Kim Ysmael's POV
Nakauwe na kami ng bahay ng masaya dahil sa pinuntahan naming lugar ngunit pagkauwe namin parang walang katao tao sa bahay dahil sobrang tahimik. Baka nasa sari-sariling kwarto lang. Gusto ko nga puntahan saglit si Lian Ley sa kaniyang kwarto para kamustahin manlang ang pakiramdam niya"Oh, nakauwe na pala kayo, san kayo galing?" Tanong ni mama na may ginagawa sa kusina kasama si Jane na mukang may niluluto rin sila.
"Kumain lang po kami sa labas at namasyal sa park" Sagot ko.
"Kumain naba kayo? Tara kain tayo ano gusto nyo ipagluto ko para isabay ko na dito sa pagkain ni Lian Ley" Saad ni Jane.
"We ate already, wag mo na kami alalahanin magpaphinga na kami sa kwarto namin" sagot ni Yu Li habang nag tatanggal ng kaniyang blazer.
"Kamusta na pala si Lian Ley?" Tanong ko.
"Ok naman na siya, kailangan niya lang ng pahinga at mag aalaga sakaniya ngayon dahil mataas parin ang lagnat niya" Sagot niya habang nag hahanda ng pagkain sa foodtray "Sge na mauna nako sa taas para pakainin ko muna siya"
"Tulungan na kita" Kinuha naman ni Yu Li ang dala dalang tray ni Jane at sabay na kaming tatlo pumunta sa taas at pumasok sa kwarto ni Lian Ley.
"Oh Yu Li! Kim! Nakauwe na pala kayo san pala kayo galing?" (Chinese Speaking) Tanong ni Lian Ley at kitang kita sa muka niya ang pagkaviolet ng bibig niya at pagtamlay niya.
"Hala Lian Ley ano nangyare sayo?! Ang putla putla mo? Kamusta naba pakiramdam mo?" (Chinese speaking) Nag aalalang tanong ko.
"Ahhh hehe ok lang ako Kim! Medyo nahihilo at masakit pa ang mga buto buto ko sa ngayon, nagsusuka rin at nahihilo. Pero gagaling din ako bukas, kailangan lang ng konting pahinga, buti nga nandito si Jane para alagaan ako dahil di naman ako kayang alagaan ng mga kasama natin dito sa bahay dahil may mga trabaho" Pilit na ngumiti si Lian Ley at tumingin kay Jane.
"Oo, hindi ko nga siya maiwan iwan dahil ako na naawa sakaniya, nalulunod na siya kanina sa suka niya kaya humingi narin ako ng tulong sa kabila buti nalang maraming alam si Misuki sa sakit ni Lian Ley" Saad ni Jane at sinubuan ng sabaw si Lian Ley.
"Oo mabuti pang wag mo muna iwan yan si Lian Ley hanggat hindi gumagaling, baka mapano payan at kung ano mangyari jan. Nanjan ba si Dwayne sa kabila?" Tanong ko.
"Oo nasa kabila lang di pa umuuwe yon jan na ata nakatira yon eh" natatawang sabi ni Jane.
"Ikaw hindi kaba papagalitan sainyo?" Tanong ko.
"Hindi, nagpaalam naman na ako pero pag tinanong ka ng mama ko, pag tumawag sayo sa phone sabihin mo kasama kita ha" nakangising sabi ni Jane.
"Oo sge ako na bahala, osya mauna na kami papahinga na kami" Sabi ko at tuluyan kaming lumabas ng kwarto nila.
Pumunta na kami ni Yu Li sa aking Kwarto at inilapag namin ang aming bag sa sofa at nahiga ako sa kama. Tinignan ko si Yu Li at tila parang ang tagal niya ng hindi nag sasalita magmula nung umuwe kami at seryosong seryoso ang muka. Baka naman sa sobrang pagod lang or sa sobrang pag aalala kay Lian Ley. At biglang may pumasok sa pinto.
"Uyyy be! Nakauwe kana pala san kayo galing?! Bat di moko tinawag sa kwarto?" Excited na bati ni Dwayne.
"Kailangan paba yon? Atchaka pagod ako kailangan muna namin mag pahinga" Sabi ko. Napatitig ako kay Yu Li na tila di kasi nag sasalita, nakakapag taka na. "Mahal may iniisip kaba? Bat naman ang tahimik mo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 3
أدب المراهقينThis Story is Taglish Dito na mag sisimula ang pagsasama ni Chen Yu Kim A.K.A (Kim Ysmael) at Chen Yu Li A.K.A (Capricornous Chen). At dito na rin mag sisimula ang mapanganib nilang buhay sa kwentong ito. Mas marami pang malalaman si Kim at marami...