Lian Ley's POV
4:30 na ng hapon at dumating na ang mga inorder ko sa baba."Jane kailangan ko lang bumaba may kakausapin lang ako saglit" Sabi ko at bumangon ako sa kama.
"Kaya mo naba sarili mo? Hindi naba masakit katawan mo? Samahan na kaya kita" inawat niya ako sa pag bangon.
"No, kaya ko naman sarili ko at importante ung kakausapin ko, jaan lang naman ako sa baba. Saglit lang ako, dito kalang. Wag kang lalabas hanggat hindi ako bumabalik" utos ko sakaniya.
"Ok sge, magiingat ka, malapit narin matapos itong pinapagawa mo sakin. Sana bago ako matapos dito makabalik kana" bakas sakaniya ang pag aalala.
"Ok, sge na baba na muna ako, pakibantayan nalang muna ung room ko" At tuluyan na ako lumabas ng kwarto at duneretcho sa labas.
Nakita ko naman ang mga malalaking box na nilalagay sa kabilang bahay at sumunod narin ako sa kabilang bahay para ituro sakanila kung saan dapat ilagay ang mga gamit.
Itinuro ko lang sakanila kung saan karapat dapat nakalagay ang mga furnitures, binantayan ko sila habang nag lilipat ng mga gamit at agad ko na silang binayaran para makauwe na ako dahil nakakaramdam narin ako ng kaunting pagkahilo.
"Oh Lian Ley san ka galing?" (Chinese Speaking)Tanong ni Liam Jo habang nagluluto sa kusina.
"May inayos lang sa kabilang bahay, ikaw? Para kanino yang niluluto mo?" (Chinese Speaking) Tanong ko.
"Meryenda lang ito, gusto mo rin ba?" Tanong niya.
"Hindi na, thankyou nalang. Pero umakyat ka sa taas pagkatapos mo jan may mahalaga tayong pag uusapan" Saad ko.
"Ano pag uusapan natin?" Tanong niya habang umaakyat ako.
"Tungkol lang don sa bahay" Sagot ko.
"Sge sge" Rinig kong sagot niya at pumasok na agad ako ng kwarto.
"Tapos kana ba?" Nakangiting tanong ko at nahiha ako agad sa kama.
"Oo tapos na pinapatuyo ko nalang" Sagot niya habang nakaluhod at nag liligpit ng kaniyang mga materyales. "Bakit ka pala natagalan sa baba? Nahilo kaba?"
"Ayos lang ako hindi naman na ako masyado nahihilo, inuubo nalang ako" Sagot ko habang inayos ang aking pagkakasandal sa aking kama.
"Osya magpahinga kana lang muna jan, may gusto kabang kaininin?" Tanong niya at pumunta siya sa banyo para maglinis ng mga pintura.
"Wala naman ako gusto kainin, kung nagugutom ka may mga pagkain sa baba kuha kalang don" Sagot ko.
"Nagpasabay nako kay Liam Jo, pumunta siya kanina dito eh nag paluto ako ng pagkain" Saad niya pagkalabas ng banyo. Mukang pagod na pagod siya sa paghugas ng mga pinag pinturahan niya at pag linis ng mga kalat niya.
"Ok mabuti naman--" Hintong salita ko dahil mag biglang may nag bukas ng pinto.
"Jane eto na ung pagkain mo" Sabi ni Liam Jo at iniabot sakaniya ang chips at ice tea. "Ano sasabihin mo Lian Ley?" (Chinese Speaking) tanong sakin ni Liam Jo at naupo sa kama ko.
"May iuutos lang muna ako sayo Jane, maupo ka muna dito sa tabi ko" Masayang sabi ko.
"Bakit ano yon?" Nakangiting tanong niya.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 3
Teen FictionThis Story is Taglish Dito na mag sisimula ang pagsasama ni Chen Yu Kim A.K.A (Kim Ysmael) at Chen Yu Li A.K.A (Capricornous Chen). At dito na rin mag sisimula ang mapanganib nilang buhay sa kwentong ito. Mas marami pang malalaman si Kim at marami...