Kabanata 12

123 15 12
                                    

A/N- Isa ang TAHIMIK sa pinakagusto kong kanta ni Yeng. Sakto lang sa kwento at chapter na to. ❤️❤️

BEA

After ng incident na yon, hanggang sa makauwi na kami ay wala kaming kibuan.
Umabot ng linggo, pakiramdam ko nga lumayo na sya sa akin.
Gusto kong isipin na iniiwasan nya ako, mali nga sigurong hinalikan ko sya.

Hindi ko rin alam kung dapat ko ba syang kausapin sa bagay na yon o hahayaan nalang.
Pero anong sasabihin ko, ihihingi ko ba ng tawad? Patawad kasi nadala lang ako o patawad kasi hindi ko sinasadya? Isang kahibangan yon.
Ginusto ko yon eh, pero parang nagsisisi ako, dahil ganito na naman kami.

"Aw, di ko alam ang kantang yan." Sabi ni Niña katabi ko sya. Sa pabilog na mesa kami sa sala nila, ilang dipa lang ang layo ng mesa kung saan kumakain si Joy.
Nagsimula na rin tumagay sila Ate Felipa.


Sabi nila' duwag daw
Ang katulad kong
Hindi maamin ang nadarama
Para sa katulad mo

"Ayyy, iba!" Napareact si Ate Dina.

Pero 'di ba mas matapang
Ang umibig ng di maghihintay
Ng kapalit, at ng sukli
Kahit sobra ang binibigay?

"May laman, ika nga may hugot." Natatawang sabi ni Ate Lourdes sabay tingin kay Joy.

Tatahimik nalang
At mamahalin kita kahit na
Masakit hindi na iimik pa
Mabuti ng hindi mo nalang
Malaman kaysa marinig pa
Sa'yong hindi mo kayang
Mahalin ang ang katulad ko

Tatahimik nalang ang pag-ibig ko
Para sayo.. para sa'yo.

Sandaling napatingin ako kay Joy sakto rin na napalingon sya sa akin.
Pero hanggang kelan naman?
Kailangan bang itatahimik ko nalang kahit halata na?

"Bakit mo itatahimik nalang? Ipagsigawan mo dapat." Napangiti ako ng sabihin ni Ate Felipa yun.

"Paano kung di ka kayang mahalin rin, Ate? Ipagsigawan mo pa ba? Itatahimik ko nalang noh." Banat ni Niña.

"At least, para alam nya. Masakit na kung masakit, ang importante sinabi mo. Kesa naman masasaktan ka na, itatago mo pa ba?" Nag-apir pa si Ate Lourdes at Ate Felipa, halatang nagkasundo.

Kulang ko nalang sabihin
Ako na ang martir ng taon
Pero di nila maintindihan
Na ok na ako ganoon
Ang umibig at lumuha
Para sa isang tulad mong
Kahanga-hanga at kaibig-ibig
Kahit wala namang napapala

Tatahimik nalang at mamahalin
Kita kahit na masakit hindi na
Iimik pa mabuti ng hindi mo
Nalang malaman kaysa marinig
pa sa'yong di mo kayang
Mahalin ang katulad ko.

Tatahimik nalang ang pag-ibig ko
Para sayo, para sa'yo..

Hanggang sa matapos ang kanta tumahimik nga sila.

"Ang galing." Sabi ni Niña. At pumalakpak pa. Gaya kanina ngiti parin ang response ko.

"Masyadong masakit ang kanta. Para kanino ba yon?" Tanong ni Ate Dina.

"Wala naman, gusto ko lang yung lyrics." Sagot ko dito.

"Anong masasabi mo, Joy?" Tanong ni Ate Dina dito. Kibitbalikat lang ang sinagot nito at seryosong nakatutok sa kinakain.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon