Kabanata 6

115 15 0
                                    

BEA

Simula ng mapalapit ako kay Joy ay hindi iyon nagustuhan ni Papa.

"Mag-usap tayo, anak."

"Ano pong pag-uusapan, Pa?" Takang tanong ko.

"Tungkol sa bago mong kaibigan."

"May problema po ba?" Dahan-dahang napaupo ako sa sopa.

"Hindi ko gusto ang kaibigan mo na yan para sa'yo. Layuan mo sya. Madami ka pang pwedeng maging kaibigan, yung  mga anak ni Pastor John."

"Pa, mabait si Joy. Walang dahilan para hindi ko sya pwedeng maging kaibigan." Pinipigilan ko lang ang sariling mainis.

"Piliin mo yong taong nakakasama mo. Hindi maganda tingnan na ang anak ng isang pastor ay bayarang babae ang kaibigan. Malaki kana, Bea. Baka ipahamak ka ng kaibigan mo na yan." Napapailing pa nitong sabi.

"Wala namang masamang maging kaibigan ang gaya nila, Pa. Tsaka alam kong hindi nila ako ipapahamak gaya ng iniisip nyo. Hindi naman po siguro tamang ikaw nalang lagi ang pipili ng pwede kong maging kaibigan." Napipikong sagot ko.

Kung dati okay lang sa akin na kontrolin nya ang buhay ko, sya ang pipili ng taong dapat kung kasama at kaibigan, yong gusto nya para sa akin. Iniisip ko nalang dati na siguro mas nakakabuti sa akin yun.
Pero hindi naman, dahil laging para sa sasabihin ng iba dahil pastor sya, dapat pati ako magandang imahe para sa kanya.
Ang hirap maging perfect daughter, yong laging masunurin sa magulang. Nagkaroon ako ng kaibigan na makadiyos kaso ayaw nya dahil ibang religion raw. Hinayaan ko nalang at inunawa ulit.
Pero pagod na ako maging sunud-sunuran nalang. Gusto ko rin minsang sundin ang talagang gusto ko, sa sobrang higpit ng magulang hindi na nakakagalaw ng may kalayaan ang anak nila.



"Bakit ang bilis mong magtiwala? Hindi ka naman dating ganyan, simula ng mapalapit ka sa kanya, nagbago kana. Masyado kang nagrerebelde. Sasabihin ko sa Mama mo na kausapin ka." Dismayadong pahayag nya na may kasamang iling.



"Hindi ako nagbago, Pa. Masama bang ako naman ang pumili ng taong nakakasama ko na alam kong masaya ako?" Mahinang tugon ko na para bang humihingi rin ng pang-unawa.


"Lagi naming sinasabi sa'yo ng Mama mo na hindi lahat ng masayang kasama ay magandang kasama."

"Pero hindi rin lahat ng magandang kasama ay masayang kasama. Ikaw na rin ang nagsabing malaki na ako, Pa. Pwede bang magdesisyon ako para sa sarili ko?" Sandaling tinitigan ako nito at tumalikod na.









Hindi ko iniwasan o nilayuan si Joy gaya ng gusto ni Papa. Mas napalapit pa nga ako eh. Lagi kaming magkasama, kumain sa labas, tumambay kahit saan. Tila kulang ang araw ko na hindi sya kausap, kachat o nakikita.

Maging si Mama pinagsabihan ako na unawain si Papa. Concern lang sila sa akin at ayaw akong mapahamak. Ganoon lang raw talaga pag magulang.













Pagkasend ko sa messages ko sa kanya. Nagpaalam na rin ako sa dalawang kaibigan nya. Naiintindihan ko namang galit sya. Ngunit di ko parin maiwasang masaktan. Halos buong linggo rin kaming hindi nagkita. Excited pa man din akong makasama sya, pero pinauwi pa ako.
Aminado naman akong makulit ako, pero sa kanya lang naman.

Kinabigla ko rin talaga ang mga sinabi nya tungkol sa pamilya nya. Ganoon nalang ba ang galit nya at kahit kamatayan ng mga ito ay wala syang pakialam?

"Punta ka sa boarding, Ate. Bday ni Ate Fel." Message ni Niña.

Three days na ang nakalipas. Hindi na rin naman sya nagreply sa huling message ko sa kanya, nakaramdam rin ako ng hiyang magmessage ulit. Ayokong masabihang makulit.


Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon