Chen Li Na's
"Goodmorning anak" saad ko kay Kim at tuluyan ako pumasok sa kwarto niya.
"Oh tita, gising na po pala kayo! Kakagising ko lang po eh, kumain na po ba kayo?" Ani niya habang nag titiklop ng kaniyang mga damit. Tinabihan ko narin siya para tulungan.
"Pinaghain ko na sila yaya sa labas para makapag breakfast tayo ng sabay sabay, pero sila Lian Ley at Jane ata hindi sasabay dahil busy silang pareho, ang aga pala ng mga trabaho nila noh?" Tanong ko.
"Oo nga po eh, mabuti narin ung nag tutulungan sila para po may pang tuition si Jane" Ani niya.
"Ang sipag rin ni Jane eh noh, matalinong bata" Ani ko, biglang may bumukas ng pinto.
"Oh ma! Bakit nandito ka nanaman?!" (Chinese Speaking) Gulat na tanong ni Yu Li.
"Bakit hindi kana nasanay?" (Chinese Speaking) mahinahon kong sagot.
"Ma! Halika nga rito!" Inutusan ako ni Yu Li na lumapit ako sakaniya at sinunod ko naman ito. "Ma pwede ba bigyan mo naman kami ng time ni Kim para sa isa't isa, ilang araw kanang ganyan--" putol na pagbubulong niya sakin.
"Anak, pagbigyan mo naman ako, minsan lang naman ako ganto--" Ani ko.
"Anong minsan?!--" galit na bulong niya sakin.
"Yu Li ok lang, pagbigyan mo na si tita, sumama ka nalang samin kung gusto mo" masayang ani ni Kim.
"Oh diba sabi ko sayo eh!" Kalabit ko kay Yu Li.
"Tsss, mag breakfast na tayo sa baba, tinatawag na tayo ni Dad, may sasabihin daw siya" Ani ni Yu Li na nakasimangot.
"Tara na muna sa baba Kim" Ya'ya ki sakaniya.
"Ok po" Tumayo na siya sa kaniyang inuupuan.
Bumaba na kami ng sabay at habang bumababa kami naririnig ko na rin ung mga tao sa baba.
"Titaaaa anooo naaa!!!" Sigaw ni baklang Dwayne.
"Wag moko pansinsinin bakla baka dagukan kita jan!" Natatawa kong sabi sakaniya.
"Ano bayon?" Tanong ni Yu Li.
"Wala yon may hinihingi lang siyang halaman, lalagay niya sa kwarto niya" Ani ko at sabay na kaming tatlo na umupo.
"Para kayong tanga" Ani ni Yu Li.
"Asan pala sila Lian Ley, Liam Jo?" Tanong ni Kim kay Liam Jo.
"Ewan ko don kung nasan yon" Seryosong sabi ni Liam Jo habang kumakain.
"Nasa room ata niya, or nandun lang un sa kabilang bahay, kasama niya si Jane" Nakangiting sagot ni Mizuki.
"Ahhh ok" Ani ni Kim at kumain ma ito.
"Ano na pala balita dad?" (Chinese Speaking) tanong ni Yu Li.
"Tungkol nga don, may importante lang akong sasabihin sainyo" (Chinese Speaking) Ani ni Yu Zhou, ng asawa ko. "Pinahanap ko kagabi ang lalakeng yon ngunit hindi na ulit siya nakita at ung mga tanga tangang mga guards mo ako pa nag pagamot pero medyo ok narin sila, pero hindi ko alam kung papabalikin ko parin sila ng trabaho"
"Dad kayo lang naman kase gustong humanap sa taong yon, sapat na sakin ung binabantayan nalang ako kesa may mapahamak na ibang tao, hindi ba pwedeng dinepensahan niya lang sarili niya kaya niya nasaktan ung mga guards natin, kayo lang naman nag iisip na baka may mga umaaligid satin na--" (Chinese Speaking) putol na salita ni Yu Li.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 3
Novela JuvenilThis Story is Taglish Dito na mag sisimula ang pagsasama ni Chen Yu Kim A.K.A (Kim Ysmael) at Chen Yu Li A.K.A (Capricornous Chen). At dito na rin mag sisimula ang mapanganib nilang buhay sa kwentong ito. Mas marami pang malalaman si Kim at marami...