Loser

182 5 1
                                    


Jiyong's POV


Hinalikan n'ya ko...

Hinalikan n'ya talaga ako...

She kissed me...

That Taray Girl kissed me in the middle of...

"Oo na! Hinalikan ka na! Paulit-ulit ang hitad!" Biglang may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko, I saw a guy who looks like a girl trying to be pretty.

"Sino ka?" Maang kong tanong.

Maarte itong tumawa. "Poor Promdi, walang idea about sa icons. It's Bacon for you Dear..."

Bacon? As in yung pagkain? "Kung sino ka man, wala kang mapapala sa'kin..."

Maarte itong tumawa. "Alam ko, duh?! Wala nga akez mapapala sa-U, pero...ikaw....malaki ang mapapala mo sa beauty kez!" anito at pumalakpak pa.

'Luh? Para s'yang tanga!' Pinigilan ko ang sarili kong mapairap kahit gusting-gusto ko na.  "Sorry Hotdog, pero busy ako. Iba na'lang pagdiskitahan mo kasi baka magselos yung girlfriend ko pag nakita n'yang may kausap akong iba..." Tumalikod na ko, dismissing him completely, dahil naalala ko na naman si Taray...at yung panghahalik n'ya sakin...

"Pffttt!!! Bwahahahaha... Feel na feel n'ya oh!" hagikgik ulit nung Juding. "Tsaka FYI, it's Bacon...not Hotdog!"

"May tililing ka ba?" tanong ko habang iniikot-ikot ang daliri sa ulo.

"Ako...wala. Pero ikaw...malapit nang magkaroon!"

Napabuntong-hininga nalang ako. "Ano ba kasing kailangan mo? Katawan ko? Oh no. Alam kong ang gwapo-gwapo ko pero pasensya na, di kasi ako pumapatol sa Juding."

Akala ko maiintindihan na n'ya yung gusto kong sabhin pero parang lalo s'yang naguluhan dahil humagalpak na ito sa kakatawa. Pinagtitinginan na  kami ng mga estudyanteng dumadaan pero tila wala naman itong pakialam. Nagbubulungan na din yung ibang mga grupo ng tsismoso't tsismosa pero tuloy lang ito sa kakatawa.

"Goodnesss!!! I like you na talaga!" tili pa nito. "Now I know why Chaerin chose you!"

Chaerin? Kilala nya si Taray? "Hoy, ba't mo kilala girlfriend ko?"

Pinunasan nito ang imaginary tears sa mata bago ngumisi sa'kin. "Girlfriend mo nga ba?"

Napatigil ako. 'Bakit parang...' "Anong alam mo?"

Maarte itong umakbay sa'kin. "Well...sabihin na lang nating... I know everything about you...and Chaerin's little secret."

Pumiksi ako sa pagkaka-akbay n'ya. "Wala akong alam sa pinagsasasabi mo!"

Ngumisi ulit ito. "Sabi mo eh. But anyway, reminder lang for your sake... don't believe everything you'll see. Baka lumagapak ka na nga sa lupa, sumadsad ka pa sa impyerno." umiling-iling pa ito bago tumalikod.

Natulala na lang ako sa mga huling salitang binitiwan n'ya. Parang bigla na lang kasi syang nag-iba pagkatapos nya akong pagtawanan kanina...


"Bakla ba talaga yun?"









Chaerin's POV


'Tanga mo Chaerin! Ang tanga-tanga mo' usal ko habang pinupukpok ang sarili sa noo.

'Bakit mo sya hinalikan???'

'Infairness, ang bango ng hininga ng hinayupak na yun ah...'

'Pero ang tanga mo talaga! Paano mo sya ngayon haharapin?'


Andito ako ngayon sa loob ng DJ's Booth. Kanina ko pa hinihintay and Msyterious DJ ng buong campus pero hanggang ngayon hindi pa rin sya dumarating. That only means kanina pa din ako nagmumukmok at hilong-hilo dahil sa kalokohang ginawa ko.

"Bakit mo nga kasi hinalikan si Jiyong???" asar na tanong ko ulit sa sarili ko habang sinasabunutan ang sariling buhok.


"Hindi sasagot yan..." anang boses na kumuha ng attention ko.

"There you are! Ba't ba ang tagal mo?" reklamo ko sa bagong dating.

"Ang daming tao sa library eh..." sagot ni Ailee. Oo, s'ya nga yung Pipi na kausap ni Baekhyun kanina...at oo, sya din ay isa sa amin. She's pretending to be mute when in fact, may golden voice s'ya na kayang manghakot ng attention ng maraming tao. That's the reason why she becomes the Mysterious DJ of this elite campus. "Rinig ko, may hinalikan ka daw, huh?!" she teases me.


"The eff? Bilis ng chismis huh?" reklamo ko ulit.

"Malamang, alam mo naming sa library hilig magchismisan ng mga estudyanteng tinatamad mag-aral. So ano? I mean, sino nga ulit yung hinalikan mo? In fairness, level ka dun ah! First time mong ginawa yun eh!" anito at humagikgik pa. "He must be special!"

"DJ LoveLee, magtrabaho ka na nga!" Irap ko sa kanya. "Naghuhurumentado na yung mga listeners mo! Kanina pa beep ng beep yang designated phone dito."

"Sus! Umiiwas ka lang eh..." tudyo nya pa rin.

"Galing mo din eh no? Pagkatapos mong manahimik buong maghapon, uubusin mo yang boses mo para lang bwisitin ako?"

"Worth it naman. Nanlalaki na yang butas ng ilong mo eh! Hahaha!"

"Whatever, una na nga ako sa'yo!"

"Okay, paki-Hi na lang ako kay Jiyong huh!" sabi nito na nakapagpatigil sa'kin.

"Paano mo nakilala si..."

"Sino? Si Jiyong?" tumawa ulit ito. "Yun ata yung nakabangga sa'kin kanina. Wala din sa sarili eh, paulit-ulit ding bumubulong tungkol sa kiss." May binato sya sakin. "Oh, pakisoli nalang sa Kissing friend mo, nakalimutan nyang nahulog yung ID nya kakaisip sayo..."

"Shut up Ailee!" asar-talo kong banat bago kinuha yung binato nya.


'Shet, kay Jiyong nga to...' I sigh in his clumsiness. I was about to go home when I realize that I have a new problem...


'Paano ko ito isosoli sa kanya? Aish!'




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Bukod sa sobrang late, sorry po sa walang kwentang update. ^^



 










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BadAss girl meets the Promdi boy(SkyDragon Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon