Chapter 19

1 0 0
                                    

Ana's POV

1 week na simula nong mahospital ako at 1 week na ring absent siya kaya hindi ko siya nakikita.

Tinatanong ko yung mga kaklase ko na fans at updated pagdating kay Noah pero sinasagot naman nila ako ng hindi nila alam kaya nagtanong na rin ako sa mga kaibigan ko kung alam ba nila kong bakit absent si Noah pero hindi nila masagot sagot dahil lagi nilang iniexcuse sakin na busy sila.Minsan naman iniiba nila ang topic kaya sa loob ng 1 week,inoobserbahan ko ang bawat galaw nila,nagbabakasakaling tinatago nilang lahat si Noah sakin pero wala akong nakalap miski isang ebidensiya kaya naisipan kong hanapin ang bahay nila.

Muli akong nagtanong sa mga fans Ni Noah kung anong adress ng bahay nito agad naman nilang sinulat ito at binigay sa akin.Bukod kasi sa iniidolo nila si Noah.Iniidolo rin nila ang loveteam naming dalawa and Im happy na kahit papaano ay may sumusuporta sa relasyon namin bukod sa mga kaibigan namin dahil sila talaga ang no. 1 fans ng loveteam namin....pero ngayon??Hindi ko alam kong sila pa rin ba.Alam ko kasing may alam silang lahat kong bakit absent ng 1 week si Noah at nililihim nila kong ano yun.

Pagkatapos ng practice namin para sa darating na moving up.Tahimik na tumayo at umalis agad ako sa school. Hindi ko na hinintay pa ang mga kaibigan ko.Ayaw ko muna silang kausapin o makasama ngayon dahil bukod sa nagtatampo ako,nasasaktan rin ako sa paglilihim nila sakin.

Narinig ko ang pagtawag ni Mia sa pangalan ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at upang hindi nila ako mahabol,pumara agad ako ng tricycle at sumakay doon.

Nilingon ko sila at labis na nanlumo ako ng makitang naghahabol sila ng hininga habang malungkot na nakatingin sa sinasakyan kong tricycle.

Im sorry girls.Pahuhupain ko muna ang sama ng loob ko sa inyo at pagnagawa ko na yun.Promise.Kakausapin ko na kayo.

Tulad ng nakagawian ko.Pag uwi ko ng bahay,walang buhay na bumati ako kela mama at papa at lola na nasa sala.Alam kong nagtataka at nag aalala na rin sila sa mga inaakto ko this past few days pero nanatili lang silang tahimik at hindi nag tanong.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humilata sa kama ko habang nakatulalang nakatingin sa kesame hanggang sa hindi ko namamalayang nagsisilabasan na ang mga luha ko.

I miss him.I miss him very much.Pls Noah,Magpakita ka na sakin hindi ko na kayang maging matapang sa harap ng tao.Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ka namimiss kahit na miss na miss na kita.I want your hug Bal.Miss ko na yung paghalik mo sa noo ko at yayakapin ako ng mahigpit.I miss that kind of gesture that you always do to me.Pls come back.Come back to me.

Niyakap ko ang unan ko at doon ko binuhos lahat ng luhang kaya kong ilabas ng gabing iyon hanggang sa makatulog ako.

Nagising akong mugto ang mga mata at parang zombieng nagpaalam sa parents ko hanggang sa pagsakay at pagdating ko sa school malamya pa rin akong kumilos.Nagagalit na nga ang teacher namin na nag aasikaso sa moving up dahil hindi ako ngumingiti.Pinipilit ko naman pero halatang halata na pilit lang iyon kaya pinauwi na muna nila ako at pinagpahinga.Tumango naman agad ako at kinuha ang mga gamit ko.Akmang maglalakad na ako paalis ng biglang may humila sa akin.Pagtingin ko si Mia pala yun at halata sa mukha niya ang inis.

Galit na binitawan niya ang kamay ko ng makarating kami sa garden.Walang tao dito ngayon dahil hindi naman mahilig ang mga studyante na pumunta rito.

"Anong problema mo Ana? Kahapon tinakasan mo kami tapos ngayon naman hindi mo kami pinapansin.At isama mo pa yang mugto mong mata at zombie mong kilos.Umiyak ka ba kagabi ha?."Galit na sigaw niya sakin.

nanatiling tahimik naman ako at hindi siya sinagot.

"Ano ANA? Hindi ka ba magsasalita?!."galit na talagang sambit niya pero nanatili pa rin akong tahimik.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now