❤️ Chapter 20 ❤️

61 4 5
                                    

Jane Gonzales POV
Nandito kami ngayon sa room ni Mizuki at nag cellphone lang kami lahat dito at magkakatabi lang kami sa sofa habang si Liane Ley naman ay nakaupo sa Gaming Chair ni Mizuki nag mumuni muni at mukang matamlay ito. Kanina ko pa siya pinag mamasdan dahil mukang may sakit toh at namumutla na siya, baka kung ano na nangyayare sakaniya. Tumalikod ito nung makita niyang napapadalas ang pagtingin ko sakaniya at humarap siya sa PC.

"Bakit kaya naging sobrang sungit satin ngayon ni Yu Li noh?" Tanong ni baklang Dwayne habang nagbubukas ng chips na nakita niya dito sa kwarto.

"Ganon talaga yon si Yu Li, paminsan bigla nalang yan magagalit ng walang dahilan, bigla bigla nalang siya namamatok" Sagot ni Mizuki at dumukot ng chips kay Dwayne

"Oo, masanay nalang kayo" sabi ni Liam Jo. At nag patuloy nalang sila sa pagse-cellphone, habang ako naman ay pinakikiramdaman ang paligid dahil parang may mali talaga kay Lian Ley.

"Uhmmm guys what do you want to eat?" Tanong ni Mizuki.

"Oo nga, para maipagluto ko kayo" sabi ni Liam Jo

"Buyao Zuo fan, wo buyao ni wei wo zuo fan" (Huwag ka mag luto, ayaw kong pinagluluto kita) sabi ni Mizuki habang tumatawa at umiiling kay Liam Jo.

"Ni dui wo hen hao" (Ang bait mo naman) Nginitian ito ni Liam Jo, hindi talaga namim sila maintindihan minsan baka pinag paplanuhan na kami ng masama itong mga toh.

"Ano?!! Kain nanaman?!! Kakakain lang natin sa baba! 2hours tayong kumakain sa baba kanina! Pinapataba nyo na kami masyado" Reklamo ni Dwayne. Habang may naririnig akong may malalim na pag hinga.

"Oh sya sge, pag nagutom kayo, may chips sa baba ng sofa kuha lang kayo jan kung anong gusto nyong kainin wag nyo lang uubusin ah" Sabi ni Mizuki habang si Dwayne naman tinignan laman nito.

"Imposibleng maubos natin toh sobrang daming laman, pero salamat Mizuki ah!! Laro nalang tayo King of Glory turuan moko--" Hintong pagsasalita ni Dwayne dahil pinatigil ko siya sa pag sasalita.

"May naririnig ba kayo?! Pakinggan nyo" sabi ko sakanila at nanahimik silang lahat, dahil kanina pako may naririnig na may malalim na paghinga at mas lumalala pa ngayon dahil may kasama na itong onting tonong pag iyak.

"Oo nga noh, naririnig ko don sa may bandang pc eh" Sabi ni Dwayne

"Kasama ba natin si Lian Ley?" Tanong ni Mizuki.

"Oo ano kabaaa!" Binulong ni Liam Jo.

"Lian Ley!" Tawag ko sakaniya at dahan dahan kong nilapitan ito. Nakasandal siya sa upuan at nakatakip ung muka niya ng panyo. Nang maitanggal ko ang panyo sa kaniyang  muka nabitawan ko ang panyo sa gulat dahil namumutla ito at dilat na dilat ang mata ay hinihingal ito.

"Lian Ley ano nangyayare sayo!" Pagaalalang sigaw ko habang tinatapik ko ang kaniyang muka, damang dama ko ang sobrang init ng katawan niya at lumapit ng mabilis si Mizuki.

"Lian Leyy!!!" Hinarap ni Mizuki sakaniya ang upuan at tuluyan natumba si Lian Ley pero agad niya itong nasalo. Inihiga niya ito sa sahig at nag start na itong manginig ng sobra.

"Kumuha kayo ng kutchara bilisan nyo!!!" Sigaw ni Mizuki, agad kaming lumabas tatlo para mag hanap ng kutchara.

"Kumuha nalang kayo ng timba na may kasamang bimpo at warm na tubig!" Sigaw ni Liam Jo samin habang bumababa kami ng hagdan.

"Tara punta nalang tayo sa kwarto ni Lian Ley!" Sigaw ni Dwayne sakin.

Bumalik kami at agad kaming pumunta sa kwarto ni Lian Ley, ako ang kumuha ng bimpo sa drawer ni Lian Ley habang si Dwayne naman ay pumasok ng banyo para kumuha ng tubig at agad kaming pumunta sa kwarto ni Mizuki at nandon na agad si Liam Jo na kakarating lang at ibinigay niya agad ang kutchara kay Mizuki. Pinasok ni Mizuki sa bibig ni Lian Ley ang kutchara.

Wild Cold Hearts | Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon