JOY
Nanibago ako, di na sya nagchat simula nung huling punta nya sa amin. Yung pinauwi ko sya. Di rin naman ako nagmessage sa kanya, mali, ilang beses kong binura at naghintay na baka sakaling mauna syang magparamdam.
Nasanay lang rin akong sa aming dalawa sya ang laging nagchachat.
Kahit ganito naman ako may pride rin akong tinatawag.Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Na wala talaga.
Dapat nga matuwa ako dahil walang nangungulit pero hinahanap ko na yon. Umaasang magmessage sya."Tatawagan nalang ulit kita, Joy." Malambing na bigkas ni Kurt katatapos lang ng mainit na bakbakan, pareho pa kaming hubad. Pangalawang beses ko pang naging customer to. Ang alam ko pamilyadong tao ito, gusto nya lang raw makatikim ng ibang putahe. Ayaw nyang magkaproblema sila ng asawa nya kaya okay na sa kanya na magbayad sa katulad ko.
"At mamimiss ko to." Sabay hawak sa dibdib ko at pagkababae. Nang-aakit na ngiti at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bilang tugon sa ginawa nya.
Sa ganitong trabaho kailangang magaling kang magpanggap at umaarte. Kahit hindi ka naman talaga nasasarapan obligado kang umungol, kahit minsan sinasaktan kana kailangan mong idaan sa ngiti at pang-aakit. Puhunan ang katawan kaya dapat magaling ka.
Unang naging customer ko galanteng matanda, kaya simula nun ginamit ko ang utak ko. Alam kong maganda ako, at maganda ang hubog ng katawan. May presyo akong binibigay sa mga nagiging customer ko, kung tatapatan o hihigitan nila yung halagang sinabi ko, mas maganda ang serbisyo, mas magaling.
Ayoko naman yong ibabayad sa akin katumbas lang ng isang kainan.Nanghihina parin ang buong katawan ko. Tatlo o apat na oras rin ang inabot talagang sinusulit ang binayad.
Kagabi palang nagchat na si Kurt sa akin kaya kaninang alas otso ng umaga nakapag-ayos na ako. Bandang alas nueve sinundo nya na ako.Pagkadating ko sa boarding namin nagulat ako ng makita si Bea. Well, inaasahan kong babatiin o lalapitan ako nito gaya ng madalas nyang ginagawa, pero parang di lang ako nakita nito. Talagang nagtatampo sya?
Umakyat nalang ako sa itaas para makapagpahinga muna.
Patamad na naupo sa silyang nasa gilid at nilapag ang shoulder bag sa sahig. Di ko alam ilang minuto akong nasa ganoong posisyon. Hanggang sa napagdesisyunan kong maligo sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Dala ang pamalit na isusuot at tuwalya ay bumaba na ako."Bakit kayo humantong sa pagiging bayaran?" Yon ang narinig kong tanong ni Bea ng pababa na ako. "Sorry pero okay lang kung hindi nyo sagutin." Halata ang pagkataranta at hiya sa tono ng boses nya. Di ko napigilang mapataas ang isang kilay, sakto namang napatingin sya sa akin. Saglit lang yon at binalik nya na ang atensyon sa mga kausap.
Alam ko na gusto nyang malaman ang dahilan kung bakit pinili naming maging pokpok. Madali kasing basahin ang kinikilos nya, obvious rin sa mukha nya minsan ang gusto nyang sabihin o ang magiging ekspresyon nya. Hindi kana mahihirapang alamin.
Alam ko na rin ang kwento ng mga kasamahan ko, bakit nandito sila ngayon sa putikan. Wala akong malinaw na detalye sa kanila kung bakit naging puta ako, hindi naman kailangang sabihin ko pa eh.
Basta ang klaro nasa iisang mundo kami, mundong binababoy, mundong parausan lang ng mga taong halang sa l laman.Kahit ilang ligo, at sabon pa ang ikuskos ko sa katawan alam kong hindi maaalis ang duming nakakapit nasa katawan ko. Na kahit bagong ligo ang katulad ko, yung katotohanang puta ako hindi yon mababago. Pero natatawa ako minsan.
May mga matinong babae naman dyan, madami sila. Pero pinagpalit lang rin sa gaya ko. May matitinong babae rin na halos araw-araw handang ibigay ang sarili sa mahal nila pero sa huli iniwan lang, nilaspag at pinagsawaan pa.
Walang konek, kung tutuusin ang naisip ko. Pero bakit kaya ang mga lalaki di kayang bigyan ng pera ang girlfriend nila? Pero willing magbayad makakantot lang ng puta? Putang ina nila, diba?
Tapos may ibang babae na binibigyan ng pera ang boyfriend nila, wag ganoon, wag na wag. Ikaw yong dapat binibigyan, ikaw yung dinumihan at nilawayan, pambiling sabon, ikaw parin ba aako?
Humingi ka ng pera. Hindi ka naman gaya ko na pokpok kung hihingi ka ng pera.
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Short StoryMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...