Chapter 23

4 0 0
                                    

Ana's POV

Pagdating namin sa restuarant na malapit sa hospital namin agad kong ginising si Fezeria na natutulog sa kandungan ko.

"Fezy."Mahinang pagtawag ko sa nickname niya na naisip ko.Ang haba kasi ng Fezeria kaya Fezy na lang. Nang hindi siya magising sa pagtawag ko tinapik-Tapik ko na siya sa pisngi niyang sobrang lambot para magising ito.

"Mhmm."Ungol nito at dahan dahang minulat ang mata.

"Mommy."Inaantok na sambit nito.

Napagkamalan niya pa ata akong mommy niya.

"Fezy,hindi ako si Mommy mo,ako si Ate Ana."Kinusot niya muna ang mata niya atsaka muling tumingin sakin.

"Oh its you,the doctor that looks like a patient."

T*ng*n*! Ang ganda na ng moment tapos biglang ganun? Ang hilig talagang mangsira ng moment ang batang toh.

"Pfft..."Rinig kong pagpipigil ng tawa ni Crozer na nasa driver seat pa rin.Sinamaan ko siya ng tingin agad naman siyang tumigil at nagpanggap na nauubo.

"Wag mo kong tawagin ng ganun ha.May name ako."Galit kunyareng sambit ko sa kaniya.

"Sorry po."Malungkot na sambit nito.Mukhang natakot ata sa kunyareng galit galitan ko.Naku! Baka umiyak pa toh.

"A-ahhh...Ok lang Fezy.Tara na baba na tayo."Nakangiting sambit ko.Tumango naman siya at ngumiti sakin sabay hug ng mahigpit.

Oh my ghad! Gusto ko ng magkaroon ng anak na ganito kasweet.Buntisin niyo na ko!

CHAR.

Pagbaba namin sumalubong agad samin si Crozer na nakapamulsa.Feeling model ang peg niya.

"Tara na."Yaya niya.Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad papasok.

Siya na mismo ang nagbukas ng pinto dahil buhat buhat ko Si Fezy at nangunguna na rin siya sa amin para maghanap ng table namin.

"Dito na lang tayo para malapit sa counter."Sambit ni Crozer na tumigil sa isang lamesa na medyo malapit sa counter.

"Cge,mag order ka na don."Pagtataboy ko sa kaniya,akmang ihihila ko yung upuan para makaupo kami ni Fezy ng maunahan niya na ako at siya na mismo ang humila para makaupo ako.

"Oh my ghad,they're so Sweet!."

"Gusto ko rin ng ganiyang pamilya."

"Nakakinggit."

"Sanaol."

"Ang ganda nong bata,nagmana sa mama niya."

T*ng*n* Magkamukhang magkamukha ba talaga kami ni Fezy? Bat ganun pati ata sila inaakalang anak ko toh.Nihindi ko nga ito kaano ano eh.

Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan ng mga tao na nasa paligid namin.

"Thank you."

"Welcome."Nakangiting sambit niya.

Pag upo ko.Inayos ko agad si Fezy na nasa kandungan ko at pinaupo sa katabi kong upuan.

"Anong order niyo?."Tanong niya sa amin.

"Fried Rice and Fried chicken!."Sabay na sambit namin ni Fezy,nagkatinginan pa nga kami.

Natatawang nakatingin naman sa amin si Crozer."Yun lang ba?."

"Yes."Sabay ulit naming sagot ni Fezy.

"Cge wait me here."

"Pakidamihan ang Fried Rice/More Fried rice please."Sabay ulit naming sagot.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now