Chapter 5

6 1 2
                                    

Ana's POV

"Goodmorning."Nakangiting bati ko ng makapasok sa loob ng classroom.

"Goodmorning."Bati naman sakin ng mga close close ko na mga classmate.

Sumulyap pa ako sa upuan nong tatlo na mga bago sa school.Si Crost and Max nagkwekwentuhan samantalang yung Noah ay tahimik lang na nagbabasa at parang may sariling mundo.

Binalingan ko na lang ng tingin si Cole at Mia at naglakad papunta sa upuan ko.

"Goodmorning Cole,Mia!."masiglang bati ko.

"Goodmorning rin Ana!."masiglang bati pabalik sakin ni Cole.

"Morning."Matamlay naman na sambit ni Mia.

"Anyare diyan?."Turo kay Mia.

"Hindi ko alam,basta pagdating ko dito ganiyan na yan."Bulong ni Cole sakin.

"Puyat?."bulong ko pabalik.

"Ata,By the way,Ang sigla ata natin ngayon?."Pinagmasdan niya akong maigi at pinaliit niya pa ang mga mata niya.

"Nagising akong masigla eh atsaka gumaan na yung pakiramdam ko ngayon kaysa kahapon."

"Bakit chinopchop mo na ba yang hinaharap mo para gumaan yung pakiramdam mo? Kung sabagay kung magkakaroon ako ng ganiyan kalaking hinaharap,malamang sa alamang na mabigitan rin ako."Agad na nakatikim sakin ng kutos na malakas si Cole.

"T*ng*n* mo Cole SAGAD! Ang seryoso ng sinabi ko tas gagawin mong kalaswaan."inis na sambit ko.

"And for your information,Yung tinutukoy ko na mabigat na pakiramdam ay yung high-expectation ni mama sakin."Dugtong ko pa.

"Sorry naman di mo kasi nililinaw eh."Himas niya pa sa binatukan kong part.

"Flat ka kasi kaya ang napapansin mo yung hinaharap ko."

"Excuse me noh? kahit flat tong akin hinding hindi ako maiinggit sa dibdib mo."

"Ahh talaga kaya pala pagsinabi kong mabigat na pakiramdam? Ang iniisip mo agad ay ang hinaharap ko."

"For your info....blah..blah..blahh..."

At nagsimula na po kaming mag bangayan ng walang kakwenta kwentang mga bagay basta may malait lang.Natigil lang ang pag aaway namin nong dumating na ang subject teacher namin at nag umpisang magdiscuss.

Uwian na at hindi pa rin kami pinapansin ni Mia.Grabe na ang ginawa naming pagpapapansin para lang magsalita o makuha yung atensiyon niya pero ang gaga mukhang bet maging snobber ngayon.

Kaya dahil hindi ko na bet ang hindi niya pagpansin samin.Kinompronta ko na siya habang malamya siyang naglalagay ng mga gamit niya sa bag.

"Mia? may problema ka ba? Kanina pa kami nagpapansin sayo noh at hindi kami invisible para dedmahin mo kaya't kong ayaw mong maimbyerna ako sayong Gaga ka,sabihin mo na sakin kung anong problema mo."Straight to the point na sambit ko sa kaniya.

Tres Marias Series 1:All I WantWhere stories live. Discover now