Orange Angel

157 5 0
                                    

Author's POV

Dara freezes on her spot when the unknown guy hovers on her petite figure, completely trapping her against the wall. "L..Let me go..." nanginginig na pakiusap nya.

Sa halip na sumagot, mapaklang tumawa ang lalaking nasa harap nya. Maya-maya pa'y hinawakan nito ng mariin ang baba n'ya na naging dahilan para magkatitigan sila ng maigi sa mata. "W..who are you..."

"Slut..." mahina, ngunit mariing akusa nito. Bigla na lang din nitong hinablot ang suot n'yang kwintas at pinagmasdan. "An angel? The pendant doesn't suit you though..."

Before she could even think straight, lumipad na ang palad nya sa ere at dumapo sa pisngi nito. Mabilis naman nitong nahawakan ang mukha bago pa malaglag ang scarf na nagtatago sa mysterious identity nito. Dara was beyond enraged this time, not because he calls her names... but because of touching her most precious gift...

Yung necklace n'ya...

...regalo ni Taeyang.

"Don't you dare touch what's mine..." asik nya sabay hablot pabalik ng kwintas. Sasampalin n'ya sana ulit ang pakialamerong lalaki ng bigla na lang nitong tinakpan ang mata gamit ang palad nito at halikan s'ya ng walang kalaban-laban.

"Umpp!!" She tried to seek help but to no avail. Solar made sure to trap her with his firmed arms that her continuous attempts to escape becomes futile. Her tears started falling, as her mind thinks of her boyfriend.

Solar stops when his palm becomes wet with her tears. Daig pa nito ang binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nanginginig na si Dara sa takot sa kanya.

"Useless." He remarks before letting her go. Niyakap nalang ni Dara ang sarili nya.

"Go away..." she said in between tears.

"We're not done yet..." banta nito sabay iwan sa kanya.

Wala pang limang minutong nakakaalis ito ng tumunog ulit ang cellphone nya.

Her heart aches when she sees the caller's name...

Taeyang...

Pa'no ba nya sasagutin ang tawag kung kahahalik lang ng ibang lalaki sa kanya? Ang dumi. Feeling ni Dara, niloloko nya ang boyfriend nya. Gusto nyanh humingi ng tulong at magsumbong pero wala eh. Dahil hindi naman alam ni Taeyang na gumi-gimmick sya.

Tinanggalan na nya ng battery ang phone, sabay titig sa kwintas. 'Hindi ito ang panahon para malaman nya ang lahat...'





Chaerin's POV

Ginala ko ang paningin. Ang ganda pala talaga dito kila Jiyong! Pinatuloy kami nung Don na may-ari ng buong hacienda doon mismo sa mansyon nya. Nakakapagtaka nga eh. Sabi kasi ni Jiyong, ganun daw talaga ang Don sa mga bisita nila. Pero bakit parang ako lang naman ang bisitang nandito? 'Ano yun? Once in a blue moon lang sila magkabisita kaya bongga ang salubong?'

Napadako ang tingin ko sa malawak na lupain. 'Grabe! Ang yaman pala talaga nila. Kung sino man ang magmamana nito, daig pa ang tumama ng twenty times sa super lotto. Binata pa kaya yun? Hihihi...'

"Hoy! Para kang sira. Bakit ka nangingiti ng mag-isa dyan?" Untag sakin ni Jiyong.

"Wala lang. Naisip ko lang kasi, ang swerte pala nung may-ari ng lugar na'to. It looks like a paradise to me. Masarap sigurong mamuhay dito no?"

Napangiti ito ng malapad. "Oo naman! Sariwa lagi ang hangin dito tsaka di ka mamromroblema sa kakainin mo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya. Inabutan nya ako ng Orange. "Ano to? Inani dito?" Natatawang tanong ko.

Umiling sya. "Sira! Hindi no. Binigay yan ni Lo...ah... ni Don Bryan. Baka daw di ka mahilig sa makopa, atis at bayabas."

"Ay sayang! Akala ko dito rin yan galing. Gusto ko na sanang tumira dito kung nagkataon."

"Talaga? Gusto mong tumira dito??" Namimilog ang mga matang tanong nito.

"Kung tumutubo ang orange dito. Kaso hindi eh..."

"Sige. Pag may tumubong orange dito, lilipat ka na huh!" Parang batang tanong nito, sabay tapon sa kaluluwá lang na buto doon sa matatabang lupa.

"Sure!" Mayabang kong sang-ayon. 'Duh? Asa pa naman sya no! Pag pumuti na ang uwak, dun lang magkakatanim ng Orange dito sa Pinas.'

"Deal!" Palakpak nito. "Walang bawian ah!"

'We will see...' "Oo naman..."

"Nga pala, dito na tayo magpapalipas ng gabi. Nakahanda na yung tutulugan mo..."

Nagtaka na'ko. "Huh? Bakit naman? Sino ba ako para makituloy dito? Eh bisita mo lang naman ako? Tsaka ano bang paki nila sa bisita mo? Para kang may-ari ah..." kunot-noo kong tanong na dahilan para masamid ito sa nginangatang orange.

"Huh??? Ah eh... ano kasi... ahh... hardinero ako dito... Oo tama! Tapos, si Don Bryan, mabait sakin kasi... ano... ka..kaibigan ko yung apo nya. Oo yun! Kaibigan ko yung apo nya... kababata ko..." di magkandatutong sagot nito.

"Apo? Girl or Boy?"

"Lalaki..." nakayukong sagot nito.

"Ahhh..." 'Nice! Pwede pala talaga akong magpapansin sa tagapagmana nito. Gwapo kaya yun?' "Is he cute?" Di ko na mapigilang itanong.

"Sino?" Nagsalubong ang kilay nito.

"Yung friend mo..."

To my surprise, ngumiti ito ng ubod ng tamis. "Hindi lang cute. Gwapong-gwapo..."

'Good to know!' Pero bakit ang ganda ng ngiti nya? "Eh bat ang saya mo? As if naman sarili mo ang sinabihan mo ng gwapo."

"Ganun talaga. Love your own ika nga..." and he grins at me before dragging me inside.

'Gonna find out what will happen next...'

The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon