Ana's POV
"Ano po bang sinasabi niyo?."Takang tanong ko sa ama ng bata.
"Hindi niyo ba talaga alam o nagpapanggap lang kayong walang alam."Sigaw nito sa amin.
"Mawalang galang na po.Pero talagang hindi namin alam ang mga pinaparatang niyo."Magalang na mungkahi ko sa kaniya.
"Mhmmm....Mukhang baguhan pa lang kayo sa hospital na iyon kaya't hindi niyo alam ang mga ginagawa ng mga co-doctor niyo sa mga taong kagaya namin na mga mahihirap."Medyo malumanay na sambit nito.Mukhang nakampanti siya sa pag aakalang mga baguhan kami.
Pero Di ko pa rin talaga nagegets.
"Ano po ba ang nais niyong iparating?."Takang tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang iparating sa inyo na yung mga doctor sa hospital na yun ay grabe kong magpresyo pagdating sa panggagamot.Kumbaga sa isda.Over price sila."Sambit nito.
Takang nagkatinginan kami ni Noah.
Paanong mahal ang presyo? Akala ko ba ay afford ng mga mahihirap ang hospital na iyon bat parang hindi naman? Ano bang nangyayari?
"Pwede po ba naming malaman kung bakit ganiyan ang pananaw niyo sa mga doctor sa hospital namin?."Tumango naman siya at inayos ang pagkakaupo niya,ganun din naman ang ginawa ng asawa nito na tinulungan ko pa para lang makaupo.
"Cge....... 4 na taon ang nakararaan ng magkaroon ng sakit ang anak kong babae at may nagsabi sa amin na may bagong hospital malapit dito.Syempre hindi na ako nag-atubili pang dalhin ko doon ang anak ko dahil bukod sa wala kaming hospital dito,afford lang din daw ng mga tulad naming mahihirap ang pagpapagamot doon."Paninimula nito.
"Nang makarating ako doon,agad na may nag asikaso sa anak ko,ang saya-saya ko nong mga oras na yun kasi naligtas na sa peligro ang anak ko at bukod doon talagang afford lang namin ang presyo.Makalipas ang 2 taon muling umatake ang sakit ng anak ko pero mas malala na,kaya muli ko na naman siyang dinala sa hospital na iyon ngunit hindi tulad noon na agad na may mag-aasikaso sa amin na doctor dahil sa pagkakataon na iyon,halos lahat ng doctor ay dinadaanan lang kami na parang isang hangin.Pero syempre hindi ako nawalan ng pag-asa dahil baka hindi lang nila ako napansin non kaya hinarangan ko agad yung isang doctor na dumaan sa harap namin at sinabihan ko siyang,may malubhang karamdaman ang anak ko at kailangan ng gamot.Tinaasan niya lang ako ng kilay at nilagpasan.Hindi pa rin ako sumuko at lahat ng dumadaan na doctor sa harap namin ay hinaharangan ko para lang magamot ang anak ko pero umabot ng 12 hours ang paghihintay ko hanggang sa inuwi ko na lang ang anak ko dito sa bahay at dito na nga siya binawian ng buhay."Umiiyak na kuwento nito na ikinaiyak ko na rin.
Ang sakit kasing malaman na wala man lang naawa sa kaniya na doctor miski isa and to the point na malubha na rin yung sakit nong bata.Ang sarap tuloy pagbayaran ng mga doctor na walang awang dinadaan-daanan at hindi sila tinulungan.
Nakakabwesit din yun noh.
Haissttt...Now I know kung bakit ganiyan siya kong makapagsalita sa mga doctor na nagtratrabaho sa Maah Hospital.
"After ng nangyari sa anak namin,nalaman din namin na ganun din ang ginagawa ng mga doctor sa mga katulad naming mahihirap.Hindi lang pala kami ang ganun kong tratuhin at may iba ding nagsabi na ang laki-laki daw ng presyo sa pagpapagamot doon kaya kahit ang mga maykaya ay hindi kayang magpagamot roon."
"Then how about the other you told us about.Sir.The people here in this place?Lahat ba kayo ay may sakit dito?."Seryosong Tanong ni Noah.
"Ahhh....Oo iho.Lahat kami ay may sakit rito.Hindi nga namin alam kong bakit halos lahat ng nakatira ditong mga katulad naming mahihirap ay nagkakasakit at yung kanina na sinabi kong "kasalanan ng hospital na iyon ang paglala ng mga sakit rito"Ang ibig sabihin roon ay hindi nila kami tinulungan sa kabila ng pagpapakiusap namin na gamutin kami."Sambit nito.Napatango-tango naman si Noah sa sagot nito.
YOU ARE READING
Tres Marias Series 1:All I Want
Romance~Tres Marias Series 1 Maria Chinnezsa Anais Ignacio a.k.a Ana. A girl who has 2 bestfriends and everybody call them TRES MARIAS. IN THERE GROUP: She is the cute girl with a bad mouth. Talking shit but always lovable. Never give up specially to her...