Ana's POV
Madali lang natapos ang senior high namin and nxt month ay magcocollege na kami.Kinakabahan na rin ako dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat.
Ako ay pupunta ng cebu at doon na magcocollege dahil bukod sa walang medicine na kurso dito sa lugar namin,napag isipan din ng parents ko na alagaan ang lolo ko don sa Cebu.Miss niya na raw kasi kami and handa daw siyang magbayad ng tuition ko sa college pag doon ako magcocollege.hindi naman sa pagmamayabang noh pero medyo mayaman naman kasi ang lolo ko na nasa Cebu kaya afford niyang magbayad ng tuition ko.
Si Mia naman ay Pupunta sa Manila,ang tito niya daw na nasa manila ang magpapaaral sa kaniya sa college.
Si Cole naman ay dito lang mag aaral kasama niya ang Jowa niya sa iisang school kaya madalas na silang maglandian.Di kasi nila yan nagawa dahil nasa ibang school na si Jonathan.
Si Crost at Max ay parehong pupunta sa Cebu.Sinabihan ko nga sila na magkita kita na lang kami don sa Cebu and they said Yes.Napag usapan din naman na magkakaklase na lang kaming tatlo tutal pare-pareho naman kaming mga medicine ang kinuhang kurso.And before I forgot si Cal nga pala ay mag sesecond year college din sa Cebu.Dito kasi siya nagfirst year dahil hindi niya maiwan iwan si Mia dito at ngayong hindi dito magcocollege si Mia napag isip na niyang doon mag patuloy ng pag aaral sa college bilang isang lawyer.
Samantalang yung jowa ko naman ay sa ibang bansa magcocollege,sinabihan na kasi siya ng mama niya na doon na mag aral.Masyadong sosyalin at mayaman sila Noah kaya afford na afford nilang mag aral don.And by the way,bukas na ang alis niya papuntang States,while me? Ay sa makalawa pa ang alis same as Mia.Samantalang sila Max at Crost naman ay sa susunod na bukas pa.
"Ana! Tapos mo na bang iimpake ang lahat ng gamit mo?."
"Malapit na Ma."
"Bilisan mo na diyan at ng matulungan mo kami ng papa mo sa pag iimpake ng iba pang gamit natin!."
"Yes Ma!."
Binilisan ko na ang pag iimpake ng mga gamit ko at ng matapos ay lumabas na ako sa kwarto ko at tinulungan sila mama at papa sa pag impake ng iba pang gamit.
K🍀I🍀N🍀A🍀B🍀U🍀K🍀A🍀S🍀A🍀N🍀
"Mag iingat ka don ha."Naiiyak na ani ko habang nakayakap kay Noah.
Andito na pala kami sa airport at kasalukuyang nagpapaalam kay Noah na papaalis na papuntang States.
"Ilang ulit mo ng sinabi yan sakin Bal."Natatawang ani nito kaya kinutungan ko siya.
"Aray naman Bal."Nakapout na sambit niya.
Ang kyut niya tuloy.
"Cge na umalis ka na at baka di ako makapagpigil at isama kita don sa Cebu."pagbibiro ko sa kaniya.
"Oh I would love too."Nakangising sambit nito.
Adik talaga kahit kailan.Adik sakin...Landiii.
"Cge na Alis na."Pagtataboy ko sa kaniya.
"Fine."Natatawang sambit niya.
Tumingin naman siya mga kaibigan namin na hindi mo aakalaing magjowa na ngayon,syempre except pa rin kela Max and Crost dahil masyadong pakipot si Max.Oo nga pala,One year ng nililigawan ni Crost si Max at hanggang ngayon hindi pa rin sya sinasagot ni Max.
Kawawang Crost.
"See you in 10 yrs."Nakangising paalam niya rito.
"See you in 10 yrs.Bro."Sambit ng lahat ng boys.
"See yah."Sambit naman ng mga girls.
Muli niya akong sinulyapan at nginitian.Ngumiti rin naman ako pabalik sa kaniya at sa huling pagkakataon naramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko,pababa ng pababa hanggang sa matagpuan niya ang labi ko and we kiss.
![](https://img.wattpad.com/cover/275299101-288-k126095.jpg)
YOU ARE READING
Tres Marias Series 1:All I Want
Romance~Tres Marias Series 1 Maria Chinnezsa Anais Ignacio a.k.a Ana. A girl who has 2 bestfriends and everybody call them TRES MARIAS. IN THERE GROUP: She is the cute girl with a bad mouth. Talking shit but always lovable. Never give up specially to her...