Kabanata 3

119 10 1
                                    

JOY

"Joy, sasama ka ba sa amin ngayon?" Tanong ni Josephine. Nagtatakang napalingon ako sa tanong nya.

"Akala ko ba alam mong b-day ni Ian ngayon?" Sagot nito sa pagtataka ko. "Diba nga nilapitan ka nya nung nakaraang linggo para imbitahan? Nawala sa isip mo noh? Grabe, Grabe lang, teh!" Dagdag pa nya na natatawa, napapailing nalang ako dito.

"Kayo nalang. Di kasi ako nakapagpaalam kay Nanay." Kaswal na tugon ko.

"Sure ka? Baka magtampo si Ian sa'yo, sige ka, inaasahan ka pa naman non!" Bigla akong nakaramdam ng konsensya.  Ganda pa nang sagot ko na nung nakaraan na "Oo, punta ako" tapos ngayon, di naman pala ako makakapunta? Kung bakit nakalimutan ko pa kasi! Close ko si Ian, aminado na rin ako na crush ko sya nang very slight. Siempre, lihim ko yun.

"Ano na? Sama kana ba? Tagal namang mag-isip! Gutom na ako." Kahirap talagang mag-isip minsan pag may gumugulo sa'yo.

"Sige na nga!" Napilitang sagot ko. Isang malaking bahala! "Basta saglit lang tayo dun ah? Pagkatapos umuwi na tayo." Napataas ang kilay nito sa huling sinabi ko.

"Di pa nga tayo nakarating sa kanila, agad uwi na ang naiisip mo? Oo, mabusog lang tayo, layas na agad." Sabay himas sa tiyan nito. Baliw!

Pagkabilis naman nang takbo ng oras, di ko namalayan na mag-aalas sais na pala ng gabi. Kanina pa ako tapos kumain, yung mga kasama ko lang halos walang kabusugan. Patay kang bata ka!

"Josephine, hindi pa ba tayo uuwi?" Pasimpleng bulong ko dito na nakipagchikahan sa isang classmate rin namin. Malilintikan talaga ako nito kay Nanay at lalo na kay Tatay, ni hindi pa ako nakapagsaing.

"Sige na nga! Uuwi na tayo. Sa susunod nga hindi kana sasabay sa akin, Joy. Nakapagpaalam ako sa amin nang maayos na gagabihin, hay naku talaga!" Nakasimangot at halatang labag sa loob nito ang pag-uwi.
Matapos makapagpaalam kay Ian at magpasalamat sa mga magulang rin nito ay hinila ko na si Josephine na nakabusangot parin.

"Pasensya kana talaga. Nakahihiya naman kasing magpaalam kay Ian na uuwi na ako, sempre diba sabay tayong pumunta doon? Sabay na rin dapat tayong umalis, at sabi mo rin uuwi agad tayo pagkatapos nating kumain?" Wala parin itong kibo. Parang nakikipag-usap lang ako sa hangin.

"Sa susunod kasi magpaalam ka na." Biglang salita nito.

"Kahit magpaalam ako, kilala mo ang Tatay, magagalit agad yun, kung si Nanay kaya ko pang makausap." Malungkot na sagot ko.

"Sarap talagang ipatokhang ang Tatay mo! Buti nalang di sya ang naging ama ko, baka matagal na akong lumayas sa poder nya kung ganon man lang. Madaming hindi pwede, ang daming bawal." Pagtatalak ni Josephine. Hinayaan ko nalang ito sa mga hinaing nya, lalo pa totoo naman kasi ito. Kahit papaano alam nito ang ugali ni Tatay, kung paano ako nito tratuhin, minsan nakita na rin ni Josephine ang mga pasa  sa pamamalo ni Tatay. Halos di rin nagkakalayo ang bahay namin. Gaya nang sabi nya, kabaliktaran ng Tatay nya si Tatay, nakakainggit nga eh. Ang bait ng ama nya, maunawain at malambing.

Mas maunang madadaanan ang bahay nila sa amin kaya nagpaalam na rin ito.
"Paano pasok na ako sa loob. Ingat ka, pauwi! Ingat ka rin sa Tatay mo." Seryosong saad nito. Tanging simpleng pagtango at kaway nalang ang tugon ko, at nagpatuloy sa paglakad.

"Joy!" Muling tawag ni Josephine. Napahinto ako sa paghakbang at nilingon sya.

"Bakit?" Tanong ko nang makalapit na ito sa akin.

"Hatid na kita sa inyo. Sweet kong kaibigan, diba? Natatawang sagot nya.

"H'wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa, hayaan mo pag hindi ko na matandaan kung saan ang bahay namin, magpapasama ako sa'yo. Promise ko yan!" Pagbibiro ko rito.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon