❤️ Chapter 32 ❤️

32 0 0
                                    

Yu Li's POV
Nakauwe na kami ng bahay habang nag kekwentuhan at nag tatawanan tatlo dahil ang dami naming kwento sa isa't isa.

"Yu Li san ba kayo galing?! Kanina pako nag aalala sayo! Hindi ka manlang nag papaalam sakin kung saan ka pupunta! Diba sabi ko naman sayo wag ka masyado mag papagabi sa labas, at delikado diba?!" (Chinese Speaking) Pagaalalang saway ni mama na nasa sofa.

"Ahhh tita nag pasundo lang po ako kay Yu Li, at nag libot libot lang po saglit sa labas, magkakasama naman po kami eh, wala pong mangyayareng masama kay Yu Li" (Chinese Speaking) Ani ni Mizuki.

"Kumain na ba kayo?" Tinaasan kami ng kilay ni mama.

"Ahhh hindi pa po tita" Saad ni Lian Ley.

"San naman kayo galing mga pre, hindi manlang kayo nagyaya iniwan nyo pako mag isa dito" (Chinese Speaking) saad ni Liam Jo na nakaupo lang sa Dining area at kumakain.

"Wag kana mag tampo prih, ano kinakain mo?" (Chinese Speaking) Tanong ni Mizuki at nakitikim narin ng pagkain. Nilapitan narin malin ito.

"Wala, mga tira tirang pancake dito sa lamesa, hindi nakain ni tita kaninang hapon" Sagot ni Liam Jo.

"Ayos yan pre ah" (Chinese Speaking) Saad ni Lian Ley na natatawa.

"Mag luto ka preh nagugutom na kami" Utos ni Mizuki kay Liam Jo habang nag hahanap ng pagkain sa kitchen at pinag bubukas narin ang mga rice cooker.

"Mag luto ka mag isa mo, di nyo ko sinama eh" Nag tatampong saad ni Liam Jo.

"Tara mag luto tayong apat, mommy nakakain na ba si Kim?" (Chinese Speaking) Tanong ko habang nag tatanggal ng blazer at inilapag ito sa upuan.

"Yes kumain na kaming lahat maliban sainyong apat, akala ko kasi mag kakasama kayo tapos nakapag dinner na kayo sa labas, kaya nyo naba mag luto jan mga boys?" Tanong ni mama at lumapit samin dito sa kusina.

"Yes tita ok lang kami dito, kami na po mag luluto ng pagkain namin at mag lilinis ng mga pinag kainan namin, magpahinga na po kayo" Ani ni Lian Ley habang nag susuot ng Apron.

"Sge, mag papahinga na ko sa loob ha, kayo na bahala jan, good night baby boy" Ani ni mama at hinalikan ako sa noo.

"Goodnight rin po tita, sleep well" Ani nung tatlo.

"Goodnight mama" Nginitian ko ito.

"Sge, after niyan magpahinga na kayo at may alis pa tayo bukas, be ready" Saad ni mama habang palayo samin.

"Oo nga noh prih!!! Aalis pala tayoooo!!! Sge po tita!" Excited na saad ni Mizuki at tuluyan ng nakapasok si mama ng kwarto niya.

"Oh Misuki! Ikaw mag saing. Si Lian Ley mag luluto, tayong dalawa sa drinks Yu Li" Saad ni Liam Jo at lumapit na sakin.

"Gago kaba? Baka pakain ko ng hilaw sayo tong baboy" Ani ni Lian Ley habang hawak hawak ung pork galing sa ref.

"De joke lang boss, syempre tayong dalawa jan" Ani ni Liam Jo.

"Eh pano naman ako dito? Di ko alam toh?" Ani ko habang hawak hawak ung mga wine, alam ko talaga ung gagawin pero gusto ko lang talaga sila mag away.

Wild Cold Hearts | Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon