BEA
Wala na akong reaksyon ng hawakan nya ang kamay ko at nagmamadaling naglakad. Nagpatianod nalang ako.
"Anong oras ka pumunta dito?" Tanong nya pagkadating namin sa kwarto nya. Yon ba ang dahilan at itatanong nya sa akin kaya dinala nya ako dito?
"Gusto mo pa ba silang makasama kesa sa akin?" May lungkot sa boses nya ng sabihin iyon. At hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi maapektuhan.
Wala syang ideyang gusto ko syang makasama, at makausap na kagaya nito. Na kaming dalawa lang."Nung nakaraan lang sabi mo ayaw mo ng makulit." Hindi ko kasi makalimutan yon, kaya nga kahit gusto kong tawagan o ichat sya napapangunahan ako ng hiya.
"Namiss kita." Nang sabihin nya yon, parang hinaplos ng kung ano ang puso ko. Ramdam ko kasing nagsasabi talaga sya ng totoo. Ganoon naman minsan, diba? Nararamdaman mong tunay yong sinasabi ng isang tao sa'yo, hindi sa paraan ng pagkakasabi nya kundi sa paraang may parte sa atin mismo ang nakakaramdam nun.
"Kung totoong namiss mo ako, bakit hindi ka nagchat, nagtext o tumawag man lang?" Tanong ko parin. Minsan rin hindi sapat ang salita, gusto ko ng paliwanag o katunayan.
Kasi kahit alam mong miss ka ng isang tao, bakit wala syang pagkukusang kausapin ka, diba?"Hindi ka rin naman nagchat, text at tumawag ah." Sagot nito na may kasamang tawa. So, ako nalang ba lagi ang unang magpaparamdam?
Hindi ako kumibo sa sinabi nya, nanatili akong seryoso. Sa akin kasi may oras para sa biruan at may panahon sa seryosong bagay.
"Sorry na, hindi ka talaga mabiro. Galit ka pa ba sa akin?" Nilapitan ako nito at hinawakan ulit ang kamay ko."Hindi naman ako galit." Mahinang tugon ko. Totoo naman yon. Sabay tingin sa mukha nya at kamay namin.
"Namiss talaga kita. Ikaw ba namiss mo ako?" Di ko mapigilang kiligin pero syempre di ko pinahalata yon, gaya ng madalas nyang gawin pag magkalapit lang kami ay pinisil nito ang pisngi ko.
Ewan ko, basta nakatitig lang kami sa isa't-isa. Kung gaano kaamo ang mukha nya, at di ko sinasadyang mapatitig sa labi nya. Mabilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko na dahan-dahang lumalapit ang katawan namin at mukha. Para naman itong natauhan kaya nagulat ako ng hilain nya ulit ako papunta sa kama. Para akong tanga talaga. Kasi ang iniisip ko ay hahalikan nya ako. Dapat nga mattuwa ako dahil hindi iyon nangyari, kaso pagkadismaya ang naramdaman ko.
Bakit naman ako madidisappoint? Hays.Kahit nakahiga na kami iyon parin ang nasa isip ko, pinili kong tumalikod sa kanya. Gusto kong mag-isip, makapag-isip. Madaming tanong sa isip ko lahat iyon sinagot ko mismo. Mahirap makipagtalo sa sarili.
Hinawakan ako ni Joy sa balikat pilit na pinapaharap sa kanya. Kaya di ko naman maiwasang tumingin sa kanya pero naagaw ng pansin ko ang kiss mark na nasa bandang leeg nya. Halatang bago lang iyon, hindi ko napigilang huminga ng malalim. Ang katotohanan na laging sumasampal sa akin. Hindi lang ako nasasaktan para sa kanya, nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan. Selos? Bakit?Niyakap ko nalang sya at least sa ganitong paraan alam kong nasa akin ang atensyon nya.
"Sana nga ganoon, pero hindi naman." Nagtatakang napalingon ako kay Joy. Nanonood kasi kami ng movie na Wonder 2017 sa cellphone ko.
"Ano? Anong sinasabi mo?"
"Sabi kasi, when given the choice between being right or being kind. Choose kind. Madalas naman mas napapairal ng tao ang kung ano ang tama at kung ano yung tingin nilang tama." Pagpapaliwanag nya. "Siguro kung kabaitan o kabutihan lang, hindi ako naging ganito ngayon." Honestly, nawalan ako ng imik. Ang ganda ng movie na ito.
BINABASA MO ANG
Wag Na Ang Katulad Ko GirlxGirl [COMPLETED]
NouvellesMagulo ang mundong meron tayo, maraming uri ng mga tao ang makakasalamuha mo, at maaaring mamahalin mo. Paano kung ang taong nakakuha ng atensyon mo ay di pangkaraniwang ang hanapbuhay? Sa ganda nya, katawan ang silbing puhunan nya sa araw-araw, ma...