ISAM.9

335 14 1
                                    

“Nagsasawa na ako sayo, Thalia! Lagi ko na lang ginagawan ng paraan lahat ng gusot na pinapasok mo! Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? Ha? Bahala ka na sa buhay mong bata ka, tutal hindi mo naman iniintindi yung mga sinasabi ko sayo!” galit na galit sa akin si Mommy, as usual tungkol sa kadate ko kagabi at sa hindi ko pag-uwi sa bahay.

“Mom, at the first place hindi mo naman kailangang gawin to kung hinayaan mo lang akong gawin kung ano yung gusto ko. Anong gusto kong mangyari sa buhay ko? Yung maging simple, malayo sa camera, sa spotlight, sa kasikatan, malayo sa lahat ng to, Mom, hindi naman ito yung gusto kong buhay eh, ikaw lang yung may gusto nito. And really, Mom? Hahayaan mo na ako sa buhay ko? Kasi ngayon din iiwan ko tong showbiz. And I wanna tell you this, all my life inintindi kita, sinunod ko yung gusto mo na mag-artista ako kahit na ayoko talaga. Please, this time ako naman po sana yung inintindihin mo…”

“So sinusuway mo na ako because of that guy?! How dare you!” at bigla na lang lumapat yung palad niya sa pisngi ko.

Nagulat ako. Hindi ko akalain na aabot sa point na sasaktan ako ni Mommy. Hinawakan ko yung pisngi ko na sinampal niya. “Sorry po…” sabi ko habang tumutulo yung luha ko. Mali rin naman ako, napasobra yung pagsagot ko kay Mommy. Naglakad ako papasok ng kwarto ko nang umiiyak. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Darren.

(Anong nangyari? Nakapag-usap na ba kayo ng Mommy mo? Anong sabi niya?)

“Galit na galit siya.”

(Sorry…)

“Wala kang kasalanan, Darren…”

(Sorry pa rin…)

“Can you come here?”

(Sa inyo? Magagalit yung Mommy mo kapag nakita ako, pero sige I’ll try to talk to her para magkaayos na kayo.)

"Bilisan mo please."

(Okay I'm on my way.)

Bumaba ako ng kwarto ko, good thing wala nang tao sa living room kaya lumabas ako ng bahay, hihintayin ko si Darren. Maya-maya dumating na siya, niyakap ko agad siya nung makita ko siya. "Darren, ayoko na dito sa bahay. Sasama na ako sayo, please."

"What?! Ano bang sinasabi mo?"

"Ayaw ko na dito. Ayaw ko na ng ganito."

"No."

"Please? You love me, right?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Thalia, listen to me. You're not a kid anymore na kapag pinagalitan ka eh magtatantrums ka at maglalayas sa inyo. At lalong madadagdagan ng dahilan yung mommy mo para magalit sayo dahil sa gusto mong gawin."

"Sorry." I realized na naging immature ako.

"It's okay. Kung gusto mo sasamahan na lang kita, pero wag na wag kang maglalayas sa inyo."

"Sige. Sa loob tayo, tulog naman na si mommy, hindi tayo makikita nun." Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Naupo si Darren sa kama ko, ako naman nakatayo lang sa harapan niya.

"Come here. Sit beside me."

Umupo naman ako sa tabi niya.

"Everything will be alright, okay? Dadating yung time na maiintindihan ka rin ng mommy mo, just wait, okay?" Tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Matulog ka na. Tingnan mo yang mata mo oh, nanlalalim na."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon