❤️ Chapter 4 ❤️

208 7 0
                                    

Kim Ysmael's POV

Nagising ako na sobrang sakit ng mga sugat ko kaya bumangon ako para umihi sa banyo habang si Yu Li naman ay tulog na tulog parin dahil buong mag damang siyang nag tabaho.

Pag katapos ko umihi, lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig sa kitchen. Nakita ko naman na may mga trabahador at may mga dalang mga bakal at may mga dala rin silang mga box, dinadala na ito sa isang kwarto pero hindi ko na ito pinansin. Habang umiinom ako, narinig kong may bumukas na pinto at sumara ito ulit, at nakita ko naman si Tita na papalapit sakin.

"Anak ok naba mga sugat mo?" Tanong ni Tita.

"Hindi po tita, nahahapdian po ako eh, ang init po sa katawan" Ani ko habang namimilipit sa sakit ng sugat ko.

"Ayy halika dun tayo sa kwarto, gamutin natin yang mga sugat mo" Ani niya at nilagay ko na sa lababo ung baso ko at sumunod sakanya. Pag pasok namin ng kwarto niya, mas mabango pa ito kesa sa unang pasok ko at nakakaadik talaga ang amoy rito, amoy pera na parang may halo rin na amoy ng National Books Store😂 Naupo ako sa sofa habang si Tita naman ay binuksan niya ang aparador niya at kinuha ang health kit box.

"Dito ka sa kama, halika" Nakangiting sabi niya at tumabi ako sa tabi nito, sinimulan niya ang pag gamot sa mga sugat ko at halos wala akong nararamdaman na sakit. Napaka gaan ng kamay niya at ingat na ingat sa pag hawak ng mga sugat ko.

"Nasan si Yu Li? Tulog pa?" Tanong ni Tita.

"Opo Tita, mukang pagod na pagod kakatrabaho" Sagot ko.

"Nagugutom kaba?" Tanong ni Tita.

"Hindi po tita, sabay po kami ni Yu Li kakain" sagot ko.

"Ahhh ganon ba, osha uminom ka nalang ng chaa mamaya para mahimasmasan ka. Nag patimpla na ko sa isang kasambahay natin" Saad ni Tita.

"Mahilig po kayo sa chaa noh? Si Yu Li din ganyan kaya nahawa na rin ako sakanya, sobrang sarap po kasi" Tanong ko.

"Ahhh oo, iba kasi ung chaa namin, may pagka matamis at lasang iced tea. Lalo na pag si Liam Jo ang gumawa, sobrang sarap" Nakangiting sabi nito.

"Oo nga po eh, sobrang galing po niya sa pagkain at inumin" Nakangiting sabi ko. Biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang kasambahay nila na may dalang tray na mayroong medyo may kalakihang puting pitcher at dalawang tea cups.

"Eto na po Ma'am" Inilagay niya sa lamesa at agad rin itong lumabas ng kwarto.

"Chaa ka muna" Alok niya sakin. Sinalinan niya ng dalawang Tea cups ng chaa at binigay niya ito sa akin. Ininom ko ito pero kahit medyo may kainitan inubos ko na ito at ibinalik sa lamesa.

"Ang bilis ah! Mainit un" Natatawang sabi ni Tita.

"Ang sarap po kasi hehehe!" sagot ko.

"By the way nakapag travel kana?" Biglang tanong ni Tita.

"Ahhh hindi pa po, bakit nyo po natanong?" Tanong ko.

"Ahhh wala lang, gusto kita lalong makilala pa" Nakaniting sabi ni Tita.

"Ahhh ok po" Ani ko.

"Ano ung pinaka malayo mong napuntahan?" Tanong ni Tita.

"Ung Mall nyo po na napuntahan natin" Seryosong sagot ko.

Wild Cold Hearts | Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon