BEA
"JUAN 3:16- Sapagkat gayon na lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay nya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya ay hindi mapuksa kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan." Halatang memorado nito ang talatang sinabi dahil nakangiti pa nya itong banggitin sa akin. Ito ata ang pinakapamilyar na bible verse, madalas mabasa o mapakinggan. Tinanong ko kasi ito kung ano ang hindi nya malilimutang bersikulo sa bibliya.
"Ikaw, anong paborito mong Salita ng Diyos?" Balik tanong ni Kisses sa akin.
"Uhm.," Nilagay ko pa ang kamay ko sa baba ko senyales na nag-isip talaga ako ng malalim. "APOCALIPSIS 21:4- At papahirin nya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang dating mga bagay ay lumipas na." Madamdamin ko pang sambit.
"Ehh? 'Yan na bible verse ang nakalagay sa tarpaulin nung namatay naming kapitbahay ah! English lang yun, Revelation 21:4." Napangiwi pa ito ng bibig ng lumingon sa akin. Hindi ko napigilan ang wag matawa sa reaksyon nya.
"Aha!" Napapatango ko pang sang-ayon. "Ang galing nga eh! Ibig sabihin nun na may hangganan ang mga paghihirap natin, di ka ba natutuwa sa ganon? Wala ng sakit at kamatayan! Hindi na natin kailangan umiyak dahil nagkasakit tayo o may sakit ang mahal natin sa buhay, wala ng iiyak dahil wala nang mamamatay! Diba nga sabi sa 1Corinto 15:26 Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin." Pinagsalikop ko pa ang mga daliri ko bago itinapat sa dibdib at nakangiti habang iniisip ang mga pangako ng Diyos.
"Sabagay! Ayaw ko nang umiyak, ayaw ko ng maging malungkot! Tapat at may salita si God, diba?" Nakangiti na rin ito, gaya ko nananaginip ng gising at umaasa sa Kapangyarihan ng Maykapal.
"Oo naman! Walang duda!" Nag-apir pa kaming dalawa ni Kisses.
Sa edad na Dose anyos, isa ako sa mga batang napalaking malapit sa Diyos, sa espirituwal na pangangailangan, busog ako. Ikaw ba naman ang laging pinapamemorado ng bersikulo, yung lingguhang pag-aaral pa sa bibliya, iba pa yung maririnig sa Simbahan. Galing ako sa relihiyosong pamilya. Natutuwa ako at talagang namamangha sa Maylalang. Nag-iisang anak ako.
Isang Pastor si Papa. Isang OFW naman si Mama ganunpaman active ito sa ministeryo kahit nasa ibang bansa pa ito
Taunan kung umuwi ito, kaya kahit papaano magkasundo at malapit parin kami. Lalo na sa Diyos.Magkaibigan kami ni Kisses, magkaiba ang pinaniniwalaan namin, isa syang Katoliko. May isa pa kaming kaibigan si Lhilit Saksi ni Jehova, ako ay JIL/ Jesus Is Lord.
Magkaibigang magkaiba ang paniniwala, ngunit hindi ito sagabal sa friendship namin, lalo pa respetuhan lang sa kung ano ang pinapanindigan/pinaniniwalaan namin.
Madalas man na di maiwasan ang debatehan, nauuwi rin sa pagpapakumbabaan naming pareho, Diyos ang usapin kaya nagiging mahinahon kami sa huli."Oh, Anak., nandyan kana pala." Nakaupo na ako sa sopa namin nun habang tinatanggal ang sapatos pang-eskwela sa paa nang pumasok si Papa.
"Opo, kauuwi ko lang din po galing school. Saan po kayo galing, Papa?" Magalang na tanong ko dito.
"Sa ospital." Sagot nito sa tanong ko. Sa pagkakaalam ko naisugod sa ospital si Kuya Ramil ang guitarista sa Simbahan, parang anak na rin ang turing ni Papa dito, sabi pa ni Papa may malalang sakit na ito. Ganon naman lagi si Papa bilang isang Pastor na rin iniisip nila ang kapakanan ng nasasakupan nila. Minsan nga mas maaasahan pa si Papa pag ibang tao ang nangangailangan sa kanya, basta tao sa simbahan, wala kang maririnig na kahit ano sa kanya, kahit anong oras, nauunawaan ko naman sya. Kaya tinitingala ko ito dahil may dedikasyon sya sa tungkulin nya. Lalo pa bihira nalang sa mundo ang makadiyos. "Kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong nito ng tumabi ito sa pagkakaupo ko.
