Jiyong's POV
Hala! Grabe naman pala tong si Taray. Agad-agad?? Gusto kami agad? Di tuloy ako makapagsalita ai...
"Oh ano na? Agree ka ba sa plano ko? Payag ka ng magpanggap na boyfriend ko??" impatient nitong tanong na akala mo ay humihingi lang ng tubig sa waiter. Nak nang!! Gusto nya kong maging nobyo?? Tapos ganun lang ang reaksyon nya???!!
"Ah--Ano kasi..." Takte, nahihirapan tuloy akong huminga.
"Ano? Dont tell me ayaw mo? Okay lang sakin, at least I don't need to include you in my group..." parang inaantok nitong sagot.
"Ah hindi naman sa ayaw ko.. kaso.. ano kasi eh...Ah... Ligawan mo muna kaya ako??? Grabe ka! Alam mo bang ito ang unang beses na magkakaroon ako ng nobya tapos ganun lang yon?? Ni wala man lang munang palipad-hangin? O kaya love letter?? O kaya simpleng gusto kita? Gusto mo maging tayo agad?? Pwede pala yun??" medyo nagfre-freak out na litanya ko...
"What?? Are you insane?? You want me to court you?? Hahaha!!! Kaya nga kunwari lang eh.. Ano bang akala mo?? Tototohanin natin?? Pwede ba?? You got some nerve huh!?" she said as if she wants to puke.
"Kahit na!! Ganun pa din yon! Gusto mo kong ariin.. Hala!" worried talaga ako.. Masisisi nyo ba ko kung di ko pa talaga na-experience to?
"Eh kung ganyan lang naman pala eh di wag nalang! Dyan ka na nga!! Ang arte-arte mo!!" sigaw nito na tumalikod na..
"Uy! Teka sandali!! Sige na nga!" Hinabol ko si Taray.."O sige, ganito na lang... Magsabi ka muna ng I Love you tapos sasagutin na kita. Para okay ng maging tayo.." bigla nya kong binatukan.. "Aray!! Bakit?"
"Alam mo? Kung di lang ako medyo na-a-amuse sayo, pinagtripan na din kita dyan eh.. Pero sana ,wag mo namang sagadin yung kabaitan ko sayo!! Hmpp!! Pero fine! I LOVE YOU PROMDI!! Okay ka na?? Tayo na ba??? GRRR.. Dyan ka na nga!!" tuluyan na tong tumalikod at iniwan akong nakatulala pa rin matapos ang sinabi nya.
Sinabihan nya ba ko ng I LOVE YOU?? Totoo ba yun?? Kami na ba talaga??!! Hala!!
"Uy sandali!! Ibig sabihin tayo na??" sigaw ko sa kanya..
Lumingon sya sakin saka ngumisi... "Bakit? Ayaw mo talaga?" Nilayasan na nya ko ng tuluyan.
AGUY!
__________________________________________________________________________
Chaerin's POV
"WHAT?? That new guy is your boyfriend na?? How?? Isn't he a promdi?? Gosh!! Chaerin, how could you..???" maarteng tanong sakin ni Dara.. Remember her? Yep.. One of my member in our club, yung nagpapanggap na geek??!
"Look who's talking?? Di ba si Taeyang din naman?? Mas okay pa nga yung fashion sense ni Jiyong kesa dyan sa boyfriend mo no!?" sagot ko dito.
"At least my Taeyang is smart!! At saka wag mong baguhin ang usapan! Bakit mo pinatulan yun?? Akala ko ba kaaway mo yun?? Baka mamaya, social climber yung isang yun ah. Naku, Chae baka bigla ka na lang ipakidnap!!" OA nitong sabi..
"I didn't say that Your Taeyang isn't smart, nerd nga sya di ba?? Kaya ganun din si Jiyong, Promdi nga eh, anong inaasahan mong itsura ng isang probinsyanong kakaluwas lang ng sibilisasyon??" pagtatanggol ko sa boyfriend ko..
"Sibilisasyon?? EEWWW!! Nahahawa ka na!! Wait till Bom hear about this!!! Lalo na yung kuya mo--"...Napatigil ito..."Teka nga, don't tell me gusto mo lang na namang asarin yung kuya mo??" natitilihan nitong dugtong.
Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.. "You got it!!"
Para naman itong nabunutan ng tinik.. "So, ibig sabihin, hindi talaga kayo??"
Tumango ako..
"Hay grabe!! Salamat naman!!" OA na naman nitong reak na may papunas-punas pa ng noo na wala namang pawis..
"Alam ko Dara, mas dapat ka ngang mag-alala sa sarili mo eh, OA ka ng masyado!! lakas ng impluwensya ng Taeyang mo huh.." sarcastic kong asar sa kanya..
"Huy! At least knowing mo talaga si Taeyang ko no!! Tsaka good influence naman yun!" Ng biglang tumunog ang phone nito..."Ay si Taeyang ko!!" super excited nitong sinagot ang phone.."Hello?? U-uh..Okay!.. Yes Baby! See you there... Bye!! I Love you!!" bigla itong tumayo.. "Friend, gotta go... Hinahanap na ko ng baby ko.."
Medyo naalibadbaran ako sa ka-kornihan ng kaibigan ko..Tumango na lang ako.. "Go! Baka mainip yun, palitan ka pa." Asar ko ulit sa kanya.
Medyo worried itong tumingin sakin.."Tingin mo?? Oo nga no! Hala! Dyan ka na nga..." Patakbo pa itong umalis.
Hala! At nag-alala pa sya huh.. Pero teka, iwanan ba ko para sa boyfriend nya..Naku!! Di bale may boyfriend din naman ako no!! Matawagan din nga... Wait lang, wala nga pala akong number ng mokong na yun.. Teka nga, may cellphone kaya yun?? Ay naku!! Naka---
Biglang tumunog cellphone ko..
"Huh? Unregistered number??" Sinagot ko ang tawag..
"Hello??"
"Ahm hello, ito ba yung number ng girlfriend ko??" swabeng sagot ng isang lalaki..
Ano daw??? "Hello?? Sino ka ba? At paano mo nakuha yung number ko??" mataray kong tanong.
"Confirmed! Kaw nga Girlfriend ko! Hi Taray!!" parang masayang sagot nito...
"Ji-Jiyong????"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chow!! kakantok.. hhehee..
Pavote and comment po...
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanfictionIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...