Kabanata 4

108 13 0
                                    

BEA

Pumipila na ako sa counter para sa mga binili ko ng mapatingin ako sa unahan ko. Bale pang-anim ako pila. Kahit nakatalikod halatang malakas ang appeal nya. At kung unang tingin mo sa kanya sa katawan ka talaga nya hahanga. Well, kahit babae tayo pag nakakakita naman tayo ng sexy na body mapapalingon rin tayo, hahanga.
Isang short shorts at body fitted na blouse ang suot nito, simple lang.
Pasimple ko lang syang tinitingnan, maging yung ibang tao nakatitig rin sa kanya, lalo na yung packer na kasama ng kahera.

"Kulang ng limang piso ang bayad mo." Narinig kong sabi ng kahera sa babaeng nasa unahan ko.

"Ayy, wag mo nalang isama yang napkin." Natatawang sagot nito sa kahera.

"Ako na magdadagdag ng kulang." Parehong napalingon ang kahera at yung babaeng nasa unahan ko, nakataas pa ang isang kilay nitong nakatitig sa akin.

Doon ko nakita ang mukha nya. Maganda sya. Maamo ang mukha. Parang pinaghalong Kristine Hermosa at Nadine Samonte. Matangkad ito, nasa 5'6 ata ang height nya, ang mga mata nyang para bang tagos sa pagkatao mo ang titig nya, walang buhay, tamang tama lang ang tangos ng ilong nya. Maituturing na best asset nya ang lips nya, maputi sya kompara sa akin na morena.


"Thank you." Saglit na tiningnan ako nito at umalis na dala-dala ang mga binili.

"Ang ganda talaga ng chicks na yon!" Sabi ng packer.


"Yan ka na naman! Nalilibugan ka lang doon eh. Maganda nga pokpok naman. Pwede mo namang puntahan sa likod yun. Ingat lang baka magkasakit ka. Alam mo na basta may pera kang pambayad." Natatawang sagot ng kahera sa kasama nya.


Nagulat ako sa narinig ko. Ah, halatang kilala nila ang babaeng yon. Base sa mga sinasabi nila madalas nila itong nakikita at alam ang kalakaran ng trabaho nya.
Lagi namang may maipipintas ang mga tao sa kapwa nila.
Gaya ng maganda nga bobo naman, maganda nga tambay naman, maganda nga baliw naman. Laging may mali. Laging may kaakibat na panghuhusga.

Pagkalabas ko sa grocery may pwersang nagtulak sa akin na pumunta sa likod.
At nakita ko nga sya. May hawak na yosi sa isang kamay habang ang kabilang kamay nito nakapatong sa hita ng lalaking nakaupo sa upuang nandoon rin.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatayo doon habang pinagmamasdan sya.
Madaming questions sa utak ko, gaya ng bakit? Bakit sya nandyan? Ganoon na ba kahirap ang buhay nila para pasukin ang pagiging bayaran?

Minsan di ko talaga maunawaan ang way of living ng iba.
O di ko lang talaga gets kasi wala ako sa sitwasyon nila.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ang utak ko ng makita ko syang nakatayo na mismo sa harap ko. Nakapamewang pa ito.

"Kanina pa ako nagsasalita. Alam kong di ka pipi."

"Hah? Ano yon?" Parang wala sa sariling tanong ko.

"Tang-ina mo. Sabi ko nga wala kang narinig sa sinabi ko." Natatawang sagot nito. Sabay hithit sa yosi at buga ng usok sa mukha ko.

Napaubo ako. Nainis. Una dahil minura nya ako, pangalawa ang bugahan ng usok.

"Oh, bakit?" Parang balewalang tanong pa nito. "Bakit ka ba nandito? Sinundan mo'ko?" Puno ng kumpyansang saad nito.

"Bakit masama bang dumaan dito?" Sagot tanong ko sa kanya.

"Hindi." Diretsang sagot nito.

"Yon naman pala."

"Madalas ang napapadpad lang dito pag gabi ay mga customers lang, gustong magbayad para kumantot. Maliban nalang kung gusto mo maging katulad ko or gusto mo akong..?" Nakataas na naman ang isang kilay nito. Tinapon nito sa lupa ang hawak na yosi at inapakan. Tapos biglang dumura. Walang pakialam.


Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon