CIM.7

893 34 1
                                    

Hindi ko alam kung baliw na si Axon or kasama lang sa kaweirdohan niya yung sinabi niya sakin, pero feeling ko ako yung mas weird kasi hindi maalis sa isip ko yung sinabi niya. Hindi ko alam pero may kakaibang effect yun sakin.

Engineering week na so walang klase buong linggo, maliban na lang kung may mga kj na prof at magkklase pa rin. Open din yung college namin para sa mga taga ibang college at university.

TO: Axon

Free ka ba ngayon?

Wala akong magawa, wala rin akong kasama kasi kasama si Nestea sa mga organizer ng event na to.

FROM: Axon

Last subject na namin, y?

TO: Axon

Punta kang school. Wala akong kasama. Engg week namin.

Axon calling...

Hala tumawag pa. Akala ko ba may klase pa to.

"Hello?"

(I'm on my way.)

"Akala ko ba may klase ka pa?"

(Oo nga. Umalis lang ako agad.)

"Gago to o. Saan ka na?"

(Legarda na ako. See you. Bye.) then naputol na yung tawag.

Siguro mga 10 minutes lang at nakita ko na yung kotse na nagpapark sa tapat ng building namin.

"Ang bilis mo naman." sabi ko habang naglalakad siya papunta sakin.

"Sabi mo kasi diba wala kang kasama kaya pumunta ako agad."

"E akala ko ba may klase ka pa?"

"Oo nga. Umalis lang ako agad."

"Gago talaga to."

"Minura pa ako. Ano nang gagawin natin ngayon?"

"Wala ka bang schedule ng check up? Wala ka bang gagawin ngayon? Sasama na lang ako sayo." sabi ko. Kaysa naman ugatin ako kakaupo dito sa school.

Tumayo si Axon at hinila ako papunta sa isang vacant room. Binuksan niya yung ilaw, pumasok kami at sinara niya yung pinto.

Hala anong gagawin namin dito? Bakit kailangang isara yung pinto? Umupo siya dun sa isa sa mga upuan.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Wag naman sanang mangyari yung iniisip ko.

"Matutulog ako. Bantayan mo ako." sabi niya at tsaka yumuko dun sa may arm rest.

Nakahinga ako ng maluwag at nawala yung madumi kong iniisip. "Nagpuyat ka na naman ba kagabi? Sabi ko naman kasi sayo wag kang masyadong nagpupuyat masa---" and I was... I was shocked.

He shut me with a kiss.

It was my first kiss Ghad! Kahit smack lang yun pakiramdam ko huminto ng matagal yung oras, parang nakakarinig ako ng fireworks at malalakas na heartbeat. Pakiramdam ko nanlambot din yung tuhod ko, tapos parang biglang umikot yung tiyan ko. In short, ang weird. Nahahawa na yata ako sa kaweirduhan ni Axon sht.

"Natulala ka na dyan. Gusto mo ulitin ko?"

"Tangina mo bastos ka!" sinundan ko ng malakas na hampas sa balikat niya.

"Aray! Kapag ako nagkapasa lagot ka sakin" sabay hawak dun sa parte na pinalo ko.

Naalala kong masama nga pala sa kanya yun, kaya tiningnan ko agad yung part na hinampas ko. "Sorry. Sorry. Nakalimutan ko. Masakit ba? Sorry talaga. Ikaw kasi e!"

"Ang ingay mo kasi. Hindi naman ako nagpuyat e, napagod lang ako kanina. Pag ito talaga nagkapasa." seryoso lang yung mukha niya. Wala man lang reaksyon.

"Sorry na nga e."

Hindi niya ako pinansin at bumalik na siya sa pagyuko sa may arm rest. Nagalit yata.

"Hoy galit ka ba? Ito naman sorry na." sinilip ko yung mukha niya mula sa ilalim ng arm rest pero wala akong makita. Hindi rin niya ako pinansin. "Nagsorry na nga yung tao nagtatampo ka pa dyan. Ang arte mo naman." Wala man lang akong reaksyong nakuha. "Huy." kinalabit ko yung braso niya. "Sorry na. Wag ka na magalit a di bagay sayo." wala pa rin.

Nilapit ko yung upuan ko sa upuan niya. "Inaantok na rin ako. Pasandal a matutulog din ako." kahit hindi siya sumagot sinandal ko pa rin yung ulo ko sa may balikat niya.

Axon's POV

Hindi talaga ako tulog, pinapakinggan ko lang siya. Ang cute kasi niya magsorry at maglambing, bihira lang yan, madalas kasi seryoso yan.

Natutuwa ako kay Xenon, tapos ang kulit pa, yung pangalan namin parehas galing sa science, ako sa biology, siya naman sa chemistry.

Pero lagi akong may isang napapansin kapag kasama ko siya. I found the right word nung napakinggan ko yung Magic habang iniisip ko siya isang gabi.

Call it magic

Call it true

Call it magic

When I'm with you

And I just got broken

Broken into two

Still I call it magic

When I'm next to you

Kapag kasama ko siya para ngang magic. Nagiging masaya ako, nagkaroon ako ng instant pamilya at bestfriend dahil sa kanya, pakiramdam ko wala akong sakit, pakiramdam ko normal lang ako, walang iniintinding mamamatay na ako soon. Para siyang gamot sa lahat ng sakit ko. Sa tingin ko rin gusto ko na siya, pero alam kong hindi pwede. Hindi pwede tong nararamdaman ko kasi sooner or later iiwan ko rin siya, at masasaktan ko siya. Kaya dapat una pa lang pigilan ko na to.

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon