Chapter 2: MR. AND MS. PRETENDER

784 22 5
                                    


Jiyong's POV


Ang malas ko naman, kaklase ko pa pala 'tong si Ms. Taray/ Ms. Mapanlait. Kawawa naman ako..

"You two, are you gonna stand there the whole time or are you going to take your seat?", Ms. Veloria asked.

Inirapan ako ni Taray bago ako tinalikuran at pumwesto na sa dulo. Nung naghahanap na ako ng bakanteng upuan, parang walang may gustong magbigay ng pwesto saken. Halos naikot ko na ang buong klase pero kung di parang mga pinakong bag eh mga pinakong paa ang nakaupo sa mga vacant seat. Nakakabwisit talaga! Maya-maya, parang naawa na saken yung isa naming classmate na mukhang tipaklong dahil tinanggal nya yung bag nya dun sa upuang katabi ng sa kanya. Hay sa wakas! Pagkaupong-pagkaupo ko, magtha-thank you sana ako a kanya kaso...

KRRRRIIIIIINNNGGG!

Anak ng mukhang tipaklong?! Grrr!!! Tinignan ko yung katabi ko na ngumingisi pa sakin. Feeling gwapo, tsk! Nakakita na ba kayo ng ngumingising tipaklong???

Naglabasan na halos lahat ng kaklase ko. *sigh* Kakakita ko palang sa first class ko, hahanapin ko na naman yung susunod. Teka!? Si Ms. Taray baka classmate ko ulit. Pwede ko kaya syang tanungin? Kaso, nahihiya ako. Baka sungitan ulit ako. Naku! Lalabas na sya ng room! Susundan ko kaya? Hmmnnn...


'Aha! Ah alam ko na!'


"Ehem! Ah, san kaya yung room 208? Yung klase ni Mrs. Clarissa Naguit?" I asked particularly to no one. Gusto ko kasi makita yung reaksyon nya.

She looks at me then smirk. Para bang nakarinig sya ng good news mula sa radyong walang alam ibalita kundi krimen. She motioned her finger for me to come over. Kahit medyo kinakabahan ako, lumapit ako sa kanya.

"You're looking for Mrs. Naguit's class?"

"O-oo. A-alam mo ba?? Bobo kasi ako sa direksyon eh. Baka malate na naman ako." Medyo nauutal kong sabi.

"Yup! I know, sumunod ka sakin, klase ko din yun!" she grins at me.

"Talaga??!" tuwang-tuwa kong tanong. Siguro, mabait naman talaga syang tao, baka badtrip lang talaga sya nung una kaming magkita.

Nauna na syang naglakad habang sumusunod naman ako sa kanya. Pagdating namin dun, hindi ko inaasahan yung susunod nyang gagawin. Nasa room na kasi yung mga classmates at teacher namin... Bigla syang sumigaw at inaway-away yung professor na naging dahilan para papuntahin sya sa detention room. Bago sya tuluyang umalis, kumaway pa sya saken sabay sabi ng "Goodluck!" Grabe, ang weird nya!

Pumasok na ako at naghanap ng pwesto. Thankfully this time dahil may naupuan nako sa likod. Nagstart na yung klase namin kaso hindi ako makapag focus dahil sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Naglalaro ng 'magic' yung dalawa dahil yung mukhang si Bugs Bunny ay nagpapanggap na salamangkero habang tuwang-tuwa at manghang-mangha naman yung isa na kamukha ni Squidwart. The eff? Totoo kayang hindi nya alam na nasa kili-kili lang ni Bugs Bunny yung papel o nagpapanggap lang sya??? Kalokohan! Hinding-hindi ako magpapauto kagaya nya!!

"Mr. Borboran! Answer MC 1-05, on the board!" biglang sigaw nung teacer namin. Napansin siguro yung pagda-daldalan nung dalawa. Maya-maya tumayo si Bugs at nagtungo sa pisara. Haist! Makakapagfocus na rin ako sa wakas!

Ng biglang lumingon sakin si Squidwart, sabay tanong ng pabulong "Gusto mong makakita ng magic?"

Ehh???

"Pustahan tayo, lalayo ka sakin..." sabi nya.

HUH! Anong akala nya sakin? Uto-uto tulad nya?? Pwes! Hindi nya ako...

The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon