A/N: Omo, sorry kung sobrang tagal ng UD.. Sensya na kasi wala time mag-net..hahaha..
Nga pala, thank you sa mga readers, fans, commentators at voters ko... Keep voting po and commentating. I made the storyline's matrix ng book na to at baka umabot sya ng 55 chaps... Kaya I need to update as frequently as possible kasi away ko ng umabot pa to sa graduation ko...hahaha..^^
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
11:30 am, Sa plane
Jiyong's POV
Pagkatapos tumawa ng wagas, back to tahimik mode 'tong si Baby ko.. Hmmnn... bakit kaya? Kala ko pa naman excited syang gumala samin. Nu kayang problema nito?? Mga ilang minuto na lang, magla-land na kami. Sana, maging okay na sya. Lumingon ako sa kanya at napansin kong parang ang lalim ng iniisip nya. Hay Baby ko!!? Ano bang iniisip mo???
Chaerin's POV
Ay naku! Ambobo ko talaga!? Kasi naman eh, kung makahinala ako, wagas!! paano na ngayon yan?? Gusto nyong malaman ine-emote ko? Haist! ang lola nyo, wala lang naman dalang damit... Opo! As in wala!! Yung laman ng backpack ko??? Puros rubber shoes ang laman nun!? Bakit? Kasi nga akala ko, kamag-anak ni Jiyong si Ampa*toot* *toot* di ba? Eh di ayun, ang plano ko sana, eh takasan sya pagdating namin sa Davao...kaya imbis na damit eh puro sapatos ang naisip kong bitbitin...Kala ko naman kasi masasabak ako sa takbuhan pag tinakasan ko sya eh...(-_-). Ano na lang idadahilan ko sa kanya pag nagkataon??? Susme talaga!
Nagsalita na yung stewardess informing us na magla-land na yung plane namin.. Hala na!! Isip-isip na ng matinong palusot.. Aha! Alam ko na... Eh kung naiwanan ko daw kunwari yung bag ko dito? hahahaha... talino ko talaga!
Maya-maya pa...
"Ahm... Miss, You forgot to take this with you!" anang isang airport staff sabay abot sakin ng bag ko.
(-_-!)
Anak ng ewan naman! Kala ko pa naman, smooth sailing na yung plano ko... Nilingon ko yung staff na kinakausap ni Jiyong at san ka! Todo pasalamat pa yung loko... Kung alam nya lang... Tsk!
Pagkalabas ng airport, lalo ng gumuho yung plano ko. Ay naku! Eh kung---
May humablot bigla ng bag ko... Ambilis ng mga pangyayari eh, in a minute, nakita ko na lang na kumakaripas ng takbo yung isang mama na may hawak ng bag ko habang si Jiyong naman ay mabilis pa sa alas-kwatrong sumusunod dito. Kaso parang kabayo sa bilis yung snatcher kaya lulugo-lugo na lang si Jiyong na bumalik sa pwesto namin kanina.
"Baby... Sorry, hindi ko na inabutan eh.. I'm sorry talaga kung di ko nabawi yung bag mo... A-ano bang laman nun? Papalitan ko na lang!" hindi magkandatutong paliwanag sakin ni Jiyong habang nakatulala pa din ako...
Yung bag ko....
NINAKAW!!
"Uy! Sorry na talaga!" untag ni Jiyong sakin.
Yung bag ko...ninakaw!!!
YES!!!
At parang replay lang kanina, tumawa na naman ako na parang wala ng bukas. Hahaha..... Imagine, anlaki ng problema ko tapos sa loob lang ng ilang minuto, nasolve na agad!? What a fine life!!! Hahaha... Tinignan ko si Jiyong at lalo akong natawa sa itsura nya... Daig pa nya kasi yung nahold-up.. As if naman, sya yung nanakawan!!
Jiyong's POV
Natatakot na talga ako sa kanya... may lahi ba tong girlfriend ko na taliwas ang utak!? Grabe, kanina...ang lungkot-lungkot nya tapos ngayon, tawa na ulit sya ng tawa??? Ganito ba ang epekto ng nanakawan??? Hala!!!
Maya-maya pa ay kumapit sya sa braso ko... "Baby... Shopping muna tayo ah.." paglalambing nito. Naku! Kaya hindi ko maituloy ang pag-iisip ng masama dito... Ang cute kasing masyado!
"Okay!" ang nasabi ko nalang.
After 48 years...
Still Jiyong's POV
Grabe naman palang mag-shopping ang mga babae! Antagal!! Tapos ang nabili nya lang, Undies!! (0_0) Oh! Hindi po ako pervert! Hindi ko talaga tinignan yung mga binili nya! Hindi ko nga nakitang red yung kulay ng--- Ah.. Ang ibig kong sabihin... Ah basta!!
Dahil antagal nyang mamili at nagugutom na ko... Please! Sasakay pa kami ng speedboat. Sinabihan ko syang wag ng bumili ng mga damit at manghiram na lang sakin. Tutal, ilang araw lang naman eh.. Akala ko nga tatanggi sya kaso sa gulat ko... Umoo!
A/N: At dahil tinatamad na ko.. Kunwari nasa Maguindanao na sila! hahaha..
Author's POV
"Andito na tayo!! Welcome sa palasyo ko!! Hahaha!!!" Tuwang-tuwa na sabi ni Jiyong with matching arms spread wide open pa.
"Wow!!"gandang-ganda naman na reak ni Chaerin.
Ang kubo ni Jiyong ay mixed ng makaluma at modernong disenyo. halata din na alagang-alaga ito dahil masyadong malinis. Sa tabi ng kubo ay may maliit na sapa na sobrang linaw ng tubig! Di tuloy maiwasan ni Chaerin na lumapit at magbasa ng paa. "Hay! Ang sarap!!!"
Lumapit din si Jiyong at nagkaroon ng water battle ang dalawa... kaso... maya-maya lang ay may napansin si Chaerin na ikinakunot ng noo nya.
"Ji? Ano yung umaanod na yun??" turo nito sa basket na tinatangay ng agos ng tubig.
"Huh? Ang alin??" lingon naman nito dito.
"Ayun Oh!"
"Ay parang...parang Noah's Ark!!" napatayo ito sa gulat.
"Muret.. baka ang ibig mong sabihin ay si Moises! Mukhang basket ng baby eh!" pagtatama nya dito..
"Ah! oo nga no!?" sang-ayon naman nito...
Ng bigla silang natigilan...
BABY?!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanficIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...