Kim Ysmael's POV
Nagising naman akong nakaharap kay Yu Li at nakita ko siyang nag la-loptop at mukang hindi siya maiistorbo sa ginagawa niya. Kaya pumunta nalang ako sa banyo para mag hilamos at umihi. Pag labas ko naupo ako malapit sa bintana at nag muni muni.
"Hungry?" Tanong niya.
"Hindi pa naman, wala pako sa mood" Sagot ko habang nakatingin sa bintana.
"Baba na tayo" Ya'ya niya.
"Ikaw bahala, gusto mo ba?" Tanong ko at lumingon ako rito.
"Yes, hinihintay lang kita magising, nagugutom nako eh" Sagot niya at nakatutok parin ang mga mata niya sa Laptop.
"Oh tara na, ang arte mo hinintay mo pako" Ani ko at tumayo nako.
"Baka kasi pag iniwan kita dito mag gala ka nanaman kung san san" Masungit na sabi niya at pinatay na niya ang laptop.
"Tsss, ano ako bata? Anong oras na ba?" Tanong ko.
"8 o'clock palang" Sagot niya at lumabas na kami ng pinto.
"Ahhh ok, san si Tita?" Tanong ko habang bumababa kami ng hagdan.
"Baka nandun na sa kusina" Sagot niya.
"Goodmorning, tara mag breakfast muna tayo" Nakangiting sabi ni Tita.
"Goodmorning rin po" Ani ko at umupo na kami ni Yu Li sa pwesto namin.
"Hindi ba uuwe si Papa?" Tanong ni Yu Li kay Tita.
"Hindi ata eh, baka dun narin mag lunch un" Sagot ni Tita at inilapag ang pagkain sa harap namin. At naupo narin siya sa pwesto niya.
"Salamat po, nasan po sila Lian Ley?" Tanong ko.
"Pababa narin, papasok pa ung mga un kaya nag paluto pako ng marami" Sagot ni Tita.
"Bakit mo hinahanap?" Nakasimangot na saad ni Yu Li.
"Bawal ba?" Tanong ko at kumain nako ng pancake.
"Tssss" Tinarayan ako nito, at may naririnig akong nag sisibabaan sa hagdan.
"Goodmorning Tita, Yu Li at Kim" Masayang bati ni Liam Jo. Lahat sila nakapang office attire, ampopogi at ambabango hanggang dito ang amoy nila.
"Kain!" Nakangiting Ya'ya ko sakanila at umupo na sila sa kani-kanilang pwesto.
"Kim kamusta ka naman?" Tanong ni Lian Ley.
"Ahhh ok lang, medyo sariwa pa sugat ko, pero ung mga pasa ko mabilis na nawawala dahil sa chaa at gamot na iniinom ko" Sagot ko.
"Mabuti naman, sensya na kung hindi na kita masyado nakakausap, busy narin ako sa work, nagustohan mo ba ung bigay ko sayo?" Nakangiting tanong niya.
"Ahhhh oo, salamat pala don ah! Nakalimutan ko ng mag pasalamat sayo" natatawang sagot ko.
"Papasok ako sa work ngayon pero uuwe rin akong mamayang lunch, may gusto kabang ipabili?" Tanong niya.
"Ahhh—" Putol na salita ko.
"Hindi na, lalabas rin kami mamaya. Pupunta kami sa mall" Mabilis na sabi ni Yu Li.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 3
Novela JuvenilThis Story is Taglish Dito na mag sisimula ang pagsasama ni Chen Yu Kim A.K.A (Kim Ysmael) at Chen Yu Li A.K.A (Capricornous Chen). At dito na rin mag sisimula ang mapanganib nilang buhay sa kwentong ito. Mas marami pang malalaman si Kim at marami...