Kabanata 13

121 16 0
                                    

JOY

Hindi ko gustong saktan sya, pero yun nalang ang nakikita kong paraan para marealized nya na hindi ako karapat-dapat magustuhan.
Nasasaktan rin ako. Mahal ko sya.
Alam mo yung kailangan mong kontrahin yung sarili mong nararamdaman dahil yun ang tama. Wala akong maipagmamalaki, isa akong kahihiyan.

Tahimik syang umiiyak. At wala akong magawa kundi tingnan sya.

"Nung bata pa ako hindi ko na kilala ang totoo kong tatay, pero may tatay-tatayan ako. Hindi nya ako tinuring na anak. Pokpok kasi ang trabaho ni Nanay bago nya ito nakilala, bunga ako ng pagiging puta ng Nanay ko. Lagi kaming sinasaktan ni Tatay, lalo na ako. Lagi nyang sinasabi kay Nanay na puta ito, galing sa putik." Pagsisimula ko ng kwento.

Kaya mula sa tahimik nitong pag-iyak napaangat ang tingin nya sa akin.

"Nang mamatay si Nanay, umalis ako sa amin. 15 na ako nun, namasukan akong kasambahay. Unang amo ko masyadong mahigpit at mapanakit, bugbog sa trabaho at halos ayaw akong pakainin. Umalis ako."

Natahimik ulit ako. Nagbabaliktanaw ang utak sa mga nagdaan, parang kailan lang kasi.

"Namasukan ulit ako sa mag-asawa, kunting mali sinasaktan ako ng amo kong babae, sadista kasi yon, hindi ko ulit kinaya. Umalis naman ako. Pinupuntahan ako ni Tatay, akala ko nung una kukunin nya na ako, nakita nyang marami akong pasa sa katawan. Pero hindi, pinuntahan nya lang pala ako para piliting makipagsex kay Kapitan kasi madami syang utang, hindi raw kasi pumayag si Nanay kaya napatay nya ito. Proud sya ng sabihin sa akin na pinatay nya ang Nanay ko, detalyado pa." Mabilis na pinahid ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko.



"Papalit-palit ako ng pinapasukang trabaho. Nandoon na pinapalayas ako kahit gabi na. Pero dahil wala akong ibang mapuntahan nagtyaga akong maghanap ulit ng mapapasukan, okay na sana yung sunod kong naging amo kaso ilang beses akong gustong pagsamantalahan ng amo kong lalaki. Umalis na naman ako. Paulit-ulit. Gusto ko ng magandang buhay, nangarap ako nun. Pero bakit ang damot nun sa akin? Bakit ang lupit ng tao? Bakit halos lahat ng tao ay gaya ng tatay-tatayan ko? Ayaw kong maging gaya ni Nanay, dumating nasa puntong gusto ko na ding mamatay nalang."

Napaupo na ako sa sahig bigla akong nakaramdam ng pagod.

"Pinalayas na naman ako ng panibago kong amo, nung time na yun wala akong dalang gamit, kundi yung nasa katawan ko lang. Naiiyak pa nga ako nun, naaawa ako sa sarili ko. Naisip ko, siguro hindi ako palaboy kung buhay si Nanay, siguro kasama ko si Nanay, kaya ilang beses kong pinatay si Tatay sa isip ko. Galit na galit ako. Hindi ko na alam saan ako pupunta, gabi na nun eh. Nakaupo ako sa isang waiting shed, may matandang lalaki ang lumapit sa akin. Nung una natakot ako, kinausap nya ako. Inaliw. Nagmakaawa akong tulungan nya ako, willing raw sya. Dinala nya ako sa isang motel, binilhan ng pagkain, binusog, binigyan ng pera. Kapalit ang katawan ko. Kasi sabi nya, ganoon ang kalakaran sa mundo, hindi pwede ang thank you lang may kapalit dapat."

"Simula ng gabing yun inalisan ko na ang sarili kong maging masaya." Dahan-dahang lumapit sya sa akin at napaluhod sa harap ko.

Wala syang sinabi basta niyakap nya lang ako. Sa nakalipas na mga taon ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito, para akong nakahanap ng kakampi sa bisig nya, pilit kong tinatago ang sakit ng nakaraan.





Dalawang araw na ang nakalipas ng magkausap kami ni Bea. Simula rin nun, hindi na sya nagchat sa akin.

May mga tumatawag at nagtext na customer pero nawalan ako ng ganang sagutin isa man sa kanila.

"Ilang araw ka ng hindi lumalabas ah. Walang booking?" Tanong ni Dina.

"Masama kasi ang pakiramdam ko." Wala sa sariling sagot ko.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon