayo."Nakangising sabi ko at bigla siyang hinila papunta kay Cole agad naman akong napansin ng gaga at ngumiti pa.

"Pipicturan mo na ko Ana?."Masayang tanong nito.Ngumiti naman ako sa kaniya."No."Nakangising sambit ko.

"Pshh...Kung ganun bat ka andito?."taas kilay na tanong niya.

"Hindi ako magpipicture sayo dahil nagpresenta na si Jonathan."Hinila ko naman si Jonathan at pinatabi ko sakin.

"Enjoy!."nakangiting sambit ko pa at tinulak si Jonathan papunta kay Cole bago umalis sa harapan nila.Rinig ko pa ang inis na sigaw ni Cole pero hindi ko yun pinansin.

Makalipas ang ilang minuto,inanunsiyo na ni Sir Deguzman na kailangan na naming maglakad muli dahil malapit ng magtanghalian.Muli kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking gate na gawa sa puno.Sa tansiya ko mataas at mahaba ang natatakpan ng gate na puno kaya't kahit saang banda kami dumaan,yung gate na puno pa rin ang sasalubong samin.

"Sir! Pano tayo makakalagpas dito? Ang taas taas ng gate na toh."Sigaw ng isang estudyante.

"Oo nga Sir! Kung aakyat naman tayo?Sa tingin ko wala pa tayo sa pinakatuktok,hulog agad ang kinalabasan natin!."Sigaw naman ulit ng isa hanggang sa umingay na ang buong paligid.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now