Kabanata 5

109 15 0
                                    

JOY

May mga tao talagang dumadating sa buhay natin na hindi natin inaasahan.
Yung pakitaan mo man ng kawalan ng interes, mas ginusto paring makilala tayo. Sa mundong ginagalawan ko parang ang hirap makahanap ng taong maging kaibigan. Kasi madalas ang mga taong nakakasama ko sa beerhouse kauri ko lang ang nagiging malapit sa akin. Kami lang ang nagkakaunawaan at nagkakasundo.

Lantaran ang husga ng ibang tao sa gaya ko. Parang carrier kami ng nakakahawang sakit kung layuan at titigan ng may panglalait. Bago ko pinasok ang trabahong to, alam ko na ang sasabihin ng mga tao.

Kaya di ko inakalang may ibang tao pa na katulad ni Bea ang gusto akong maging kaibigan. Yong alam kong hindi ako huhusgahan sa kung ano ako.

"Buti wala kang pasok ngayon?" Tanong ni Bea. Tumawag kasi ito kanina, tinatanong kung may pasok ako o wala. Nung sinabi kong wala, gusto raw nyang kumain ng fishballs. Kaya bumili nga sya at pumunta dito sa boarding house.

Hindi naman kasi ako laging nasa beer house.
May mga regular customers na ako, madalas on call nalang. Iba't ibang lalaki, ang iba sundalo, pulis, politiko, businessman, minsan religious leader pa. Lahat naman may mga tinatawag na dark secrets.
Karamihan sa kanila pamilyado. Nakakatawa nga. Yung akala ng ibang tao na perfect family, kagalang-galang na tao, matino, mabuting ama o asawa, sila pa yung gumagawa ng mga kababuyan.

"Mamayang gabi pa yong isang customer ko." Inagaw ko sa kamay nya ang hawak na tinodor na may nakatusok ng fishball at kinain iyon.

"Anong oras?" Mahinang tanong nya.

"Wala namang sinabi basta tatawag lang sya pag pwede na akong pumunta." Sagot ko habang ngumunguya.

"Bakit yong ibang kasamahan mo huminto na? Nagbagong buhay na." Dagdag tanong nito.

"Pumayag silang maging kabet. Nagpabahay sa kilalang tao."

"Ayaw mo bang ganoon, at least, isang tao lang ang gumagamit sayo?" Seryosong tanong nya.

"Ayokong maging kabet. Alam kong pokpok ako. Okay na ako sa kung kani-kanino, basta alam ng customer ko na gusto ko ng pera, at gusto nya ng sex. Walang feelings na involved. Nagpabahay nga sakali, eh, kung lagi nya namang ipapamukha sa'yo na pinulot ka lang nya sa putikan, para saan pa, diba?" Mahabang pahayag ko. Napatango naman ito sa sagot ko na para bang naunawaan nya.

"So, hanggang kailan mo gustong maging ganyan?" Follow up question nya. Makulit talaga!

"Hangga't kaya ko pang bumukaka, tumuwad at umungol." Natatawang sagot ko. Nalukot ang mukha nito sa narinig.

"Ang problema sa'yo pabiro ang mga sagot mo sa seryosong tanong." Halatang nainis ito, ni hindi nga sya natawa sa sagot ko.

"Ow? Nag-aattitude kana nyan? Ang problema rin naman sayo masyadong seryoso ang gusto mong sagot. Pasalamat ka pa nga sinasagot ko ang mga tanong mo, dahil alam mong ayaw kong pag-usapan to." Hindi lahat ng tanong aasahang may angkop kasagutan. Kahit pa seryoso at matino ang question.

Sa dalawang buwang pagkakaibigan namin, alam kong isa ito sa hindi namin napagkakasunduan.

"Sorry na." Mabilis na lumapit ito sa pwesto ko at niyakap ako. Sya ang mapagkumbaba sa amin. Isa pa ito, gustong-gusto ko pag sya ang yumakap sa akin ramdam kong mahalaga ako.
Iba naman yung yakap na binibigay ng customer ko sa akin.














"Minsan, naisip ko na malupit at manhid ang Diyos. Kasi kung mahal nya tayo bakit hinayaan nyang saktan tayo? Hinayaan nyang mawala ang mahal natin sa buhay." Nandito kami ngayon sa sementeryo. Matagal na rin mula nung huling dalaw ko kay Nanay. This time kasama ko si Bea.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon