Kabanata 2

347 24 16
                                    


JOY


"Kumain kana ba, Joy?" Tanong ni Nanay sa akin. Gumagawa pa ako ng takdang-aralin nun, galing ito sa paglalabada sa kanila kapitan. Halatang pagod si Nanay gabi na rin kasi, at kakauwi pa nya mula sa maghapong kayod.

"Hindi pa po, Nay. Gusto ko kasing sabay na tayong kumain, nakapagprito na rin po ako ng talong pang-ulam natin ngayon." Nakangiti kong tugon dito. Niligpit ko na ang mga kwaderno ko at binalik iyon ng maayos sa bag. "Tsaka pa pala, Nay. Wala na tayong bigas para maisaing bukas." Imporma ko rito. Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga nito ng malalim.

"Hay naku! Kelan kaya tayo yayaman, Joy? Nakakasawa na maging mahirap!" Natatawa pangsaad ni Nanay. Kahit nakangiti ito ngayon sa akin, bakas ang pagod at stress sa mukha nito. Trenta'y singko pa si Nanay. Samantalang Cuarenta na si Tatay, isang traysikel driver, traysikel na pag-aari din nila Kapitan. Kinse anyos ako at Grade-9 na, gusto ko kasi talagang makapagtapos ng pag-aaral, kaya ito si Nanay suportado sa pangarap ko.

"Si Nanay talaga! Mayaman na tayo noh! Pera nalang yung wala." Pagbibiro ko rito.

"Kaya mag-aral kang mabuti. Kahit ayaw pa ni Tatay mo, gagawa ako ng paraan mapaganda naman ang buhay mo." Malungkot na napatango ako kay Nanay. Ayaw talaga ni Tatay na mag-aral ako, nagtalo pa nga sila ni Nanay sa bagay na iyon dahil bakit pa raw ako mag-aaral eh, darating ang panahon na mag-aasawa lang ako, wala ring silbi at dagdag gastos lang iyon.

"Opo. Pangako ko, Nay. Basta po nandyan kayo ha? Wag nyo akong sukuan, gagalingan ko pa po ang pag-aaral." Seryosong tinitigan ko si Nanay na nakangiti lang. Nagsisimula na kaming kumain kaya tahimik na kami pareho ni Nanay. Kahit pritong talong lang basta si Nanay ang kasama ko, okay na. Siya lang kasi ang masasabi kong totoong nagmamahal sa akin. Si Tatay, hindi ko talaga sya totoong Ama. Lihim iyon ni Nanay na nalaman ko noong Dose anyos palang ako., lasing na umuwi nun si Tatay, nung tinawag ko syang Tatay basta nalang ako nito hinila sabay palo ng tsinelas sa binti at hita, nagulat ako at umiyak lang. Sabi nya Wag ko raw syang tawagin Tatay wala raw syang anak na kagaya ko. Anak ng isang puta o pokpok!
Hindi ko yun sinabi kay Nanay na pinalo ako ni Tatay. Hindi ko na rin kinompronta kay Nanay ang sinabi ni Tatay, dahil baka hindi pa panahon para itanong ko iyon. Maghihintay nalang ako na sya na mismo magsasabi.


Pero gulung-gulo ang utak ko, kung ano ang pokpok?

Grade-2 pa ako nun. Sinigurado ko muna na nakalabas na ang mga classmates ko, bago nilapitan ang teacher namin na nakaupo pa sa pangkaraniwang pwesto nito. Napansin ata nito na ang presensya ko kaya napaangat ito ng tingin sa direskyon ko. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"May problema ba, Joy?" Tumayo na ito sa kinauupuan nya at lumapit sa akin.

"Ahm, pwede pong magtanong?" May pag-aalinlangan man, tinuloy ko parin ang dahilan bakit ako nagpaiwan sa mga kaklase ko.

"Ano yun?" Nakangiting tanong pa ni Teacher.

"Ano po ang pokpok, Ma'am?" Napalis ang ngiti sa labi nito at napalitan ng pagkabigla ang mukha ng guro namin sa tanong ko. Ayaw kong itanong iyon kay Nanay. Sa mura ko pang edad marunong na akong mag-isip, at gusto kong masagot ang nagpapalito sa utak ko. Sabi ni Nanay kung may hindi ako naiintindihan, pwede kong itanong iyon sa guro namin.

"Saan mo narinig yan?" Kunot ang noo itong tumingin sa akin.

"Kasi, kasi po., narinig ko lang? Kaya naisip ko pong itanong sa inyo kung ano po yun?" Mabilis na tugon ko sa guro namin na binigyan ako ng seryosong titig.

"Hindi ko alam paano sagutin ang tanong mo, bata ka pa kasi, at kahit sabihin ko sayo malamang hindi mo ito talagang mauunawaan." Pahayag pa nito. Akala ko makukuha ko na ang kasagutan sa mga kalituhan ko. Umuwi ako noon na bigong makuha ang kasagutan. Ngunit tama sila na habang lumalaki ang isang wala pang muwang na sanggol para lang itong blank disc, wala pang alam., pero dahil sa madalas naririnig at nagkakaisip na, yung mga katanungan noon, may mga eksaktong kasagutan na ngayon. Maraming katanungan at kalituhan dito sa mundo. May takdang panahon na masasagot ang mga tandang patanong na iyon.



Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon