Kabanata 9

117 14 4
                                    

JOY

"Ganun ba? Sige, tawagan mo nalang ako pag hindi ka busy." Walang paalam na umalis na ito pagkatapos sabihin yon.

Super dalas namin magtalo. Minsan kahit simpleng bagay lang. Ang sensitive nya, napakadali nyang mahurt sa mga sinasabi ko. Siguro may mali rin ako? Sanay akong di nilalagyan ng filter ang mga sasabihin ko. Hindi na ako aware minsan na nakakasakit na ako, nasasaktan ko na sya. Pwedeng maling words lang ang nagagamit ko. Pero mahirap bang intindihin na priority ko ang customer ko, dahil iyon ang pamumuhay, at bumubuhay sa akin?
Tama naman sya, madami akong plano na pupuntahan namin, nawawala na sa isip ko yon pag may customer na tumatawag, tsaka ko nalang marerealized na may lakad kami, at naka oo na ako sa kausap ko.

Stressed na napahilot ako sa sentido ko biglang sumakit ang ulo ko. Nag-iisip.

Pakiramdam ko kasi kailangan kong mamili sa kanila, kung alin ang mas matimbang, ang customer ko o sya?

"Pasensya na talaga masama talaga ang pakiramdam ko ngayon, Sam." May halong pag-iinarteng sabi ko sa kabilang linya.

"Ganoon ba. Sige, pero next time ayokong maulit ito. Alam mo namang bihira lang akong makapunta sa'yo." Bakas ang panghihinayang at inis sa boses ni Samuel. Sya ang nakauna sa akin, unang karanasan ko sa kama, ang unang naging customer ko ng pasukin ko ang mundong to. Galante sya. 48 years old na sya. Pamilyado ito at halos kaedaran ko lang rin ang panganay nyang anak, sya mismo ang nagkwento sa akin.
Pag tumatawag ito sa akin, at gusto nyang magkita kami kahit pa may nakasched na akong ibang customer sa araw na yon, automatic na magdadahilan ako sa iba at sya ang inuuna ko.

Pero this time, mas may nangingibaw na sa akin. 
Gusto nating kontrolado ang mga bagay sa buhay natin, ito ang pinakaimportante, ito dapat ang uunahin, dito tayo pokus.
Pag hindi iyon naaayon parang stressful, minsan talaga kailangan nating labagin at kontrahin yong nakaset sa utak natin.

Nakailang tawag ako kay Bea, hindi nya sinasagot.

"Saan punta nyo?" Kumakain na ako ng panghapunan ng makita kong nakagayak si Niña at Dina.

"Sa plaza. Mamaya susunduin kami doon ng customer namin." Sagot ni Dina.

"Magkaibigan yung customer namin, kaya magkasama kami ni Ate Dina." Dagdag sagot ni Niña.

"Kamusta naman yung nabanggit mong customer, Dina?"

"Ayos lang naman." Pormal man ang pagkakasagot nito pilyang ngumiti ito sa akin, napailing nalang ako, kasi alam ko na ang ibig sabihin nun.

"Gusto mo bang sumama sa plaza, Ate Joy?" Tanong ni Niña. Tiningnan ko ang phone na nakapatong sa mesa kung may message ba si Bea, kaso wala.

"Ah, sige." Pagsang-ayon ko na rin. Kesa naman maghihintay ako at mag-iisip, mabuti na yong malibang na rin.

"Akala ko ba may customer ka ngayon?" Tanong ni Dina. Isang iling lang tugon ko at nagmadaling gumalaw para makapag-ayos at ng makaalis na kami.

Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin habang papuntang plaza. Naglakad lang kaming tatlo.

May napadaang mga lalaki sa unahan namin sumipol pa ang mga ito.
Minsan kahit sanay na kami sa ganoon, nakakabastos parin talaga. Kahit naman sino, kahit nga hindi mga katulad namin, nababastos rin.
Kung tutuusin maayos naman ang suot naming tatlo, walang nagsuot ng tinatawag na pekpek shorts sa amin. Nakabase kasi madalas ang iba sa suot, pag halos litaw ang kaluluwa sa suot iniisip ng karamihan pokpok. Eh, kung ganoon ang basehan matino ang porma namin kompara sa matitinong babae at pokpok na maituturing ang disenteng kababaehan base sa sinusuot. Eh, nakapants ang dalawa kong kasama at V-neck tshirts samantalang nakamaong na palda ako hanggang kalahati ng hita  at sleeveless na top.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon