Kim Ysmael's POV
'Isang bahay sa Little Square Street ng Galeswood City ay nasunog matapos maputikan ng kuryente sa loob ng bahay'
"S-sa bahay mismo nila lola to ah?" Nauutal na sabi ko.
"I guess" Ani ni Yu Li na mukang walang pakielam.
"Kailangan kong puntahan si lola—" Tumayo ako pero agad rin ako napigilan ni Yu Li.
"Hindi pwede delikado, nasa Ospital ang lola mo diba?" Tanong ni Tita.
"Opo pero wala silang matitirahan" Nag aaalalang sabi ko.
"Hindi mo na problema un Kim, at isa pa sobra ung perang binigay ko sakanila, hindi nila agad magagastos lahat yon, pwede silang mangupa ng bahay" Seryosong sabi ni Yu Li.
"Pero pano ung—" putol na salita ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo hindi pwede!" Galit na sabi ni Yu Li.
"Anak ano bayan!" Saway ni Tita kay Yu Li. Nag simula narin tumulo ang luha ko at tumakbo papuntang kwarto.
"Kim mag usap muna tayo" Sigaw ni Yu Li at sinundan ako nito.
"Kim—" Nang makapasok kami sa kwarto hinawakan niya ang braso ko nag pumiglas ako agad.
"Ano sisigawan moko?! Bakit sa harap ni Tita?! Nakakahiya na!" Galit na sabi ko at lalo pang tumulo ang luha ko.
"Kim sorry—" Putol na salita niya.
"Oo na sge na! Naninigaw ka naman lagi sanay nako! Pero wag naman sa harap ni Tita!" Saad ko na may mataas na tinig ng boses.
"Kim huminahon muna kayong dalawa, pag usapan niya ng maayos" biglang pumasok si Tita sa kwarto. Pinunasan ko ang luha ko at naupo sa sofa, naupo na rin si Tita sa tabi ko at si Yu Li naman ay medyo malayo sakin.
"Kim nag aalala lang naman ako" Saad ni Yu Li, at nakayuko pa ang ulo nito.
"Wala naman nangyareng masama sa Pamilya mo ayon sa balita, wala naman nasaktan. Atchaka kahit pumunta ka don, paniguradong papaalisin kalang don" Nag aalalang ani ni Tita.
"At paniguradong ikaw sisisihin sa nangyare" Seryosong sabi ni Yu Li.
"Bakit ako?" Tanong ko.
"Maraming problemang dumating sakanila simula nung umalis ka sakanila. Naospital ang Lola mo, nakakulong ang tito mo, ngayon nasunog ang bahay nila. Paniguradong ikaw sisisihin sa nangyare, iisipin nila nag hihiganti ka" Ani ni Yu Li.
"Pwede rin, pero ayon sa balita may pumutok daw sa bahay nila na siyang sinimulang ng sunog" Ani ni Tita.
"Pero sana tulungan nyoko bisitahin si Lola kahit isang beses lang" Ani ko at tumulo ang luha ko pero pinunasan ko agad.
"Ok gagawan natin ng paraan, tahan na anak. Tutulungan kita makita lola mo" Ani ni Tita habang hinahawi ang buhok ko at pinupunasan ang luha ko.
"Salamat po" Saad ko at yinakap niya ako pero bumitaw rin ito agad.
"Dito muna kayong dalawa, padadalan ko kayo ng pag kain dito. Mag usap kayo ng masinsinan wag nyo daan sa galit" Saad ni Tita at tumayo na ito.
"Salamat mama" Ani ni Yu Li.
"Sge" Nginitian kami ni Tita at tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Tumabi sakin si Yu Li at hinawakan kamay ko.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 3
Teen FictionThis Story is Taglish Dito na mag sisimula ang pagsasama ni Chen Yu Kim A.K.A (Kim Ysmael) at Chen Yu Li A.K.A (Capricornous Chen). At dito na rin mag sisimula ang mapanganib nilang buhay sa kwentong ito. Mas marami pang malalaman si Kim at marami...