JOY
Kahit gabi na nagtext ako kay Bea. Gusto kong makausap at makita na sya. Hindi naman ako nabigo at pumayag ito.
Nauna na ako sa plaza, dito ko napiling makipagkita sa kanya. Ilang minuto rin ang inabot bago sya nakarating. Pagkalapit nya sa akin agad ko syang niyakap. Para kasing ang tagal nung huling beses ko syang nakita. Mahigpit na niyakap rin ako nito.
"Kamusta ka naman?" Tanong ko nung kumalas na kami sa yapos ng bawat isa.
"Ayos lang." May lungkot sa boses na sabi nito. "Ikaw?"
"Ayos na ako kasi nandito ka." Totoo.
Ilang araw rin akong lutang at hindi ko alam kong okay ako mentally at emotionally eh. Ngayong nakita ko sya, nagkaroon ng kapayapaan ang utak at puso ko.
Possible pala talaga yon.Ilang minuto rin na walang umimik sa amin.
"May sasabihin ako sa'yo."
"Ano yon?" Tanong naman ni Bea.
Seryosong nagkatitigan kami. Hinihintay nya ang sasabihin ko, ilang araw ko rin yung inisip ng inisip. Wala akong pinagsabihan.
"Joy, ano ba yun?" Matamang pinagmasdan nya ako na nakakunot na ang noo. "May problema ka ba? Sabihin mo lang, makikinig naman ako." Puno ng pag-aalala ang mukha nya, hindi ko tuloy mapigilang mapaluha sa mga sinabi nya.
Kahit na nasaktan ko sya nung huling pag-uusap namin, nandito parin sya. Nakipagkita sa tulad ko. Ano nga lang ba ako? Hindi ako yong tipong kaibig-ibig, pero sa pinapakita nya sa akin, laging nandoon ang pagmamahal, pang-unawa at respeto.
Hindi ako deserving sa ganoon. Hindi ganoon ang nakagisnan kong mundo, hindi ganoon ang mga taong nasa paligid ko. Hindi ko na yon inaasahan, pero tama nga talaga, na may mga bagay na dadating sa panahong hindi mo inaasam.Nagpakawala ako ng malalim na buntung-hininga.
At dahan-dahang kong kinuha sa sling bag na dala ang isang bagay at inabot sa kanya."Buntis ka?" Bakas ang pagkagulat sa mukha nya ng makita ang dalawang redline sa pt na hawak at napalitan ulit ng pag-aalala ng lumingon sa akin.
"Oo, bago pa tayo pumunta sa private resort nagpt na ako, tatlo nga ang binili ko nun, at lahat ang result positive." Mapait na ngumiti sa kanya.
At inabot ko ulit ang isa pang pregnant test.
"Shit!" Nanginig pa ang kamay. "Pinalaglag mo?" May kalituan sa ekspresyon ng mukha nya, this time tumango ako.
"Pero bakit?" May galit sa boses nya ng itanong sa akin yon.
"Dahil yon ang kailangan."
"Yon ba talaga, Joy?" Napapailing pa ito.
"Hindi mo naiintindihan eh."
"Siguro nga tama ka, hindi ko naiintindihan ang sitwasyon mo, kasi diba, lagi naman akong walang naiintindihan pagdating sayo." May mapait sa boses na pahayag nya.
"Ayokong magaya ang buhay ng anak ko, sa buhay na meron ako, ayokong magaya kay Nanay." Galit na paliwanag ko.
"Sorry sa sasabihin ko, pero hindi ka katulad ng Nanay mo, dahil sobra ka pa sa Nanay mo, yong Nanay mo hindi ka nya pinalaglag noon. Makasarili ka." Para akong sinampal sa sinabi nya.
Bakit sobrang sakit masampal ng katotohanan? Mali bang maging makasarili? Mali bang pangunahan ang bagay na hindi pa nangyayari?
Natakot na ako kaya bakit ko pa hahayaang ipagpatuloy, kung pwede kong wakasan mismo?
Hindi pa nangyayari, hinatulan ko na.
Sa takot kong maging gaya ng Nanay ko, naging sobra pa nga siguro ako.
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
Truyện NgắnMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...