Prologo

564 48 9
                                    

"Gusto kita." Kahit na natataranta lakas loob na inamin ko kay Joy ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi sya nagulat man lang. Seryosong nakatutok ang mga mata nito sa akin at napabulanghit ng tawa. Sa pagkakaalam ko wala akong sinabing nakakatawa.
Halos maluha-luha ito sa paraan ng pagtawa nya.

"Joke ba yan? Tangna, be! Napatawa mo ako!" Natatawa pang pahayag nito sa sinabi ko. Nakakainsulto.

"Nakakainis ka!" Salubong ang kilay na bigkas ko.

"Oh bakit? Ano bang ginawa ko?" Kunwaring nagtatakang tanong pa nito.

"Nakakainis ka dahil hindi naman ako nagbibiro lang para pagtawanan mo ang sinabi ko sayo! Bakit ganyan ka? Mali bang magustuhan kita?" Kung kanina tawang-tawa ito, ngayon naman biglang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha nya, ngunit saglit lang iyon.

"Anong nagustushan mo sa akin? Yun bang pagiging puta ko?" Bahagyang natawa pa ito. "Wala akong maipagmalaki. Hindi rin ako yung tipong ipagmamalaki." Puno ng kaseryosohan naman nakatitig ang mata nya sa akin ng bigkasin iyon.  Tila ba isa akong bata sa harap nya na masinsinang pinapaunawa ang bagay na hindi ko lubos maintindihan.
"Wag na ako. Wag na ang tulad ko. Maawa ka sa sarili mo, madami kang dapat magustuhan." Mahinang bulong nito sapat upang marinig ko.

"Bakit wag ang tulad mo? Bakit hindi pwede? Tanggap kita, lahat tanggap ko, yung buong ikaw. Yun naman ang mahalaga, diba?" Bigla itong napangisi sa sinabi ko. Ngising may kasamang iling, ngising may panunuya, may pait.

"Wala akong mapapala sa pag-ibig! Wala kang magandang kinabukasan sa tulad ko! Basura ang gaya ko, hindi magandang modelo sa lipunan. Marami nang kumantot sa akin, sa iba't-ibang posisyon, marami ng katas ang pinaputok sa bibig ko." Parang balewala nitong pahayag. "Ang totoo pera ang mahalaga, yun ang bumubuhay sa atin, pera ang nagpapaikot ng mundo! Isa pa tanggap ko nang lumaki akong puta, ang nagpalaki at unang nagmahal sa akin ay isa ring pokpok, puta na din ako hanggang mamamatay!" Napapailing ako sa mga pinahayag nito.

"May panahon pa naman para magbagong buhay ka eh. Wala rin akong pakialam kung pokpok ka. Wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinakanakakadiring basura! Nakahanda akong pulutin ka, kahit na ano ka pa." Salubong na ang mga kilay nito ng tingnan ako. Bakas ang iritasyon sa ekspresyon ng mukha ni Joy.

"Hindi mo ako naiintindihan! Dahil kahit magbagong buhay pa ako, yung tingin ng taong nakakakilala sa akin, hindi na yun magbabago pa na isa akong bayaran! Yun ang katotohanan na di mababago ng sinasabi mong pag-ibig ang sasabihin ng iba!" Matigas ang paraan ng pagsambit nya.

"Dahil napakasarado ng utak mo! Ang importante inalis mo ang sarili mo sa putikan na yan. Kaya hahayaan mo nalang ba na maging., ganyan ka? Dahil hindi naman magbabago ang tingin ng ibang tao sayo? Kalokohan! Yung sasabihin ba nila ang mas bibigyan mo ng pansin? Hindi mo ba inisip man lang, kahit minsan na may iibig sa'yo? Ayaw mo bang umalis sa sitwasyong binagsakan mo? Wala ka bang planong sumaya at magmahal?" Ramdam ko ang inis sa boses ko at ang pagsusumamong pakinggan nya ako.

"Wala kang alam!" Nilapitan na ako nito at dinuro. "Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. Isa pa, tanggapin mo rin na HINDI KITA MAHAL, at MALABONG MAGUGUSTUHAN KITA." Binigyang-diin pa nito ang huling sinabi nya.

Nawalan ako ng imik. Napahiya. Nasasaktan. Nanlalambot. Nanghihina. Napakurap-kurap ng mata. Kahit sya nabigla rin dahil natahimik ito, napakuyom ng mga palad.

Bakit may mga taong sarado ang isip? Yung kinukulong ang sarili sa isang lugar? Lugar na nilalaan nila na akala nila doon nalang sila dapat, at wala silang karapatang umalis. Mismong sila ang naghahatol at nagpapahirap sa sarili nila.
Dahil ba sa trabahong meron sya? Kaya inalisan nya ang sarili ng karapatang mahalin, na may tatanggap pa sa tulad nya? Impossible na bang may magmamahal sa gaya nya?

Pokpok nga sya! Pero putang-ina naman, may damdamin naman sila!

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon