ISAM.4

514 23 5
                                    

Thalia's POV

Linapitan ko siya at umupo sa tabi niya. "Bakit ka nandito?"

"Wala ka nang pakialam dun." Tapos tumayo siya, aalis na yata.

"Aalis ka na?"

"Oo."

"Wag ka munang umalis."

"Nandito ka na kasi. Creepy."

Grabe naman to magsalita. "Hoy kung iniisip mo na sinundan kita dito nagkakamali ka! Bakit naman kita susundan? Ikaw nga yung weird diyan e."

"Ewan ko sayo." Tuluyan na siyang naglakad palayo.

"Hoy anong pangalan mo?!" Sinigawan ko pa siya, baka sakaling marinig pa ako at sumagot.

"Darren!"

At last alam ko na rin yung pangalan niya. Pero ang sungit niya, lalaking pa-cool at pa-hard to get kuno.

Nag-ring yung phone ko, tumatawag si Jerome. Ano namang kailangan ng isang to? Sinagot ko na lang yung tawag.
"Hello? Bakit?"

(Thalia, pwede ka bang pumunta sa unit ko?) Husky at malungkot yung tono ng boses niya. Parang may problema.

"Bakit ba? Anong problema?" Kung may problema siya, bakit ako pa yung kailangang mag-comfort sa kanya ni hindi nga kami close.

(Si mommy...) nagcrack yung boses niya. Parang umiiyak.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari sa mommy mo?" Medyo nag-aalala na ako.

(She's gone...)

"Sige sige pupunta na ako dyan. Ibigay mo sakin yung address ng unit mo."

(Salamat, Thalia...)

"Oo sige. Dyan ka lang ah papunta na ako." Kahit na asar ako sa taong to may puso pa rin naman ako. Kailangan niya ng karamay ngayon. Mamaya biglang magsuicide to konsensya ko pa.

Bumalik agad ako sa set at hinanap si Phia. "Phia, alis na tayo may kailangan akong puntahan. Pakibilis please."

"Oh sige sige pumunta ka na sa van hahanapin ko lang si manong driver nagyosi lang saglit."

Pumunta na ako sa van, sumunod din naman agad si Phia kasama si manong. "Manong pakibilis ah." Sabi ko agad nung maksakay na si manong.

"Saan po ba tayo?"

Saan nga ba yung unit ni Jerome. "Phia, alam mo ba kung saan yung unit ni Jerome? Dun tayo."

"Anong gagawin mo sa unit ni Jerome? Aish. Manong sa Taguig tayo, BGC." Sabi ni Phia. Hindi na siya nag-usisa pa. Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe, kaya ako na lang yung nagkusang magkwento, tutal mapagkakatiwalaan naman si Phia.

"May problema kasi siya, tumawag sakin kanina." Sabi ko.

Nagulat si Phia at napatingin sakin. "Bakit daw?"

"Ewan. Basta sabi niya her mom was gone."

"Ganun ba? Eh paano yung media? Paano pag may nakakita na pumunta ka sa unit ni Jerome Lim?"

"Bahala na si mommy na mag-ayos nun."

"Sige. Ikaw ang bahala."

Nung makarating kami dun sa building ng condo ni Jerome, tinawagan ko agad siya. Sinundo niya ako sa may lobby, namamaga pa nga yung mata niya, sa kakaiyak siguro. Si Phia pinauwi ko na muna.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Jerome nung makapasok kami sa unit niya.

Tumulo yung luha niya nung nagtanong ako. Lumapit siya at niyakap ako. "Hindi ko kaya... si mommy na lang yung meron ako... hindi ko kayang mawala siya..." humagulgol na siya sa balikat ko. Hindi na siya yung Jerome na mayabang sa paningin ko, para isa na siyang bata na umiiyak dahil nadapa.

Niyakap ko rin siya. "Kumalma ka muna. Tahan na. Maupo tayo." Inalalayan ko siya papunta sa may couch.

Nung makaupo kami sinubukan niyang kumalma. Pinunasan niya yung luha niya. "Hindi ko alam kung paano, bakit, saan, kailan. Basta nung may tumawag sakin na nasa ospital si mommy tumakbo agad ako sa ospital... At yung nadatnan ko dun..." hindi na niya natapos yung sinasabi niya, umiyak na naman siya. "H-Hin-Hindi ko siya kayang m-makita ng ganun..."

"Nasaan siya?"

"Wala pa akong kinakausap simula kaninang malaman ko..."

Hinaplos ko yung likod niya. "Kailangan mong maging malakas. Diba nga sabi mo kayo na lang ng mommy mo yung meron ang isa't-isa, kailangan ka niya ngayon. Puntahan mo na siya."

"Hindi ko siya kayang makita ng ganun... pakiramdam ko mamamatay din ako..."

"Wag kang magsalita ng ganyan. Asan ba yung phone mo? Tawagan natin yung PA mo."

Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at inabot sakin. Tinawagan ko yung PA niya para itanong kung nasaan yung mommy ni Jerome. Nung malaman ko kung saang funeral home nakaburol yung mommy niya, agad ko siyang hinila pababa ng unit para pumara ng taxi, pupuntahan namin yung mommy niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa mommy mo. Wag mong sabihin na hindi mo kaya, nandito ako sa likod mo."

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami kung saan nakaburol yung mommy niya. Dahan-dahang pumasok si Jerome, iyak na rin siya ng iyak, kita ko pa rin kahit nasa likod niya ako base sa paggalaw ng balikat niya. Nung nakarating siya sa tapat ng mommy niya, halos maupo siya sa sahig sa pag-iyak. Ang lakas ng iyak niya, parang batang inaway.

"Mommy! Mommy!" Iyak siya ng iyak.

Nung kumalma na siya, nakatulala naman. Tinabihan ko siya, hanggang sa maya-maya ay isandal niya yung ulo niya sa balikat ko, nakatulog na pala. Hinayaan ko lang.

Dahil sa nangyaring to, biglang nag-iba yung tingin ko kay Jerome. Binata na nga siya physically, pero bata pa talaga siya kailangan pa niya ng mag-aalaga sa kanya. He's a twenty-year-old boy, a boy who needs someone who'll take care of him. And I'm a nineteen-year-old nanny who's willing to take care of this boy. Biglang bumilis yung tibok ng puso sa naisip ko, parang de javu. Parang nangyari na to dati, yung may aalagaan ako.

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon