JOY
"Ang lalim ng iniisip mo ah." Hindi na ako lumingon sa nagsalita.
"Umalis na pala sya." Parang wala sa sariling pahayag ko.
"Oo, sayang. Hindi mo sya naabutan, pumunta sya dito kagabi, hinanap ka, naghintay pa nga sya. Eh, akala namin saglit lang kayo nung customer mo kagabi." Pahayag naman ni Dina.
Kanina ko lang nalaman kay Niña. Wala na akong sinabi pagkarinig ng sinabi nya, dahil baka maiyak na naman ako. Sobrang emosyonal ko na.
"Mahal ka nya." Ganoon ba kahalata at napapansin nila yon? "Swerte mo sa parteng yon." Hindi ulit ako nagsalita basta nakatingin lang ako kanya. "Kung may tatanggap o magmamahal sa akin, aalis na ako sa putikan na to." Malungkot na ngumiti sya sa akin.
"Ayokong umalis. Sa una lang naman yang pagmamahal, tapos sa huli wala na, ipapamukha rin sa'yo na pokpok ka, ganoon yung nakita ko araw-araw, ganoon yung narinig ko galing sa tatay-tatayan ko, ganun yung buhay ni Nanay." Tugon ko.
"Hindi naman siguro lahat gaya ng Tatay-tatayan mo, hindi nya lang talaga siguro minahal ang Nanay mo. Kasi naniniwala parin naman akong may taong magmamahal sa akin o sa gaya natin. Na hindi na huhusgahan yung trabahong meron tayo." Sigurado at malumanay na sabi nya.
"Hindi ko alam, pero parang impossible." Kontra ko.
"Ang nega mo." Natatawang sabi ni Dina.
"Sinasabi ko lang ang totoo, nega na ba yun?" Nakasimangot na tugon ko.
"Kriminal ang Tatay ko." Gulat na napatingin ako kay Dina. "May pinatay sya at ginahasa pa ah, bago nya nakilala ang Mama ko, nagbagong buhay naman sya. Pag nag-aaway o nagtatalo sila ni Mama, ni minsan hindi ko narinig na bumanggit si Mama ng kung anong ikakasit ng loob ni Papa. Maingat parin si Mama sa sinasabi nya, naitanong ko nga yon kay Mama, sabi nya mahal ko ang Papa nyo kung ano sya ngayon, hindi sa kung ano ang buhay at kamalian nya noon. Kaya naniniwala ako na may taong tatanggap sa'yo o sa akin." Mahabang pahayag nito.
"Eh, anong reaksyon ng Papa mo pag naririnig nya mula sa kamag-anak o ibang tao na nakapatay o nangrape sya? Hindi naman siguro lahat kagaya ng Mama mo."
"Hinahayaan nya nalang. Para kay Papa, naihingi nya na raw sa Diyos iyon ng kapatawaran, at wala na syang obligasyon na ipaliwanag o ihingi ng tawad iyon araw-araw sa ibang tao. May point naman, diba?" Napatango nalang ako bilang tugon.
Sana nga lahat ng tao pag-ibig ang napapairal. Sana lahat ganoon katapang harapin ang mga naririnig nilang masasakit na salita, sana rin lahat ng tao kayang tanggapin ang nakaraan mo na hindi na kailangang ipaalala sa'yo iyon. Siguro rin hindi ko pa napatawad ang mga tao sa nakaraan ko, hindi ko pa napatawad ang sarili ko sa buhay na binagsakan ko ngayon, madalas sinisisi ko si Tatay, pakiramdam ko lagi akong biktima. Hindi ako humingi ng tawad sa Diyos.
"Balak ko na ring huminto sa ganitong uri ng hanapbuhay, Joy." Gulat na napalingon ulit ako sa kanya.
"Ayaw mo na?" Tanong ko.
"Sawang-sawa na ako, isa pa hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa sarili ko, alam kong hindi matutuwa sila Mama oras na malaman nila na yong perang pinapadala ko sa kanila ay galing sa pagpuputa, ayaw ko ring maging puta habangbuhay." May determinasyon sa boses nya. Napangiti nalang ako bilang pagsupporta sa gusto nya.
Sinubukan kong tawagan ang number nya kaso out of coverage lagi, pati nga sa social media account nya pero nakablock na ako, well, kami.
BEA
Hinintay ko sya. Bago man lang ako umalis gusto kong magkita muna kami, makapagpaalam, halos inabot ako ng hating-gabi sa boarding house nila kasi sabi ng mga kasamahan nya uuwi rin sya agad.
"Uuwi na ako, maaga pa kasi ang alis ko bukas." Paalam ko kay Niña, sya lang kasi ang nanatiling gising pa at sinamahan akong maghintay. Yung iba kasi umalis, dahil may booking sila.
"Aw, baka bukas pa makakauwi si Ate Joy. Sayang naman, mamimiss kita Ate Bea. Ingat ka sa byahe mo." Niyakap pa ako nito.
"Mamimiss ko rin kayo. Ingat nalang kayo dito ah." Pilit kong kinokontrol ang sarili na wag mapaiyak. Napalapit na rin kasi ang loob ko sa kanila.
"Chat-chat nalang, Ate. Wag kang makalimot ah." Tumango lang ako bilang tugon at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Para kasing maiiyak na ito.
Mabilis na pinunasan ko ang luhang bumigay at huminga ng malalim para kasing may nakadagan sa dibdib ko. Isa-isa ko silang binlock sa fb at ig account, lahat ng connected na tao kay Joy. Pinalitan ko ang pangalan ko sa fb. At pinutol ko pa ang sim para walang dahilan na makausap ko sila. Kailangan kong gawin yun. Hindi ko sila makakalimutan.
Hinding-hindi..
****
Yow.
Last chapter na ang next. 😀
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Short StoryMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...