Chaerin's POV
Naalimpungatan ako ng bigla nalang umiyak ulit yung bata sa tabi ko. 'Darn! What am I gonna do with you? Urgh! Better call the-- wait? Where's that guy?'
"J-Jiyong??" I gently called out.
But nobody answers me.
"Jiyong??!" Ulit ko na sinabayan naman ng ngawa ng baby. 'Naku naman!'
I struggle to stand up and bring the baby with me. "Tara Baby Janine, hanapin natin si Daddy Jiyong mo..." sabi ko sa baby habang inaayos yung t-shirt na suot ko. Natatawa na lang ako dahil for the first time in forever, nagmukha akong losyang. 'Pero syempre, walang forever... kaya babalik din agad ang ganda ko! Hihihi...'
Kaso pag karating ko sa sala, muntikan ko nang malaglag ang bata ng makita ko ang gulat na gulat na mukha ng isang matanda...
"May bisita ka?" Tanong agad nito sa nakayukong si Jiyong.
"Po..ah...ano po kasi..." kinakabahang sagot ni Jiyong. 'Sino kaya yun? Baka mayor dito? Pero bakit naman sya dadalawin sa bahay? Importante lang?'
"Good day po. Ako po si Lee Chaerin. Kaibigan po ako ni Jiyong..." simula ko.
"Ah iha, ako naman ang..." sasagot sana yung matanda kaso biglang sumabad si Jiyong.
"Don Bryan! Salamat ho sa pagdalaw! Katulad ho ng hinahanap nyo, nandito ho samin inanod yung bata..." sabi ni Jiyong sabay sakmal nya sa baby na hawak-hawak ko. Imagination ko lang ba o talagang kulang na lang ay ibato nya sa matanda si Baby Janine?
"Anong itinawag mo sakin?" Natitilihang tanong ng matanda kat Jiyong.
Napakamot naman sa ulo yung 'boyfriend' ko...
"Eh kasi po... ano... eh..." Bakit ba parang hirap na hirap itong makipag-usap?
"Kayo po ba yung may-ari sa lugar na'to? Ang ganda-ganda po!" Sabad ko dahilan para makahinga ng maluwag si Jiyong.
Ngumiti ng malapad ang matanda. "Oo ako nga iha. Ako nga pala si Don Bryan. Mas maganda doon sa aking lugar. Iho, bakit hindi ka naman nagpasabing andito ka? Ipasyal mo ang bisita natin sa hacienda..." anang butihinh Don.
"Ah sige po..." mabilis kong sagot na ikinasimangot ni Jiyong.
"At ikaw Iho... Inaasahan kita huh. Marami tayong pag-uusapan..." makahulugang sabi nito sa tahimik na binata.
"Si..sige po Lo...ahh... Don Bryan..."
'Napano ba sya?'
"Oh sya... mauna na kami nitong bata..." paalam ng matanda at doon ko lang napansin na may kasama pala itong may edad na ding babae. Dali-dali nitong binitbit ang baby mula sa Don at umalis na.
Jiyong gives me a dramatic sigh.
"Ah Jiyong? Kaano-ano mo yun?" Di mapigilang tanong ko na dahilan kung bakit nasamid ito.
"Ha???"
-----------------------------------------------------------
Dara's POV
Hindi talaga ako mapakali. Bakit ganun? Simula nang makita ko yung Solar na yun, hindi ko mapigilang isipin na kahawig nya si Taeyang ko? Magkakilala kaya sila? Magkamag-anak???
Stupid me... Eh halos mata lang naman ang nakita ko eh. Nakatakip nga ng scarf yung mukha di ba? Gustung-gusto kong sundan yung lalaki pero...
...wala naman akong valid reason para gawin yun.
"Dara... ang tanga mo talaga..." bulong ko sa sarili.
Nang biglang nagring yung phone ko.
"Hello?" Matabang kong bati, ni hindi ko na nga sinilip kung sino yung caller.
"Fu*k off..." anang boses na super husky ang dating. Medyo pabulong ang pagkakasabi nito pero punung-puno ng diin.
"Who are you??!" Tapang-tapangan kong tanong.
"Go home. You'll be dead if you don't..." at bigla nitong in-end ang call.
Kinilabutan akong bigla sa narinig. Nanginginig ang kamay na nagdial ako at tinawagan si Hyoyeon. Ring lang ng ring pero walang sumasagot.
Maya-maya pa'y tumunog ulit ang phone ko, at base sa number, eto din yung tumawag kanina.
Ayoko sanang sagutin pero parang may sariling buhay ang kamay ko...
"Hello?"
"I've warned you..."
Nang bigla na lang may humatak sa braso ko sabay tulak nito sa'kin sa dingding. Madilim ang paligid pero alam na alam ko kung sino 'tong taong to...
"Solar?"
-------------------------------------------------------------
A/N: Surprise!!! Hahahaha... Grabe. Sabi ko dati, hindi ko papaabutin ng graduation to pero...
...nagttrabaho na'ko ngayon! Wahahahaha...Nganga ba? Two years mahigit din akong nawalan ng time for this... ☺
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanficIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...