Jiyong's POV
Pag nga naman marunong t-um-iming ang malas... Kung kelan masakit yung ulo ko, dun naman natapat yung long quiz! Tsk!! Bakit?? Nagtataka kayo kung bakit nanakit yung ulo ko gayong wala na dapat akong problema? Simple! Nakipag-inuman ako kagabi kasama ang 'new found friends kong sina Squid--errr si Jayvee...at Bugs----ayyy si Arvin pala.. Hulaan nyo kung anong dinali namin... isa...isa lang naman... isang pirasong Tanduay Ice! Potek... antindi pala ng tama nun. Di ko uulitin...
Napatingin ako sa test paper ko... ala akong maintindihan! Gusto ko mang mangopya kaso kanino??? Aish!!!! Si Jayvee kaya?? Napalingon ako sa kanya at medyo naguluhan ako ng makita kong parang pa-easy-easy lang sya.. Hala!! Ang galing naman nya, pano kaya nangyari yun eh pare-pareho lang kaming hilo kagabi?? Kainis naman.
Binalik ko na ang tingin sa papel ko ng biglang may tumama sa ulo ko... Ampotek!! may nagbato ng papel sakin!! Sino kayang herodes ang--- Aish! Humanda yun sakin!!!
Pinulot ko ang nilamukos na papel at humanda ng ibato ito pabalik ng mapansin kong....
1. a..
2. c..
3. a....
Huh?? Teka sagot ba to??? Anak ng-- Tignan mo nga naman oh.. Grasya pala!! Nilingon ko ulit si Jayvee at nakita kong nakangiti sya sakin.. Aha!! sa kanya pala galing!! Maaasahan talaga sya!! The best!!
Teka, tama naman kaya ito???
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author’s POV( Sa wakas nagkaPOV din ako)
Sa hallway 2
Di alam ni Chaerin kung maiinis s’ya o matatawa sa ‘boyfriend’ n’ya. Nalaman n’ya kasi kay Jayvee ang dahilan kung bakit bigla nalang itong nagtampo. Ang malas pa, nasaktong may long quiz sila at sigurado sya na wala itong maisasagot ‘Tsk! Mokong talaga yun! Sa dami ng tao ditto, kay Jayvee pa n’ya piniling magkwento. Eh numero unong tsismoso ng YGU yun eh.’
Ayon kay Jayvee, nakipag-inuman daw sa kanila ni Arvin si Jiyong, ranting about how hurt he was with what she said about their status. Kaya pala iniiwasan sya nito these past few days.
Para namang pinagbabadya ng tadhana, Chaerin sees Jiyong approaching her way while reading the book he’s holding. He seems to be engross with it dahil di s’ya nito napansing nakaharang sya sa daraanan nito.
“Hi Jiyong!” she smiles sweetly.
“A-ah.. Hi Chaerin…” parang nakakita ng multo nitong sagot.
“Wow! You called me by name! Anong nakain mo??” she asks, trying to flirt with him.
Umiwas ito ng tingin. “Ah—wala! Sige, mauna na’ko…” sinubukan nitong tumakas sa presensya nya.
“Ooops!!Not too fast, Boyfie!!” she grabs his arm back. “Why are you ignoring me??” tanong nya dito habang dahan-dahang lumalapit ditto. Kaso, sa bawat hakbang nya palapit ay sya rin namang hakbang nito paatras…..
……….until his back reaches the wall. Chaerin smiles seductively at him while he gulps with his current situation. She leans her arms on the wall trapping him just to make sure na hindi ito makakatakas. ‘Ayaw mo akong kausapin ah..’
“Pa-paraanin mo na ko…” naasiwang pakiusap nito.
“Talk to me first.” maarteng sagot nya.
“A-ano ka ba, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, dapat tayong magkasama ‘di ba?? At-at saka, umurong ka nga… may klase pa’ ko.” Paiwas na sagot nito.
“As if.. You’re my boyfriend----“
“Hindi mo ako boyfriend! Nagpapanggap lang tayo! Magkaiba yun!!” putol nito sa sasabihin n’ya. Sinubukan s’ya nitong itulak pero di sya natinag. Instead, lalo pa nyang inilapit ang mukha ditto.
“Of course you are my boyfriend! At vacant time natin ngayon… kaya wala kang klase.”
Namula ito. “O-Oy!! Basta! Umusog ka sabi eh! Nakkahiya..” in-attempt ulit sya nitong itulak.
“Nope! Hindi ako uurong hangga’t hindi ka ngumingiti…. Pati bati na tayo dapat pagkatapos.” She smiles again.
Lalo naman itong namula. "At bakit naman ako ngingiti? Umusog ka sabi! Nakakahiya!!" he pouted at her.
Imbes na sumunod, she places her thigh on her waist, closing the proximity between them. ‘Tignan ko lang kung di ka pa sumunod sakin!’
Para ng kamatis sa pula ang mukha nito. “Uy! Ano ba, nakakahiya sabi eh!” parang naeeskandalong sabi nito. Nagsimula na kasing magsidatingan ang mga tao sa hallway na yu n.
“So what? I’m gonna tell them that my boyfriend is pissed at me that’s why I’m making it up for him, trying to make him smile again!”
“Ayoko nga sabing ngumiti eh!” iling pa rin nito. "Tsaka ‘di ba, hindi naman talaga tayo.” Mahina ngunit madiin nitong dugtong.
“Boyfriend kita! Officially or not, you have the rights to be one… that’s why you are my boyfriend!” she insisted.
Parang dun lang nito na-gets ang sinabi nya. "T-talaga?” parang batang tanong nito…
“Yup! That’s why you better smile now…”
But he keeps on frowning.
“Yah! Gusto mo lang ata itong position natin eh!” she said indicating their stand. Nakalingkis pa rin kasi ang hita nya sa bewang nito.
Bigla na naman itong namula ng marealize ang sitwasyon nila. He pushes her lightly and this time, she decided to be budge. "Hindi no!!”
“So, smile ka na!”
Ngumiti naman ito… na parang aso.
“Not that one! Nu ka ba?? Gusto mo atang---" umakto syang itataas na naman ang hita.
Ngumiti ulit ito, medyo mukhang okay na but she deems for more.
“Ba’t mo to ginagawa?” he suddenly asks.
“She grabs his arm and smiles. “Syempre, boyfriend nga kita di ba?”
He smiles back, a genuine smile that is, and he childishly grumbles, “Smile Jiyong!”
Natawa din si Chaerin… "Yeah… Just smile. Nga pala, musta exam??”
Ngumiti ito ng malapad.."Okay naman... Buti na lang pinakopya ko ni Jayvee kahit sobrang lamukos na yung---"
"Wait... what? Si Jayvee ang nagpakopya sayo? At nalamukos na yung papel na natanggap mo??" she asks, frowning.
"Oo, bakit??" nagtatakang tanong nito..
"Eh sakin galing yun eh.. at di yun lukot ng pinabigay ko sayo..Grrrrr... Humanda sakin yung mokong na yun..."
Natigilan na lang si Jiyong...Maya-maya ay ngumiti ulit... 'Kitams? Nag-aalala sakin si Tar--si Chaerin ko pala!'
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry sa super late update.. vote and comment po.. salamat po pala sa lahat ng nag-vote at nagcomment.. Alabyu guys!!!
BINABASA MO ANG
The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)
FanficIpagpaumanhin ninyo pero, nanghihinawa na kasi ako sa storyang... Nerd and bida at ang kontra ay MALDITA... Pangit ang bida at ang kontra ay MALDITA... Mahirap ang inaapi at ang pesteng mapang-api ay MALDITA... Ang maarteng third party sa perfect lo...