JOY
Masaya ako.
Dahil kasama ko sya ngayon, kaming dalawa lang. Ayokong magkatampuhan o magalit sya sa akin gaya kahapon. Hindi ko na nga kilala ang sarili ko dahil pag abot sa kanya, ibang iba ako.Habang tulog pa si Bea ay lumabas na muna ako para magrelax. Maganda kasi talaga ang view ng lugar, nakakarefresh.
Unang beses na punta ko dito di ko naman naenjoy kasi syempre may customer ako nun. At nasa kwarto lang kami.
Pabalik na ako sa room namin ng di ko namalayan na may nakasalubong ako at nabangga ko sya o nabangga nya ako?
"Sorry." Nagkasabay pa kami ng sinabi ng lalaki.
"Ayos lang." Nagkasabay ulit kami.
Pareho pa kaming natawa.
"I'm Ezekiel. Ikaw?" Pagpapakilala nya.
"Joy." Sagot ko.
"Joy dishwashing liquid or Joy to the World?" Natawa naman ako sa biro nya.
Napansin kong may nakatingin sa amin kaya nilingon ko ito, hindi nga ako nagkamali, si Bea iyon. Nagpaalam na ako kay Ezekiel at nilapitan si Bea.Nakasunod parin ang tingin nito kay Ezekiel. Sinagot ko yung tanong nya kung sino yun pero halatang parang badtrip kahit wala syang sinasabi, inisip ko nalang na baka hindi maganda ang gising nya.
Okay na sana eh. Yung nakayakap ako sa bewang nya, kaso may istorbo na naman.
"Hiramin ko muna si Joy ah." Wala akong nagawa kundi kausapin sya at iwan sandali ang kasama ko.
"Ano ba yon?" Nice ko paring tanong. Lumakad pa ito palayo kaya nakasunod ako sa kanya.
"Gusto mo bang makijoin sa amin? Nabanggit kasi kita sa mga tropa. Gusto ka nilang makilala."
Napreskuhan ako sa kanya. Akala ko naman ano talaga ang sasabihin.
"Ah, hindi pwede. May kasama ako." Seryosong sagot ko.
"Ayos lang, isama mo rin sya. May isa pa akong kasama doon, at least lahat tayo mag-eenjoy." Di paawat na sabi nito.
"Hindi pwede eh. Thank you nalang."
"Oh, sayang naman. Hinihintay na kayo ng mga tropa ko, inaasahan pa man din nila na maisama ko kayo, lalo kana."
Alam ko na ang ganitong uri ng lalaki.
"Ayoko kasing mag-away na naman kami ng girlfriend ko, selosa kasi yan."
Napatingin kami pareho kay Bea na parang may iniisip.
Kahit na sinabi ko lang yon para wag ng mangulit si Ezekiel, may parte ng puso ko ang natuwa ng mabanggit ko ang salitang girlfriend ko.
Wow."Ah, teka, sorry. Naguluhan ako saglit. Ah, girlfriend mo sya?" Nalilito na may pagkabigla sa mukha nya.
"Yes. Kaya di ako pwedeng sumama sayo."
Nakangiting nagpaalam na ako sa kanya. Alam kong wala na sa mood si Bea.
Nung nilapitan ko nga halos wala ng ganang magsalita.
Di pa ako nakakatagal sa paglangoy bumalik ulit si Ezekiel.
"Mauna na ako sa kwarto. Inaantok na ako."
Pinagmasdan ko syang mabuti, so, nagseselos sya?
Iiwan nya talaga ako dito? Ang galing!
"Bakit ka nya iniwan dito?" Patay malisyang tanong ni Ezekiel. Habang tinuturo ang palalayong si Bea.
"Gusto nya ng magpahinga. Aalis na rin ako." Umahon na ako sa tubigan. Hindi nakaligtas sa akin ang paghagod ng tingin nya sa katawan ko. Sanay na ako sa ganito. Kaya binalewala ko nalang.
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Historia CortaMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...