Jiyong's POV
Pinagtataguan nya ba ko? Bakit parang di ko sya napagkikikita? Simula ng sabihin kong gusto kong sumali sa club nila, parang nagdisappear na si Taray... Napano kaya yun? Sadyang tinatamad lang ba talaga syang pumasok o ayaw lang talaga nya kong makita?? HUH! Akala nya susuko ako sa pangungulit sa kanya ah, makikita nya ang bagsik ng pangungulit ng isang probinsyanong tulad ko..
KKKRRRRIIINNNGGG!!!!!!!
Hay salamat tumunog din ang dapat patunugin.. Pwede ko ng hanapin si---
"ARAY!!"
Napatingin ako sa babaeng nabunggo ko. "Sorry po, nagmamadali lang ako.." Teka, bakit parang kilala ko tong babaeng to? Nagkita na ba kami dati??
"Lagi naman eh.." mahinang angal nito. Teka, parang kamukha ni Taray to ah... kaso iba yung kulay ng buhok.. Si Taray kasi, brown yung hair pero ito, blonde eh... tapos nakashades pa.. kaya lang kamukha talaga nya ehhh....
"Taray??" paniniyak ko.
"DUH! Stop calling me with that name nga! It's so freakin' annoying!!" Biglang bulyaw nito..
AHA! Si Taray nga!! Ng walang kaabog-abog, napayakap ako sa kanya, Ewan ko ba.. Masaya lang talga siguro ako kasi nakita ulit yung nagiisa kong 'KAIBIGAN' dito sa school na to..
"AISH!! Stop hugging me nga! Ang OA mo!" anitong parang gustong matawa sa ginawa ko.
"Eh kasi akala ko umalis ka na kasi gusto kong sumali sa club nyo eh.."
"EH? Ano ko, bata? Ang childish masyado ng rason para iwanan ko buhay ko dito ah.. May inasikaso lang ako kaya ako nawala.."
"Ganon Ba? Eh ano pala yung estado ko dun sa sinabi ko sayo?" Napangiti ako. Galing kong sumegway no!?
"Alin? Yung sasali ka sa grupo namin??" tumaas yung kilay nito.
"Oo.. Papayagan mo na ba ko?"
"Bakit naman kita papayagan? Pretender ka din ba??"
"Oo naman!" sabi ko na ang nasa isip ay ang pagpapanggap kong mahirap lang at wala talagang alam sa kabihasnan.
"Talaga??!!" anito na parang sobrang nagulat.." Nagpapanggap kang ano?? MABAIT?? Pero rapist ka talaga???" parang kinilabutan ito sa naisip at bahagya pang lumayo sa akin..
"Hindi no!" medyo defensive kong sagot.
"Eh ano??" Impatient nitong tanong, na may kasabay pang padyak ng paa.
"Ah ano.." napaisip tuloy ako.. Teka, di ba hindi ko nga pwedeng sabihin yung tunay kong estado sa buhay? Kasi nga baka ipagiba ni lolo yung kubo ko? Kaya nga ko humihingi ng tulong sa kanya kasi nga para maiwasan ko yung pagkakabulgar ng sikreto ko? Eh pano na ngayon to?
"Ano?? You're killing me with suspense!"
"Ah nagpapanggap akong Manila Boy!!" Anak ng! Ang bobo ko talagang magdahilan!
"Stop feeding me with that crap okay? Ano nga yung other side mo?" medsyo inis nitong sabi.
"Yun nga yun! Kasi pag hindi ako nagsasalita, akala ng ibang tao Manilenyo ako.. kasi nga gwapo ko di ba??" Yabang ko no! Hahahaha.. pero ang tanga ko talaga.. Sigurado namang di sya maniniwala sa rason ko eh.. Kahit yata Grade 1, makikitang nag-iimbento lang ako...
"Ah.. Okay gets kita.." biglang sagot nito.. SERIOUSLY?? Naniwala sya sa palusot ko?? Nagsisimula na tuloy akong magduda tungkol sa pagpapanggap nyang bobo daw sya...
"Talaga?? Eh di papayag ka na??" Nag-isip ito.
"Okay papayag ako kung mako-conform mo ang mga requirements namin..." she started to smirk..
"Huh? O sige.. Payag ako!"
"Okay! Requirement#1 : You must possess a SPECIAL MASK- meaning you have the ability to make others believe your act... Requirement #2 : You must wear that MASK within scool premises, all the time!- ibig sabihin, you have to embody your pretense personality as if that is the real you.. Requirement #3 : You must have the ability to identify your kind- thus, you have to find out the other members of the club on your own effort.. and last requirement, THOU shall not LIE.. Medyo nakakalito yung last requirement kasi we are talking about the limits.. Yun ang kailangan mong i-master.. Yung limitation mo kung kelan ka nagpapanggap lang o kung nagsisinungaling ka na.." mahabang paliwanag nito..
"Huh? Eh di ba ang pagapapanggap ay isang pagsisinungaling?" medyo lito talaga ako dun.
"Not all instances. It depends on the acts, intentions and motives of the person. Liars tend to make someone act with their false beliefs while pretenders tend to make someone believes their false act.. See the difference? Our club's intention is not to harm other people but just to make them believe our facades... Kung magiging Liars kami, then we tend to defraud others para may makuha kami sa kanila." Huwow! Super smart nga ata tong si Taray!
"Ahhh.. Okay... Medyo kuha ko na... Pero teka, Anong panukat nyo kung nagpapanggap pa rin o nagsisinungaling na yung isang miyembro??"
"They tell it themselves.. Back to Requirement #3, You should identify your kind.. At pag nagsimula na silang umamin na isa silang sinungaling, maniniwala ka ba?? A liar who admits that he is lying... will that make sense??"
"Grabe ang analogy mo.. Pero pasok na ba ko??" Segway mode ulit... Hehehehe..
"Eh hindi naman kasi valid yung reason mo eh!"
"Hah? Bakit?? Anong gagawin ko??" Naman oh! Akala ko talaga lusot na ako kanina... Gusto ko talagang sumali sa grupo nila eh...
Nag-isip ulit ito.. Maya-maya ay ngumiti... "ALAM KO NA!!" anito..
"Ano??!" super excited kong tanong.
"Magpanggap kang boyfriend ko..."
1 segundo...
2...
3...
"Magpanggap kang boyfriend ko..."
"Magpanggap kang boyfriend ko..."
ANO DAW??????????!!!!!!!!! 0_0
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
Fiksi PenggemarIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...