❤️ Chapter 2 ❤️

210 7 0
                                    

Kim Ysmael's POV

Nagising na ako at medyo hindi ako makagalaw dahil ang sakit ng katawan ko, mas masakit ung katawan ko kesa sa nakaraan na nangyare sakin, pero ang sarap ng kama na hinihigaan ko at ang lamig pa, at feeling ko may nakayakap sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising na ako at medyo hindi ako makagalaw dahil ang sakit ng katawan ko, mas masakit ung katawan ko kesa sa nakaraan na nangyare sakin, pero ang sarap ng kama na hinihigaan ko at ang lamig pa, at feeling ko may nakayakap sakin. Nang maidilat ko ang akong mata nakita ko si Tita na nakayakap sakin, sa totoo lang nahihiya nako dahil sa pagkakaykap niya kaya hindi nako gumalaw at bumalik ako sa pag kakatulog.

Nirinig ko namang bigla na bumukas ang pinto pero nag panggap parin ako ng tulog. At feeling kong bumangon na si Tita at bumitaw sa pag kakayakap sakin.

"Ibaba mo nalang dito anak" Rinig kong sabi ni tita.

"Kamusta pakiramdam niya?" Rinig kong sabi ni Yu Li.

"Kim, anak, gising ka! Kain kana" Ani niya habang tinatapik tapik niya ko. Idinilat ko ang aking mga mata at pilit na umupo sa kinahihigaan ko.

"Ano masakit sayo?" Tanong ni Yu Li.

"Ung anit ko masakit pa, pati ung mga sugat at pasa ko" Sagot ko.

"Kumain ka muna, para makainom ka ng gamot" Inilapit sakin ni Yu Li ang Wooden bed table at sinimulan ko ng kumain, habang humihihop ako ng sabaw naluluha ako dahil naiisip ko lahat ng nangyare kagabi.

"Kim, anak, wag mo ng isipin un. Tahan na" ani ni tita habang tinatapik tapik ung likod ko.

"Hindi po, masakit lang po katawan ko. Pero o-ok rin naman po ito. Marami pong salamat tita, Yu Li" Tinignan ko si Yu Li at nag patuloy ako sa pag kain.

"Dito kana anak hah? Aampunin na kita. Babantayan ka ni mama lagi, wag kana babalik sakanila hah" Saad ni Tita na parang nag pipigil ito ng luha at pinupunas punasan niya ang muka ko. Tumango tango nalang ako.

"Ummm pero pwede po ba ako mag trabaho dito? Nakakahiya po kasi kung titira lang ako dito sa mansion nyo na walang ambag" Nahihiyang sabi ko.

"Hindi Kim, ok lang. May mga maids kami jan at kuntento na kami don, ang mahalaga ay mag aral ka ng mabuti, ayun lang ang poproblemahin mo" Saad ni tita.

"Hindi po pwede tita, sobrang nakakahiya po—" Putol na salita ko.

"Pwede ka mag trabaho" Ani ni Yu Li.

"Pano?" Tanong ko.

"Ano?" Tanong ni Tita.

"Pwede siyang maging Mandarin Interpreter sa Company natin KUNG... matututo kang mag chinese, at pwede karin maging secretary ko." Saad ni Yu Li.

"Ang hirap naman!" Reklamo ko rito.

"Oh edi mag aral kalang" Sabi niya.

Wild Cold Hearts | Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon