A/N: Yow! Sensya na sa last update kung mukhang minadali... I'll try to update nicer this time..^^
And thank you sa lahat ng readers ko..Labyow!!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's POV
Sa sobrang gulat sa nakita, halos di agad nakagalaw si Jiyong sa kinatatayuan...samantalang tili naman ng tili si Chaerin. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Jiyong ng makitang papalayo na ang daloy ng wooden crib.
"Yung bata!" aniya sabay langoy sa kinalulutangan ng baby.
"Gosh! What kind of place is this ba? Nature na nagp-produce ng baby? What the heck??!!" maarteng sigaw ni Chaerin.
"Eh kung tulungan mo kaya ako?!" reak nya sa girlfriend.
"Ay oo nga.." parang napapahiya namang sagot nito.
Maya-maya pa...
"Oh, she's a girl? Ang cute naman nya! Ang amu-amo...parang angel!" aliw na aliw na sabi ni Chaerin habang kalung-kalong ang baby na sa tantya nila ay nasa 7 months old pa lang.
"Bakit? Gusto mo din nyan?" inosenteng tanong ni Jiyong na akala mo ay nagtatanong lang kung gusto nya bang magpabili ng lobo sa mamang naglalako. (-_-!)
Namula naman si Chaerin, "Who said I want one??! I just said she's cute!"
"Eh bakit galit ka?" takang tanong nito dito.
"Eh....Kasi.. Ah basta! Change topic na nga.. Ahm, kanino kayang baby to? Baka mamaya tinakas lang pala tong sanggol na to kasi may gustong pumatay sa parents nya..... O kaya naman, biktima sya ng nakaw-baby gang! O di kaya---"
"Ang morbid mo namang mag-isip! Alam mo sa tingin ko, giniginaw na yung bata..at giniginaw na din ako, kaya pasok na tayo sa loob." yaya ni Jiyong sa kanya.
Samantala, sa di kalayuan...
"Don Bryan, eh, sigurado ho ba kayong hindi maaano ang akin pamangkin? Ay baka ho--"
"Wag kang mag-alala!" ani ng matandang tinawag na Don Bryan. "Kilala ko ang aking apo...pag ganoong may problema sa kanyang kubo...uuwi at uuwi yun. Maghintay lang tayo ng kaunting panahon. Ang mabuti pa, doon muna tayo sa mansyon magpalipas ng oras. Pasasaan ba at babalik din ang aking apo dala-dala ang pamangkin mo..".
"Ay sana nga ho..."
Back to kubo...
Jiyong's POV
"Uy, Baby ko, tignan mo oh.. May kasamang lampin at isang bote ng gatas yung baby.." napatingin ako kay Chaerin na busy sa paghehele sa bata.
"Really? Wow! Prepare sa paglalayas si baby?!"anito at sinabayan pa ng hagikgik.
Natigilan naman ako..
Dug! Dug!..
Dug! Dug!...
Y-Yung-- p-puso ko.. Ang lakas ng kabog....
Pinagmasdan ko sya habang tuwang-tuwa sa paglalaro sa kamay nung bata... Bakit... bakit parang...ang ganda-ganda nya ngayon sa paningin ko? Di naman sa napapangitan ako sa kanya dati pero...bakit parang gustong-gusto ko yung nakikita ko ngayon?
"Oy! Namatanda ka na dyan!" untag nya sakin.
"Huh? ah... hindi.. iniisip ko lang kung an-anong i-i--ipapangalan natin sa kanya... I mean, we don't know her name...kaya ano..ahm..." potek, nags-stammer tuloy ako! >.<
"Oo nga no?" she said while tilting her head, kaya patagilid tuloy sya ng tumingin sa akin.
Namula tuloy ako. >.< "Ano? May naiisip ka na?" tanong ko to lighten the mood. Ang awkward kasing bigla..
"Ahm... baby Janine kaya??" suhestyon nito.
"Wow! Ms. Universe lang ang peg?" pang-aasar ko sa kanya.
"Nope... It's a mixture of Jiyong and Chaerin.... Janine.." anito sabay ngiti...
Nak ng!!! Lalo na tuloy akong namula....... at nainitan?? Tsk!
"Ah..hehehe... Oo nga no? Ang ganda! Sige yun nalang."
"So kelan natin sya isasauli?" nice question Chaerin!
"Ha? Eh kasi... Ano eh... Limang kilometro yung layo ng kabisera dito...kaya...malamang..." hala pano ba to? 3 kms ang layo ng kubo ko sa mansyon namin...pero may shortcut naman kung dadaaan ka ng sapa. kaya lang, mabubuko ako ni lolo na umuwi ako.... at malalaman ni Chaerin ang totoo kong pagkatao... Paano kaya to??
"You mean, hindi natin sya masasauli ngayon?" parang biglang nagpanic na tanong ni Chaerin. "Hindi aabot ang yung gaats sa feeding bottle nya. Paano ngayon yan kung magutom yung baby?"
Oo nga no?? Patay!!!!!!
"Ah... Eh di no choice... You do it.." napapabuntung-hininga kong sabi..
" Do what??" naiintrigang tanong nito.
"You feed the baby..."
"ANO???!!!"
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanfictionIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...