Chaerin's POV
Monday na naman. Siguro kung adik lang akong mag-aral tulad ng dati, never kong ituturing na parang kaaway ang Lunes, kaso sa estado ng pagiging ako ngayon, ang pagpasok sa school ay isa nang malaking pagsubok.
Naalala ko bigla yung probinsya nila Jiyong, kaya di ko maiwasang mapangiti. Kelan kaya ulit ako makakabalik dun?? Unang beses kong naranasan ang mamuhay ng ala-probinsya at aaminin kong nagustuhan ko yun. Napangiti tuloy ako ng maalala din yung deal namin. 'Hay orange. Kelan ka ba tutubo at ng may rason na ko para manirahan doon? Dahil kung pride ko lang ang hinihintay mong lunukin ko, mas posible pang tumubo ka sa Pinas kesa mangyari yun...'
'Maka-Pride ako eh no? Ni wala nga'kong kiber magmukhang ignorant savage... hihihi..'
Pero yaan nyo na'ko. Willing naman akong magmukhang tanga sa lahat ng bagay eh, wag lang sa pag-ibig. Pag dating kasi sa bagay na yun, feeling ko baka di ko na kayanin. Masakit ang bumagsak. Lalo na kung wala naman sya'ng planong saluhin ako pagkatapos kong tumalon.
Kakaisip ko sa bagay na yun, natapilok ako ng sumabit yung takong ko sa slit ng tiles. Gusto kong tumili pero di ko na nagawa dahil nagslow-mo na ang lahat...
Tumilapon yung kipkip kong book...
Nasira yung hairstyle ko dahil natanggal ang ipit ko ng tamaan ng lumilipad kong cellphone...
At yung mukha ko... malapit nang tumama sa sahig...
Isa...
Dalawa... Napapikit na ako sa nerbiyos.
.
.
.
.
.
"Gotcha!!!"
Jiyong's POV
Kanina ko pa sinusundan si Taray. Nakakatawa kasi mukha syang ewan habang ngumunguso na para bang nagsasalita ng mag-isa. Di ako nagpapakita kasi nag-iisip ako ng paraan para gulatin sya. Kaso ako yung nagulat nang bigla nalang syang tumumba...
Kaya ayun, hinabol ko na bago ko pa sya pulutin sa sahig.
"Gotcha!!!" Todo hingal kong sabi. Whew! Muntikan na yun ah. Nahawakan ko yung bewang nya saka ko hinatak payakap sakin. 'Ang bango!'
She started shaking in my arms. "Ji...Jiyong?"
"Hmmmnnn???" I ask, still sniffing her scent. 'Grabe, bakit ba ang bango ng babaeng to? Parang amoy candy na amoy flower na amoy baby na... Ah basta!'
"Thank you... for catching me..." she said while still on my embrace.
"Anytime..." at lumawak ang ngiti ko.
Para namang bigla syang natauhan dahil mabilis pa sa alas-kwatrong inayos nya ang tayo at mahinang tinulak ako palayo. "Tsansing ka na ah..." nakayuko nitong sabi.
Napahagikgik ako. Pano, mukha na syang kamatis sa pula ng silipin ko yung mukha nya. "Ang cute naman ng baby ko... tsaka ang bango." I can't help but tease her. Minsan ko lang kasi syang makitang ganyan...kaya susulitin ko na, aba!
Lalo naman syang namula, pati tenga at leeg nya, nahawa na. "Inamoy mo pa ko. Sira ulo ka talaga... p...pero... mabango ba talaga ako?" Parang batang tanong nito.
Tumango naman ako. "Oo nga... amoy baby."
Bigla nitong ngumiti, "Amoy fresh, ganun?"
Ngumisi ako, "Hindi...amoy kang lungad..." At napatawa na'ko ng malakas dahil nalukot na yung mukha nya.
"Kainis to!" Asik nya sakin sabay hampas sa braso ko. Tumalikod na sya, pinulot ang mga gamit nyang tumilapon at inayos ang nagulong buhok. Alam kong iiwanan na nya ako kaya mabilis kong hinarangan yung daanan nya.
"To naman, hindi na mabiro..." sabi ko sabay yakap sa kanya. Bigla naman itong nanigas sa ginawa ko. "Ang cute mo kamo..." bulong ko sa kanya.
Oo. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong paki... dahil sa mga panahong 'to, hindi na mahalaga sa'kin kung anong balita ang makarating kay lolo. Wala na rin akong pakialam kung ipagigiba nya yung kubo ko. Masaya naman na ako sa pwesto ko ngayon eh...
...masaya na'ko na kasama ko sya.
Akala ko itutulak nya ako palayo ng hawakan nya yung dibdib ko. Pero nagulat ako sa ginawa nya...
She pulled my neck and kiss me on the lips, right there in the middle of chaotic crowd...
...one
...two
...three
Grabe! First time ko atang narinig na tumili yung puso ko...
When she pulled back her lips, she gave me the most charming smile I've ever received in my entire life. "Natulala ka na dyan, eh ikaw nga'tong nagsimula. Wag kang ma-i-in love sa'kin huh. Ayokong masaktan ka..." at tinalikuran na nya ako.
Nanaginip lang ba'ko oh talagang totoo yung mga narinig ko???
Bacon's POV
Kainis naman oh! Paano ko mambababae nito kung pagbabantayin lang nila ako ng library? Mukha ba'kong SA??? Eh puro mga Nerd yung nakatambay dito eh! Mahihirapan akong dumiskarte dahil bukod sa matatalino na sila, saksakan pa ng mga chaka. I mean, makapal pa kaya sa Webster's yung salamin nila sa mata! Asan na ba kasi yung pipi na yun? Dapat sya yung nandito eh. Grrrr...
Maya-maya may lumapit sa table ko para manghiram ng libro.'Uh-oh... here comes the bitchy nerd na malaki ang pagkakautang sa isa sa pinakamatalik kong kaibigan...'
"What do you need?" Maarte kong tanong, pero sa loob-loob ko, pinag-aaralan ko kung paano ko maigaganti yung kaibigan ko.
"Ah... eh... yung book sana ng Financial Management, pwede ba syang ilabas?"
"Hindi..." mahadera kong sagot.
Napatanga ito. "B..bakit naman?"
"Kasi sinabi ko..."
"That's unfair! Alam kong--"
"Fair? Anong alam mo sa word na yun? Tell me nga, never ka bang naging... UNFAIR?"
Namutla naman ito sa sinabi ko. "Oh, seems like I hit a spot huh... " nginisihan ko sya. Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumapik sa likod ko...
"Hay salamat Pipz...Andito kana! Nakaka-sira ng beauty ang view ditey..."
Pipz... short for Pipi.
Nagsign language ito na humihingi ng sorry. Nag overtime daw ang professor nito dahil sa quiz nila. Naku! If I know...
"Dyan ka na nga! Hoy Ailee! Wag mong papahiramin ng libro yan ah! Mapepektusan ka sa'kin!" Sabi ko kay Pipz sabay irap kay Bitchy Nerd.
'YG BEBOTS... here I come...'
-------------------------------------------------------------
A/N: Sorry for the delay.
![](https://img.wattpad.com/cover/1320011-288-k151198.jpg)
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanfictionIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...