"Okay lang po, Papa." Nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman. Kilala ko rin naman ang Guro mo. Magpakabait ka ha? Wag kang pasaway." Paalala pa nito. Kasamahan rin namin sa Simbahan ang teacher ko, kaya updated si Papa sa behavior at performance ko sa loob ng Paaralan. Grade Six na ako. Sempre, isang pagkakamali ko lang apektado din ito. So, dapat maingat ako sa mga sinasabi at ginagalaw ko, lalo pa kilalang tao ang pamilya ko.
"Opo." Tinapik-tapik pa ni Papa ang balikat ko bago ito tumayo at pumasok na sa kwarto nila ni Mama.
"Papa." Nanginginig ang boses ko nang tawagin ito.
"Anong kahihiyan ang ginawa nyo? Ikaw pa talaga ang kumuha ng tsokolate sa grocery, Bea!" Buo at matigas ang boses nito ng komprontahin niya ako dito sa bahay, halatang kanina pa sya nagpipigil sa galit nito.
"H-Hindi naman po ako yun eh., yung kaklase ko po ang naglagay sa bag ko." Pagdedepensa ko sa sarili lalo pa talagang totoo naman.
"Yun na nga! Sa bag mo nilagay tapos hinayaan mo lang! Bata ka pa, ganyan na ang pinanggagawa mo? Yung guard nang grocery kanina, kilala ako! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan! Ano nalang iisipin nila? Na nagpapangaral ako kada linggo sa harap ng ibang tao at hawak ang bibliya, tapos sarili kong anak hindi ko mapagsabihan?" Ngayon ko lang nakitang nagalit si Papa sa akin. Kaya masakit iyon sa damdamin. Pero bakit pag may mga bagay tayong di naman nating sadyang mangyari, ang unang iisipin ng mga taong malalapit sa atin ang IMAHE nila sa ibang tao, sa halip na unawain ang katotohanan?
"Sorry po. Natakot lang kasi ako kanina, nataranta, biglang kinuha kasi nung kamag-aral ko ang bag ko, hindi ko naman po alam na may nilagay na pala sya." Napapaiyak kong pagpapaliwanag.
"Sana ngayon matuto ka, hindi lahat ng kasama o kaibigan mo, maaari mong pagkatiwalaan, ang iba ilalagay ka sa kapahamakan, gaya ngayon." Naging mahinahon na ang timbre ng boses ni Papa. "Alam mong masamang magnakaw, diba?" Napatango ako bilang tugon. "Kung may gusto kang bilhin o kainin, sabihin mo sa akin ibibili kita, Anak. Wag mo na sana ulit gagawin iyon, nagkakaliwanagan ba tayo?" Muli na naman akong napatango kay Papa. Marahang pinahid nito ang luha na nasa pisngi ko pa. "Naaalala mo ba ang sinasabi sa 1 Corinto 15:33?" Malumanay na tanong pa nito sa akin. Ganito si Papa pag pinagsasabihan ako, laging kasunod ang mga salita ng Diyos o mga praktikal na payo na nagmumula sa bibliya.
"Opo. Sabi po sa 1 Corinto 15:33 Wag kayong paliligaw. Ang masasamang mga kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali." Seryosong nakatutok ang mata ko kay Papa ng sabihin ko iyon na nagpangiti sa kanya.
"Nauunawaan mo ba ang ibig sabihin nun, Bea?" Nawalan ako ng imik at napayuko. "Gusto kong protektahan ka. Sana maintindihan mo kung bakit ganito ang paraan ng pagdidisiplina ko sa'yo. Lagi mong isipin ang Diyos. Gawin mo syang sentro rin ng buhay mo. Wag mong gawin ang mga bagay na ayaw nya." Naiwan lang akong nakaupo sa sopa pagkatapos kasing sabihin iyon ni Papa tumalikod na rin ito.
Bata pa ako ngunit sa paraan ng pakikipag-usap at pagsasalita ni Papa sa akin pakiramdam ko nagiging matured na ang pag-iisip ko. Ibang-iba si Papa sa pagdidisiplina, kung may nagawa akong pagkakamali pinagsasabihan agad sa mahinahon at mataktikang paraan. Ang ibang mga anak sa marahas na paraan kung disiplinahin ng mga magulang nila, yung sinturon at kawayan agad ang parusa, kaya madalas sa halip na makikinig mas nagrerebelde ang anak nila. Yun ang nakikita ko, yun ang pinapaunawa ni Papa. Masyadong marahas ang ginagalawan nating mundo. Ang iba nasa mabuting kamay samantalang ang iilan nasa kapahamakan at peligro.
Maswerte ako sa buhay na meron ako. Sa magulang na nandyan para ipaunawa sa akin ang tama at mali. Sino ba ako para magalit kay Papa?
- Bukas po ulit!
:)_❤️
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Short StoryMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...