EPILOGO

231 18 3
                                    


May hiningi ba sa'yong isang bagay ang mahal mo sa buhay na hindi mo na nga naibigay, nagalit ka pa? Pero nung sumakabilang-buhay na ito, tsaka mo naalala yung hiniling nya, tsaka mo binili, at dinala sa puntod nya, tapos mapapaisip ka at mapapaiyak nalang.
Ganoon ang totoong nangyayari, minsan sa atin. Natatauhan sa mga kaganapan sa buhay.
Nung umalis si Bea doon bumukas ang isip ko sa pagbabago. Nung kasama ko pa sya di ko yon kayang gawin, kahit nakiusap na sya sa akin nagmatigas ako sa pinaniniwalaan ko, masyadong sarado ang utak ko sa ideyang dito ako dapat, hanggang dulo ngunit nung wala na sya, ng umalis sya tsaka ko naisipang itayo ang sarili ko mula sa pagkabagsak, iahon at alisin ang sarili ko sa putikan, kasi alam ko matutuwa sya pag ginawa ko yon. Baka bumalik na sya ulit. Nakakatawa, diba?
Madami ka talagang marerealized pag iniwanan ka ng taong napalapit rin sa'yo.

Malaki rin ang naitabi kong pera mula sa pagpuputa. Kaya nung nagkausap kami ni Dina sa plano nyang pagbabago, naghanap agad ako ng matinong trabaho.
Naunahan ko pa nga sya magbagong-buhay.

Isa.
Dalawa.
Tatlong taon.

Wala akong balita sa kanya. Lihim akong naghihintay, umaasa, nagbabakasakali.
Kasi kahit papaano kaya ko ng ipagmalaki ang sarili ko sa kanya.

"Ate Joy!"

Muntik ko ng mabitawan ang hawak na baso na may lamang kape sa biglang pagsigaw ni Niña.

"Puta ka! Makasigaw akala mo pagkalayo-layo ko." Masamang tiningnan ko ito, nakakagulat naman kasi. "Ano ba kasi yon?" Kunot ang noo na tanong ko sabay lapag ng baso sa mesa.

"May sasabihin pa naman sana ako sa'yo na ikakatuwa mo rin, pero di ko nalang itutuloy." Nag-iinarteng pahayag nito.

"De wag." Sagot ko. Akala nya at madadala nya ako sa kadramahan nya.

"Hindi mo talaga ako pipilitin, Ate?" May hamong tanong nito.

"Kung may plano kang sabihin talaga, hindi kana dapat pang pilitin. Kaya wag kang umas..," Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil may sinabi na ito.

"Nahanap ko na pisbok ni Ate Bea." Pabulong na sabi nya, yung Bea lang talaga ang klaro.

"Ano? Pakiulit, di ko narinig." Mas lamang ang pautos sa pakiusap na sabi ko dito.

"Sige na nga." Kunwaring napilitan pa. "Nahanap ko na fb ni Ate Bea, nursing kinuha nyang kurso. Mas gumanda nga sya." Sagot ni Niña pero ang mata nasa hawak na cellphone.

"Gamit ko yung second account ko, naisip ko yung name nung Timothy. Ang dami nyang kapangalan. Eh, kahit paano namukhaan ko parin sya."

Dahil curious ako nakisilip ako sa phone nya, at nakita ko nga ang mga nakapublic na photos ni Bea. Tama si Niña mas gumanda ito. Mas tumindi ang naramdaman kong pangungulila sa kanya.

"Inadd ko sya. Inaccept naman ako. Nakita ko sa isang post nya nagcomment si Ate Bea." Pagkukwento nito.

May mga sinasabi pa si Niña pero di ko na iyon napakinggan talaga.

"May boyfriend na sya." Halos sabay pa naming sabi.

"Ang gwapo naman ng jowa."

May post kasi ang lalaki ng picture nilang magkasama, meron yung nakaholding hands at pareho silang masaya, nakayakap ang guy sa kanya, may caption pang english at talagang yung I love you forever lang ang nakakuha ng atensyon ko, siguro kung ibang magjowa lang yon ang masasabi ko "bagay sila, ang cute at sweet ng guy, halatang inlove" pero di ko masabi yon dahil pakiramdam ko tinusok ng penk na karayom ang puso ko. Seryoso na nga, selos ang naramdaman ko. Lahat naman tayo pamilyar sa pakiramdam na yon.

Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon