❤️ Chapter 10 ❤️

185 6 0
                                    

Jane Gonzales POV

Ang pakiramdam ko ngayon ay nasa malabot lang ako na higaan at hirap na hirap akong tumayo dahil sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo pako, feeling ko kapag tumayo ako masusuka ako. Atchaka sobrang sarap sa feeling ng higaan feeling ko wala akong katabi at walang maingay dito, pero teka.... nasan bako?

Idinilat ko ang aking mga mata, sinubukan kong umupo mula sa pag kakahiga at hinawakan ko ung ulo ko at sinubukan kong kusutin ung mata ko. Nandito lang naman ako sa napaka aliwalas na kwarto at feeling ko hindi ko pa toh napupuntahan. Nasan ba talaga ako? Bahay ba talaga nila Yu Li toh? Nasa Mansion paba ako or nasa hotel? Sino nag dala sakin dito? Pano ako napadpad dito.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nakita ko naman na sobrang linis na bahay at sobrang aliwalas padin dahil sa araw.

"Hello?!!! May tao ba dito?!!" Sinubukan kong sumigaw para malaman ko kung may tao pero walang sumasagot.

May apat na kwarto dito sa bahay na ito at hindi ko alam kung nandito sila pero wala talagang kaingay ingay dito sa bahay na ito. Medyo may katamtaman ung laki ng bahay, hindi siya mansion kaya hindi ko talaga alam kung sino may ari nitong kinatatayuan ko. Sinubukan kong lumabas ng bahay, binuksan ko ang isang glass door at bumungad sakin ang isang swimming pool, wala talagang katao tao rito. Nasan ba talaga ako? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan kong tawagin si Dwayne dahil nag aalala na talaga ako, pero hindi niya sinasagot ung tawag ko.

Naupo muna ako sa mga sosyalin na na upuan dito sa gilid ng swimming pool at tinawagan ko si Kim. Sinagot naman niya ito pero hindi siya ung nag salita, lalaki ang boses ang narinig ko at alam kong si Yu Li toh.

Yu Li: Hello Jane bakit?

Me: Yu Li! Tulungan moko! Di ko alam kung nasan ako!!!

Sinabi ko ng may pag aalala dahil kinakabahan nako, baka di ako makauwe nito di ko alam kung nasan ako. Di ko nga mahanap ung gate dito.

Yu Li: Luh nasan kaba? Diba si Dwayne nag hatid sayo kagabi?

Lalo akong kinabahan dahil seryoso ung pag sasalita niya rito. Di ko na alam kung ano gagawin ko.

Me: Haluuuhhh!!! Nasan bako! Di ko nga alam nangyare kagabi di ko alam na kasama ko si Dwayne, wala rin si Dwayne dito sa lugar na toh, nasaaaann bako!! Huhuhu!!!

Yu Li: Nakooo yare kaaa!! Nasan ka kaya—

Kim: Hello Jane! Si Kim toh wag ka mag alala nanjan kalang sa likod ng mansion na ito, nandito lang si Dwayne samin kusa lang na pumunta dito. Punta ka narin dito be, labas kalang ng pinto then kumanan ka. Magiging familiar na sayo ung way papunta dito sa mansion—


Dwayne: Hahahaha tanga tanga ka talaga! Mag libot libot ka kasi gaga! Bilisan mo na pumunta ka na dito! Nandito lang kami sa kwarto ni Kim.

Pinatay ko na ung phone at nabwisit ako sa narinig ko dahil napag tripan lang pala ako ni Yu Li (-_-) lumabas ako ng bahay at sinunod ko lang ung ginawa ni Kim. Nakita ko narin ang daan papauntang mansion, malapit lapit lang pala, kanino kayang bahay un ang cute din. Ang aga aga pa at ang sarap ng simoy ng hangin ang bango bango dito. Nakapag relax din ako mag isa. At ilang sandali lang ay nakarating narin ako sa tapat ng Mansion, sinubukan kong pindutin ung doorbell.


"Hello po, nanjan po ba sila Kim?" Tanong ko sa isang katulong na nag bukas ng pinto.

"Ayy opo mam, nandito po sila, pasok lang po kayo dun sa kwarto niya" Mahinhin na nag salita ang katulong at nakapasok nako ng mansion, ang mga katulong doon ay may sari sariling trabaho. Mga nag lilinis at mga nag luluto ng pagkain. At ilang sandali lang ay nakapasok narin ako sa kwarto ni Kim.


Wild Cold Hearts | Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon