BEA
Gaya ng sinabi nya kagabi magkasama kami ngayon sa isang private resort.
Alas tres palang kanina nagbyahe na kami papunta dito. Bilang lang sa daliri ko ang mga nakita kong tao dahil siguro sa weekdays."Hanggang 10pm lang raw ang pool nila ngayon, kaya sulitin na natin." Sabi ni Joy ng makalapit na sya sa akin. May susi na itong hawak. At gaya ng nakasanayan ko pag magkasama kami ay hinawakan ko ang kamay nyang may hawak ng susi. Kung titingnan, para kaming magjowa.
Feeling ko talaga nagdadate kami ngayon. Kaya di ko na tinago ang ngiti sa labi ko. Bakit ba? Minsan lang tayong sumaya ng totoo, itatago pa ba? No way.
"Ayos lang, di naman rin ako marunong lumangoy eh." Natatawang tugon ko. "Tamang sa gilid lang ako nyan."
"Don't worry, turuan kita." Nakangiting sabi ni Joy. Sandaling bumitiw ako sa pagkakapit sa kamay nya dahil bubuksan na nito ang room namin for tonight, bukas pa ng umaga kami uuwi.
"Kahit wag na, masaya na akong nasa gilid lang." Mahirap kasi akong turuan, mukhang madali lang ang lumangoy eh. Pero pag ikaw na gaya ko na hindi marunong, isang hamon iyon na mahirap. Parang nagwawalang buwaya ang paa kung iwasiwas. Yung pang mermaid style kaso pag ako na susubok parang lasing na balyena.
Pagkapasok sa loob ng room ay nahiga agad ako sa kama napagod ako sa byahe.
"Pwede bang matulog muna tayo?" Parang batang ungot ko kay Joy.
Saglit na napatingin ito sa relong suot nya.
"Okay, matulog kana muna aayusin ko lang to. Gigisingin nalang kita maya-maya." May mga dala kasi kaming pagkain para sa dinner, libre na ang breakfast namin bukas.
Nagising akong wala si Joy sa kwarto, 6:30pm na pala mahigit isang oras rin akong nakatulog.
Pagkatapos magpalit ng damit at hilamos ay lumabas na ako dala ang susi. Gusto ko kasing hanapin si Joy.
Nakailang hakbang palang ako ay nakita ko na sya, may kausap itong lalaki, halatang ang saya nila pareho. Napansin naman nito ang presensya ko at nagpaalam na sya sa lalaking kausap nya.
"Sino yon?" Tanong ko ng makalapit na sya sa akin. Sinundan ko parin mg tingin yung lalaki.
"Guest lang rin dito, may tinanong lang sya." Tugon nito. "Gutom kana ba?"
"Hindi pa naman." Sagot ko. Ayaw kong masira ang gabi na to kaya lahat ng nasa isip ko ay di ko na binigyang pansin.
May time talaga na kahit gusto mong mainis at magtanong, pipiliin nalang nating wag umimik baka ikasira pa ng mood ng bawat isa.
Masaya naming pinagsaluhan ang dinner at nagpasyahan namin na maligo na sa pool.
"Okay na ako dito sa gilid, wag muna akong ayain sa gitna." Kanina pa kasi sya pabalik-balik ng langoy at pinipilit akong isama sa malalim na parte. Nung una pumayag ako kaso tinawanan nya lang ako ng bigla akong nakainom ng tubig sa pool, nalunok ko pa, kadiri kaya. Lahat naman tayo aware na parang public toilet ang swimming pool, tamang ihian lang.
"Alalayan naman kita, di ko hahayaang malunod ka at mamatay." Natatawang sabi nito. Sweet sana eh.
"Malunod at mamatay agad? Pwede bang ayaw ko lang talaga. Makulit ka rin eh." Nakasimangot kong sabi.
Natatakot talaga ako eh.
Hanggang leeg palang yung tubig sa akin kinakapos na ako ng hininga, yun pa bang di na abot ng paa ko ang sahig nito?Halos magkadikit na ang katawan namin ngayon. At ewan ko ba gusto talaga yung pakiramdam na ganito. Pakiramdam ko nga kaming dalawa lang ang tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Historia CortaMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...